THIRD PERSON.Naging sobrang abala ni jennie netong mga nakaraang araw. As the new ceo of the company, marami na syang duties and responsibilities ngayon.
2 weeks from now gaganapin na ang pinaghahandaan nilang fashion show event. But still wala pa din syang mahanap na photographer. Mabuti na lamang at may nirerecommend si IU sa kanya. Pinasabihan nya ito na iinvite for a lunch meeting sooner.
Si jisoo at IU naman ang kasalukuyang umaasikaso sa pagdakip kay kai. Bumaba na kasi ang warrant of arrest nya kaya anytime pwede na nila itong hulihin. Mabuti na lamang at nalaman na ni jisoo ang hideout nito dahil pinatiktikan na nya ito noon.
Ngayong araw ang itinakda upang arestuhin sya. Naghahanda na ang kapulisan para sya'y dakpin. Hindi man sang-ayon si jiyong ay wala syang nagawa nang ipagpilitan nila jisoo na sumama sa operasyon. Gusto kasi nito na makita harap-harapan si kai habang inaaresto ng mga pulis.
~~
"Hello, lis. Maya maya lang ay pupunta na kami sa lokasyon ni kai. Kasama kami ni unnie. Sana maging successful ang operasyon na ito." pabulong ang boses ni IU habang kausap si lisa sa kabilang linya. Palinga-linga din sya sa paligid dahil baka marinig sya ni jisoo.
"Good to know IU. Mag-iingat kayo ni unnie dun okay? Balitaan mo lang ako. Ako na bahala kay jen. Salamat sa tulong mo sa pagkabit ng spy camera sa office nya, ngayon ay nakikita ko sya mula sa aking ipad. Nandito lang ako sa malapit para bantayan sya. Pati mga agents na binayaran ko nandito lang rin naka standby just in case may kung anong mangyari. Don't worry about jen. I'll make sure she's safe." puno ng kasiguraduhan ang bawat salitang binibitawan ni lisa kaya naman nakampante na din si IU para sa kapatid.
Mula sa kanyang ipad ay malayang napagmamasdan ni lisa si jennie habang abala ito na nakaharap sa kanyang laptop. Hindi nya mapigilang mangiti at malungkot dahil sa ganitong paraan muna nya pwedeng makita ang minamahal.
"Hon, sobrang miss na miss na kita. If you only knew how much i want to hug and kiss you right now. Nakikita kita yet hindi moko nakikita. But i promise malapit na malapit na mahal." pakikipagusap ni lisa sa imahe ni jennie habang hinahaplos ito mula sa kanyang ipad.
~~
Alas-kwatro ng hapon nang tumulak na ang kapulisan patungo sa kinaroroonan ni kai na nasa rest house nila sa tagaytay. Armado ang lahat dahil siguradong madaming mga tauhan ito.
Makalipas ang ilang sandali nakarating na sila. Isa-isa nang nagsipag pwesto ang mga pulis. Tahimik silang kumikilos upang hindi makalikha ng kumosyon.
"Maam, dito nalang po kayong dalawa. Please huwag na huwag kayong aalis dito para sa inyong kaligtasan." pag-uutos ni major kina jisoo. Agad na din itong pumwesto kasama ng ilan pang pulis.
BINABASA MO ANG
Till I Met You Again
RomancePROLOGUE: What if you found right love but at the wrong time? Wrong situation? Family issues? Will you fight for it or will you just let fate play against you? Meet Jennie Kim, 20yrs old. Youngest child ng mayamang negosyanteng Chaerin and Jiyong...