FIRST DATE

2.8K 102 2
                                    


THIRD PERSON.

Pasado alas dos na ng hapon. Unti-unting minumulat ni lisa ang kanyang mga mata. Pupungas-pungas pa sya ng sya'y napatingin sa kanyang tabi. Mahimbing pa din na natutulog si jennie sa kanyang bisig. Tinitigan nya ito habang mahinang pinipisil ang pisngi. Hindi nya mapigilang mapangiti dahil ito ang unang gising nya na katabi ang minamahal.

Inilapit nya ang kanyang bibig sa tenga ni jennie. She whispers..
"Goodmorning hon. Wake up naaaaa! Honnnnnn! Yuhoooo!"

Hindi man lang natinag si jennie seems walang epekto ang panggigising ni Lisa.

Lisa then started kissing jennie's face. From forehead, eyes, nose, cheeks and lastly at her lips.
"Loveeeee gising na! Hey..!" ngunit bigo pa din sya. Nagbago lang ng pwesto ngunit tulog pa rin.

"HON!! HON GISING NA! MAY SUNOOOOGGG!!" malakas na sigaw ni lisa habang niyuyugyog ang kanyang balikat.
Agad namang napabalikwas ang kaninang tulog na si jennie.

"OMYGHAD LISAAAA! WHERE'S THE FIRE!! LET'S FUCKING GO!"
Agad syang napatigil when she saw lisa bursting with laughter.

"HAHAHAHAHA that was so funny loveee!!" pang-aaasar ni lisa while doing peace sign. Inirapan sya ni jennie ngunit agad din naman nya itong yinakap.

"Goodmorning my loveee!" bati ni lisa sabay halik sa pisngi.
"Psh! Goodmorning too manoban!" asar na sagot ni jennie.
"Aga ng prank mo ah tsssss!" dagdag pa nya.

---------

After they had a shower and ordered their food online, bigla namang naging seryoso si jen at kinausap si lisa.

"Hon, how about irene? Pano natin sasabihin sa kanya ang mga to? We're actually acting like a legal couple here nakakalimutan nating you still have to fix your relationship with irene." jennie said.

"About that hon, actually napagpasyahan kong makipagmeet sa kanya bukas to tell her the truth about us. I'm actually nervous. I don't know how she will react. For sure masasaktan sya eh. But i have to be honest na with my real feelings para hindi na sya mas lalong masaktan. Don't worry okay? I'll handle this." paninigurado nya kay jennie.

"But as for today let's just be happy nalang and enjoy our date okay hon?" sabay ngiti ng malaki.
"We will hon. Let's make it so special." sang-ayon ni jennie.
Pagdating ng food, agad na silang kumain at nag-ayos. Alas tres na at alas kwatro ang kanilang usapan nila nanay nena. Tinawagan muna ni lisa si taehyung just making sure if ayos na ang mag-iina.
Papunta na sila ngayon don.

-------------

Nadatnan namin silang lahat na masayang naghihintay. They seemed so excited na para sa mga happenings today. Agad na namin silang pinasakay at mabilis ding umalis. Halos 3hrs din kasi ang byahe.

Ang saya ng mga bata. Tila namamangha sa kada makikita nila. Siguro ngayon lang sila mamamasyal. Masaya ako na makikita namin silang magsaya at mag-enjoy. This is our final shoot na din eh and this is our way of being thankful to them.

Wala silang ka alam-alam na habang nagsasaya sila ngayon ay busy naman si taehyung para ayusin at ihanda ang kanilang titirahan. Bumili kasi kami ni lisa ng isang bungalow style house sa isang private subdivision para sa kanila. Complete with furnitures na din and a sari-sari store para may pagkakitaan sila. Lisa even settled kids educational plan. Lahat ay inayos namin para sa kanila. This is the best thing we did as a couple.

----------

We are here na at the amusement park. The 'Kim's Dream Fantasy Land'. So basically free silang lahat sakyan ang kahit anong rides na gusto nila. Sinamahan namin ang mga bata sa mga napili nilang rides. Si lisa naman ay busy sa pagbi video habang kami ni nanay nena ay nagchicheer para sa kanila.

Nilibot namin ang lugar kung san ituro ng mga bata. Grabe parang wala silang kapaguran hehe. It's already 7pm na nang nakaramdam ang lahat ng gutom. So tumungo kami sa isang restaurant dito rin sa vicinity since may sariling mall itong amusement park.

Masayang masaya ang lahat habang kumakain. Lahat ng ito ay captured ng camera ni lisa. Ang gaganda ng kanilang mga ngiti. Matapos kumain ay dinala namin sila sa department store upang bilhan ng mga damit. Mula pambahay, pang-alis at kung ano ano pa. Abot-langit naman ang pasasalamat ni nanay sa amin.
Saglit namin silang iniwan dito sa isang private room para makapagpahinga saglit.

Now it's my time with lisa naman.

We headed into this ferris wheel and    viewing the whole place from above. Ang ganda. Sing ganda ng mga ngiti ni lisa sa akin. Magkahawak ang aming kamay habang nakahilig ang aking ulo sa kanyang balikat.

"Hon? Thank you so much for today. Thank you for making me happy. This is the best date ever." bulong ko sa kanya.  She caresses my hair gently.

"I must be the one who shall thank you at the first place hon. You made me the most happiest person on earth. Wala akong ibang nararamdaman kundi saya at pagmamahal para sayo. I'm so lucky to have you my nini." she answered.

Saglit kaming nagkatinginan hanggang sa maglapat na ang aming mga labi.

----------

Nagpasya na kaming umuwi since antok na ang mga bata. 10pm na din kasi. Napagod sila panigurado.
After 3hours of travel nakarating na kami sa kanilang bagong tirahan. Gulat na gulat silang lahat at naiiyak sa pagpapasalamat samin. Si nanay ay hindi na magkanda-ugaga kung pano magti thank you. We gave them our calling cards and a phone para just in case they can call us. Binilinan din ni lisa si taehyung to check for them regularly.

Hinatid na rin naman ako ni Lisa sa aming bahay. Hinihintay na kasi ako  ni jisoo unnie. Saglit syang pumasok para makipagusap ng konti kay unnie at para magexplain na din. Binanggit na din nya ang tungkol sa pagmimeet nila ni irene mamaya. Humingi sya ng konting advice from unnie. She called irene na para sabhing magmeet sila. Maya-maya pa ay umuwi na rin si lisa.

I sighed. Mamaya ay aamin na si lisa kay irene. Sana maging maayos naman ang kanilang pag-uusap.

"Irene, i'm so sorry but i really love lisa and i don't wanna let her go pa this time."

-----------
A/N:
What will happen kaya sa paguusap nila irene at lisa? Guys let's hope for the best para sa tatlo.
Please vote and comment.

Till I Met You AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon