CHAPTER 38

1.9K 96 0
                                    


JIYONG POV.

After i found out kung nasan sila agad akong lumipad gamit ang aking private plane.
Now i'm here already. Sinundo na ako ng aking mga tauhan at we're on our way papunta sa kinaroroonan nila. Halong kaba, takot at saya ang nararamdaman ko.

Saya kasi makikita kona sila matapos ang maraming taon.
Kaba kasi hindi ako sigurado sa magiging reaksyon nila.
At takot dahil maaring maka apekto ito sa kung anong meron ako ngayon. Ngunit desidido na akong gawin ito.

Makalipas ang ilang oras ay nandito na kami. Pinagmasdan ko ang paligid. Mukang ayos naman ang kanilang lagay. Nakahinga ako ng maluwag. Nandito lang ako ngayon sa loob ng sasakyan. Pinauna ko muna ang aking mga tauhan.

Maya-maya pa ay sinundo na nila ako.

"Sir, pwede mo na po silang puntahan." wika ng isa kong tao. Inayos ko muna ang aking sarili at nagpakawala ng malalim na buntong-hininga.

"Sige thank you." tugon ko. Naglalakad na ako kasabay ng ilan kong mga tauhan. Kung ano ano ang naiisip ko sa mga oras na ito. Sana maging maayos ang lahat.

At nandito na nga kami. Nag doorbell ako at hinihintay na may magbukas ng pinto.

*Ding-Dong!*
*Ding-Dong!*

Mga makailang ulit ko din itong ginawa hanggang sa tuluyang ang pinto ay magbukas. Laking gulat ko at ganoon din sya.

"Ji-jiyong?? Ikaw naba yan??" tanong nya. Bakas sa kanyang mga mukha ang pagkabigla.

"Oo ako to. Patawad kung ngayon lang ako. Patawad." bungad ko. Akmang hahakbang ako pasulong nang bigla nya akong sinaraduhan ng pinto.

*BLAAAAAAAG!!*

"Jiyong, pakiusap umalis kana! Bakit kapa bumalik??? Ngayon pa?! Hindi kana sana bumalik pa. Hindi ka namin kailangan!!" tinig na nagmumula sa kabilang bahagi ng pinto. May halong galit sa kanyang tinig.

"Pakiusap naman. Let me explain. Hindi ko ginusto ang mga nangyari. Wala rin kasi akong alam. Please magusap tayo. Please. Nagmamakaawa ako!" pakiusap ko habang pinupukpok ang pinto gamit ang aking mga kamay.

Ilang minutong katahimikan ang bumalot. Mukang bigo ako.

Ngunit biglang bumukas ulit ang pinto at lumabas sya. Napintahan ng ngiti ang aking mga labi.

"Sige. Hinahayaan kitang magpaliwanag ngayon. Gusto kong malaman ang panig mo. Hindi ako madamot na tao para hindi ka pagbigyan. Mag-usap tayo dito sa loob." sambit nya ng may pag-aalinlangan. Alam kong naguguluhan sya.

"Thank you. Maraming salamat sa oras mo." maikli kong tugon at ako'y pumasok na nga. Pinagmasdan ko ang kabuuan wari may hinahanap ako. Hanggang mabaling ang aking paningin sa isang larawan.

Till I Met You AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon