JISOO POV.-Kinabukasan-
Umuwi muna ako saglit dito sa bahay upang kumuha ng mga gamit ni jennie. Naiwan si dad doon para magbantay. Nalaman na din ni mom ang kalagayan ni jen. Iyak ito ng iyak sa sinapit ni bunso kaya naman iniiwasan muna namin na pumunta sya sa hospital. Hindi pa man din alam ni dad ang tungkol sa sakit nya.
"Mom, babalik na po ako sa hospital. Isasama ko po si rosé para magbantay wala naman sila pasok at ako naman ay nagleave muna para maasikaso si jen. Pauuwiin ko na po dito si dad para samahan ka. Mom, matapos ng mga nangyari siguro ay dapat ipagsantabi muna natin ang ating mga nararamdaman. Mas kailangan tayo ngayon ni jen bilang pamilya nya. Be strong mom. Malakas si jendeuk, makakaya nya yon." pag-aalo ko kay mom. Binigyan ko muna sya ng halik sa noo bago ako umalis. Susunduin kopa kasi si rosé."
Habang nasa byahe ako, naisip kong tawagan si somi. Baka kasi may balita sya tungkol kay lisa. Hindi kasi namin alam kung sang hospital sya dinala. Nag-aalala ako. Mas lalo si jennie. Siguradong pag nagising sya eh si Lisa agad ang hahanapin nya.
"Hello somi. Alam mo ba kung san hospital si lisa ha??" usisa ko.
"Naku unnie wala akong alam pasensya na. Si jennie sana maging okay na sya. Dadalaw ako next time unnie. Ingat." tugon nya.
Magsasalita pa sana ako kaso pinatay na nya ang tawag. Weird huh.
---------
Pagdating ko dito sa hospital. Kinausap ko agad si dad para umuwi na at magpahinga tutal dalawa naman kami ni rosé ngayon.
Kasalukuyang comatose pa din si jennie ngayon. Nakikipaglaban pa din sa kamatayan. Nadudurog ang puso kong makita ang kapatid ko sa ganitong lagay.
"Babe, tama na yan. Relax. We both know kung gano katapang si jen. She can do that. Just trust her. Hindi nun basta iiwan si Lisa." malumanay na wika ni rosé habang pinapatahan ako.
"Sana nga babe. Sana bukas gumising na sya ng mapanatag ako. Mahal na mahal ko yang kapatid ko. Sisiguraduhin kong mananagot ang gumawa nito sa kanya pati kay lisa."
Di ko mapigilang hindi sumabog sa galit. Pagbabayaran ng kung sino mang gumawa nito kay jennie.
-----------
Dalawang linggo na ang nakalipas na pauli-ulit ang aming sistema dito sa hospital. Halos dito na ako tumira. May pasok kasi sila rosé kaya bihira nya ako masamahan. Hindi naman lingid sa buong school ang nangyari kina jennie at lisa kaya halos lahat ay tensyonado din sa mga kaganapan.
Sila Nayeon din ay laging bumibisita dito kay jennie. Miss na miss na nila ang kaibigan nila. Nariyang kakantahan nila si jennie or kukuwentuhan ng kung ano-ano. Naririnig naman daw sila ni jen sabi ng doktor kahit under coma sya. Lahat kami gustong gusto na syang magising.
Hanggang ngayon ay wala pa rin kaming balita kay lisa. Nasan na kaya sya? Ano na kayang nangyari sa kanya? Buhay pa kaya sya??
Hayys ang daming katanungan sa isip ko. Siguro kung nandito si lisa magigising na tong kapatid ko. Pero lahat kami walang balita sa kanya. Sinabihan ko sila na huwag muna babanggitin si lisa kay jennie. Baka kasi hindi makatulong kapag malaman.
------------
"Wala pa ba kayong balita sa lisa na yun?? Kailangan nating masiguro na patay na sya. Basta magman-man lang kayo dyan. Si jennie bantayan nyo kung kailan sya magigising. Kailangan makuha ko sya uli."
BINABASA MO ANG
Till I Met You Again
RomancePROLOGUE: What if you found right love but at the wrong time? Wrong situation? Family issues? Will you fight for it or will you just let fate play against you? Meet Jennie Kim, 20yrs old. Youngest child ng mayamang negosyanteng Chaerin and Jiyong...