THIRD PERSON.Kinabukasan, nagbalak nang bumalik pa manila sila jennie. May pasok kasi ang mga bata. At sya rin ay babalik na muli sa school, wala na kasing apat na buwan bago ang graduation. Kailangan nyang makahabol, maski nag a-attend sya ng online class.
Sila Nayeon, Somi, Rosé at Irene naman ayun nabusy din sa school sa dami ng mga paper works at presentations. Sa videocall lang sila nagkakamustahan nila jennie. Samantala, nagpalit ng kurso si IU pa abogasya. Nandito raw kasi ang puso nya. Sa tulong ng ama nya na si jiyong pinagpatuloy nya ito. Ang gusto nya ay maging personal lawyer at adviser ng kanilang company kapag si jennie na ang namahala dito. Gusto nyang makabawi sa kapatid sa ganitong paraan.
Si jisoo ay patuloy na nagkakalap ng impormasyon tungkol kay kai. Hanggang ngayon kasi ay malaya pa din ito at hindi sila kampante para kay jennie. Na baka anytime may gawin na naman itong masama sa kanila lalo sa kanyang kapatid. Miss na miss na nya si jennie. Simula kasi ng umalis ito sa bahay ay hindi pa sila nag-uusap. Alam nya kasing galit pa ito kaya hinayaan nya na muna na humupa ang kanyang galit at makipag-usap na sa kanya.
JISOO POV.
Sa ilang buwan kong paghahanap sa kinaroroonan ni kai, napag-alaman ko na nag i-stay ito sa isa sa resthouse nila. Kaya pinatitiktikan ko ito sa agent na binayaran ko ng sa ganun malalaman ko ikinikilos nila. Hanggang wala pa kasi kaming hawak na matibay na ebidensya laban sa kanya, malaya pa rin itong nakakagalaw. Kailangan mas maging handa kami lalo para kay jennie.
I'm currently doing my job here at house. Yes, work from home muna para mabantayan ko si mom. Same kami ni dad kasi kailangan naming ayusin muna ang problema ng pamilya. Nagulat nga ako sa kanya eh kasi kung dati napaka workaholic nito eh ngayon sya na mismo nag-utos na we should take a break and focus on our family first. Siguro bumabawi. Kaya naman nawawala na rin ang sama ng loob ko sa kanya. At sana ganun din si jen.
Sunday ngayon, plano kong mamasyal kaming dalawa ni mom. Lagi nalang kasi itong nakakulong sa bahay at iniisip si jennie. Hindi maganda para sa kalusugan nya.
I need to atleast make her happy naman.Hinanap ko sya sa garden baka nagdidilig sa favorite nyang orchids, but wala sya doon. Sa kitchen ganon din. So malamang nasa kuwarto pa. Pero usually ganitong oras nakababa na sya eh.
Nandito nako sa labas ng pinto.
*TOK-TOK!*
"Mom? Dyan ka? Pasok na ko ha?" pagpapaalam ko.
Agad naman din akong pumasok.
Wala sya sa higaan nya. Sinilip ko sa banyo wala din. Binuksan ko ang pinto ng balcony at dun ko sya nakita na walang malay habang nakabulagta sa sahig. Patakbo ko syang nilapitan.
"MOMMY!!!"
Niyakap ko sya at malakas na humingi ng tulong. Agad namang dumating sila dad. Laking gulat ni dad ng nakita si mom sa ganung sitwasyon.
"DAD PLEASE LET'S BRING MOM TO HOSPITAL RIGHT NOW!!" malakas na sabi ko habang naiiyak na.
Mabilis namang binuhat ni dad si mom pasakay ng kotse at agaran kaming umalis pa hospital.
Pagkarating namin don dinirecho agad si mom sa emergency room. Naiwan kami saglit ni dad habang naghihintay.
"What's happening jisoo?? Tingnan mo nandito na naman tayo sa hospital. Una si jennie and now your mother. Bakit ganito?" litong pagkakasabi ni dad.
BINABASA MO ANG
Till I Met You Again
RomancePROLOGUE: What if you found right love but at the wrong time? Wrong situation? Family issues? Will you fight for it or will you just let fate play against you? Meet Jennie Kim, 20yrs old. Youngest child ng mayamang negosyanteng Chaerin and Jiyong...