IRENE POV.It's been a week din na halos di kami nagkikita ni Lisa. Puro calls and chats lang. I know how busy she is kasi regarding their documentary, sa isang araw na kasi yun. I miss her so much!
Last night she called me and gusto nyang makipagkita mamaya sa school. Pupunta kasi sya don para ipa review ang footage bago nya ifinalize ang pag-edit. Finally, makakasama ko na din sya ulit.
-------------
-At the School-
Break time na kaya papunta na ko ngayon sa may rooftop kung san sinabi ni lisa na magkita kami. 10am ang oras na sinabi nya, sakto 9:50am na. Pagkarating ko dito, nakita ko agad sya nakatalikod holding her camera and taking some shots. She really loves photography.
"Hi baby!" tawag ko. Napalingon naman sya agad at nginitian ako.
"Hi baby, tara come here." pagyaya nya sakin. We hug each other for a while, cuddling with each other. She's giving me her sweetest smile at bigla syang nanahimik. Nakatingin lang sya sa malayo parang ang lalim ng iniisip."Ahm irene, so how are you these past few days? Sorry sa pagkabusy ko ha? Kelangan eh." pagpapaliwanag nya.
"I understand it lis. Wala namang problema don isa pa si jennie naman ang kasama mo kaya alam kong ayos ka." tugon ko naman.
Huminga sya ng malalim bago muling nagsalita. Humarap sya sakin with a serious face. Medyo kinabahan tuloy ako.
"Irene, i have something important to tell you. Sana pakinggan mo muna ako at sana maintindihan mo." panimula nya. Tumango naman ako bilang pagsang-ayon na pwede na syang magsimula.
"Irene, you know i am so thankful na nakilala kita. Na naging tayo. Ramdam ko kung gano moko kamahal. I love you too irene and alam mo yan." naguguluhan ako bakit ganito ang kanyang mga sinasabi.
"Napaka swerte ko kasi ako ang minahal mo. Napaka worth it mong mahalin, alagaan at pasiyahin. Sorry if minsan nababalewala kita at nasasaktan ng di sinasadya. Ang gusto ko ay lagi kang masaya irene." pagpapatuloy nya. Nakakaramdam na ako ng kakaiba, umiinit na ang bawat sulok ng aking mga mata nagbabadya na ang pag-agos ng luha mula dito.
"Lisa, ano ba ang sinasabi mo? Bakit ka nagkakaganyan? May problema ba? Tell me please lisa. May bumabagabag ba sayo? Napapagod ka naba sa akin??" paguusisa ko sa kanya.
"Irene, i'm breaking up with you. I'm really sorry. Let's breakup. Not because i don't love you but because i want you to be genuinely happy sa taong mas karapat-dapat and hindi ako yun. I'm so sorry." straight- forward nyang sinabi habang lumuluha. Tinitigan ko sya ng mabuti. Masakit. Napakasakit ng nga sinasabi nya sakin ngayon.
"It's because of jen right? You're breaking up with me because of her. You love her more than you love me. I knew it very well lis. After natin nun sa coron napansin kong nag-iiba kana. Nagiging moody kana at mainitin ang ulo. Alam ko ang dahilan kasi hindi kayo okay. Di ka nya pinapansin. The way you look at her, the way you worry for her, the way you treat her ibang iba kesa sa kung pano ka sakin. Yun saya mo kapag kasama mo sya walang paglagyan. And i know she feels that way to you also. You both love each other. Lisa, kelan pa?" tanong ko. Umiiyak lang sya while holding my hand.
"Nun nakaraang araw lang irene. Pangatlong araw palang. Irene, i'm really really sorry. Totoong minahal kita pero narealized kong si jennie pala ang totoong nilalaman ng puso ko. Ayokong mawala pa sya sakin ulit. Magalit ka sakin. Sampalin mo ko. Saktan mo ko. Tatanggapin ko yan lahat. Patawad irene." pagsusumamo nya.
(Please play "I love you goodbye" by nina para mas dama)
"No lis, ayokong manakit. Mahal kita eh. Kung san ka masaya don ako. Wala akong pinagsisisihan kasi binigay ko ang pagmamahal ko ng buo. Thank you for coming into my life lisa and for loving me. Kung si jennie talaga ang totoong mahal mo, go fight for her. Love her till you can. Wag mong hayaang mawala ang kaligayahan mo. Mahal kita pero alam kong mas mahal mo sya. Kelangan kita pero alam kong mas kelangan mo sya. Hiniling ko na sana ako nalang, sana ako nalang ulit pero mahirap nang pumantay eh kasi natagpuan mo na yun taong kaya kang mahalin ng higit pa sa kaya ko. Sa kanya ka totoong masaya. Wala akong laban. I knew jen for how many years. She deserves to be happy also. Please take good care of my friend." di ko na napigilan ang mga luha na kanina pa gustong kumawala. Sobrang sakit malaman na ang mahal mo ay masaya na sa iba.
Pero ganun naman diba kapag mahal mo hahayaan mong maging masaya kahit pa hindi na sa piling mo. I hug lisa so tight and kiss her for the last time bago ko sya tuluyang iwan dito sa rooftop.Ngayon, naglalakad na akong papalayo sa kanya. Palayo sa taong mahal ko, upang makahakbang sya palapit sa taong minamahal nya.
Now the story of us has ended. She will be making a new story with her true love, jennie. Eventhough she's not my co-lead anymore she still has a great role in my own story.
"Thank you lisa. I love you and goodbye."
LISA POV.
Ang sakit. Masakit makitang nasasaktan si irene. Hanga ako sa pagmamahal na ibinigay nya sakin. Napaka self-less nya. Nagparaya sya para maging masaya ako. Hinding hindi ko sya bibiguin. Sa ngayon ang hangad ko nalang para sa kanya ay matagpuan ang taong nakalaan talaga para lang sa kanya.
Pansamantala akong nanatili dito sa rooftop. Gusto ko lang magpalipas ng oras nang mag-isa. Ihinga ang bigat na aking nararamdaman. Tinawagan ko saglit si jennie para ipaalam sa kanya ang mga nangyari. Umiiyak ako habang kausap sya. Salamat dahil naiintindihan nya ang pinagdaraanan ko ngayon. Ni hindi sya nagtanong or what, hinayaan nya lang akong magsalita at ilabas ang aking saloobin.
-----------
Makalipas ang isang oras nagpasya na kong umuwi. Hindi kona ginawang silipin pa uli si irene, tingin ko sa mga oras na to kasama nya sila nayeon. Dumirecho na ko sa aking sasakyan at agarin ding umalis.Dito ako sa unit ko uli mag stay tutal ako lang rin mag-isa sa bahay. Wala pa rin mga parents ko.
Nagtext din ako agad kay jennie para sabihing nakauwi na ako. Kanina pa kasi sya tumatawag. Siguro'y nag-aalala na sya kaya i assured her na ayos lang ako.Agad kong binalingan ang aking journal na nasa table. Ngayon naisip ko na ang gagawin kong finale para sa story ko. Oo tama ngayon alam ko na. It's all about "Selfless love". That even if you love someone so much, you won't hold them back just because you want to. What is important to you is their happiness. Irene made me realized all of this. "I owe it all to you."
*Selfless love means putting the needs, desires, and sometimes, the wants of the person you love ahead of your own. ... Whether it hurts, is painful, or you get nothing out of it for yourself. Loving someone selflessly means that you make decisions based not on what you want, but what is best for the one you love.
Love is when the other person's happiness is more important than your own.*------------
A/N:
A sad yet meaningful ending for LisRene. Let's all be thankful for Irene's selfless decision. She paved the way for JenLisa's love story.
Please vote and comment.
BINABASA MO ANG
Till I Met You Again
RomancePROLOGUE: What if you found right love but at the wrong time? Wrong situation? Family issues? Will you fight for it or will you just let fate play against you? Meet Jennie Kim, 20yrs old. Youngest child ng mayamang negosyanteng Chaerin and Jiyong...