WORKMATES

2.4K 90 16
                                    


LISA POV.

Sa wakas, ngayon ay natuldukan na ang kasamaan ni kai. Hindi na nya kami magagambala pa, lalo na si jennie. Laking pasasalamat ko kay IU sa pagtulong sa akin para maisakatuparan ang plano kong iyon. Ngayon ay mapapanatag na ako na ligtas na si jennie.

Mahaba-habang panahon din ang hinintay ko para lamang magkasama kami ni jen. At nangyari nga iyon sa wakas. Sobrang saya ko ng mga sandaling iyon na muli ay napagmasdan at nahaplos ko ang kanyang maamong mukha at nayakap ng mahigpit. Kahit saglit na oras lang ay muli ko syang naangkin sa aking mga bisig.

Subalit agad ding binawi ang kaligayahan kong iyon nang umeksena na naman ang mino na yun. Alam kong mabuti syang tao pero hindi ko maiwasang hindi bumigat ang loob sa kanya.

Ako dapat yon eh! Ako dapat ang nasa tabi ni jennie! Ako ang yumayakap at nagpapagaan ng loob nya! Ngunit nakakainis dahil wala akong magawa. Tila tinanggalan ako ng karapatan dahil sa katotohanang silang dalawa ay engaged na. Hanggang ngayon sobrang sakit pa din pala talaga. Hindi ito ang inaasahan kong mangyari samin ni jennie.

Ngunit hindi pa rin ako sumusuko. Hangga't hindi pa sila kasal puwede pang magbago ang lahat at mapa sa akin muli ang mahal ko.

Tila, tadhana ang naglalapit sa amin ngayon dahil magkakaharap at magkakasama na naman kaming dalawa sa trabaho.

Oo ako ang magiging bagong photographer nya. Wala syang alam na ako pala. At malamang masusurpresa sya na malamang ako pala yun.

"Can't wait to be with you again hon." bulong ko sa sarili habang malayang pinagmamasdan si jennie sa ipad ko.

~~

JENNIE POV.

"Omyghad! What is this?! You think this is good enough?? The company will not gonna waste money for this trash! Now, get out!"
bulyaw ko sa isang empleyado from marketing team, sablay na naman kasi gawa nya.

Pagkalabas nya ay sya namang pagpasok ni IU.

"Hey sis calm down. Nag a ala tigre ka na naman. Kaya ilag na ilag mga juniors sayo eh. Mag relax ka nga." pagpapakalma nya sakin sabay abot ng isang basong tubig.

"How can i sis? One week nalang before the event hindi pa plantsado lahat. Hey wait.. yun photographer na sinasabi mo diba i asked you to schedule a lunch meeting for us? Anong sabi?" usisa ko sa kanya.

"Well, kaya nga ako nandito to tell you na pumayag na sya. Ahm.. mga 1pm free ka?" tanong nya sakin matapos tumingin ng oras sa kanyang relo.

"Wait, let me check my schedule for today.... Alright! Vacant time ko is from 12-2pm. Tell your friend to meet me at the cafeteria malapit dito. Don't be late ha?! At please come with me sis okay?" utos ko sa kanya.

"Yes maam hehe. Sabihan ko na sya. For sure excited yun na makita ka." sagot pa ni IU na animo'y nang-aasar.

~~~

Parang sira naman si lisa na natatawa habang pinanunuod ang dalawa sa kanyang ipad. Ang laking advantage talaga ng spy camera na kinabit ni IU sa office ni Jennie dahil parang nakakasama na din nya ito kahit sa screen lang.

Till I Met You AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon