THIRD PERSON.-After 3 years-
"Lisaaaaaaaaa wahhhhh huhuhuhu!!" palahaw ni jennie habang nasa kusina at nagluluto
"Huy jendeuk bakit??" usisa ni jisoo na saktong kakarating lang.
"Unnieeee manganganak na akoooo!!" sigaw pa ni jennie habang umiiyak pa din.
"Waahhh tulong! Si jennie manganganak naaaaa!!" pagtawag ni jisoo sa mga kasambahay.
Mabilis naman nilang inalalayan si jennie pasakay ng sasakyan.
Patuloy pa din ito sa pagpapalahaw sa sakit.
"Lisaaaaaaaaa!!! Mahaaal!" malakas na sigaw ni jennie.
Halos marindi na sila rosé at jisoo na nasa loob ng sasakyan."Babe, call lisa now! Padirechuhin mo na sa hospital!" utos ni rosé habang nagmamaneho.
Mabilis namang dinayal ni jisoo ang numero ni lisa.
"Lisaaaa! Si jennie manganganak na!! Pumunta ka agad sa hospital." pagmamando ni jisoo.
Rinig naman ni lisa ang pag-iyak ni jennie sa sakit.."Unnie, pakibigay saglit kay jennie please." pakiusap ni lisa. Agad naman binigay ni jisoo ang phone kay jennie.
"Hello hon? Hon please relax ka lang ha?? Nagawa mo na ito dati kay ella diba! Just breathe. Kalma lang. parating na ako. I love you mahal." pagpapakalma ni lisa sa asawa.
"Basta bilisan mo hon! Hindi lalabas si baby kapag wala ang dada nya. I love you too mahal." pagmamaktol ni jennie. Binalik naman na nya ang phone sa kapatid.
"Lisa, malapit na kami dun. Bilisan mona.! Ingat ka." bilin pa ni jisoo bago tuluyang patayin ang tawag.
Mabilis naman na nilisan ni lisa ang kanyang opisina at madaling umalis.
~~~
Matapos ang kalahating oras nakarating na si lisa sa hospital. Agad syang tumungo sa delivery room. Naabutan nya dun sila jisoo at rosé na nakaupo sa isang bench.
"Unnie! Si jennie kamusta na sya? Ano nang lagay ng asawa ko?" tanong ni lisa habang humahangos pa dahil sa pagtakbo.
"Hey lis, maupo ka nga muna. Relax ka lang para ka ring manganganak eh." sambit ni rosé.
"Okay naman si jennie, lisa. Kasalukuyan na syang nanganganak. Ilang minuto lang makikita na natin ang bagong anghel nyo lisa." pagpapalakas-loob ni jisoo kay lisa.
BINABASA MO ANG
Till I Met You Again
RomancePROLOGUE: What if you found right love but at the wrong time? Wrong situation? Family issues? Will you fight for it or will you just let fate play against you? Meet Jennie Kim, 20yrs old. Youngest child ng mayamang negosyanteng Chaerin and Jiyong...