CHAPTER 35

2K 75 0
                                    

CHAPTER 35

THIRD PERSON.

Patuloy ang magandang takbo ng relasyon ni lisa at jennie. Suportado naman kasi sila ng kanilang pamilya. Ganun din ang partnership ni Mr. Kim at Mr. Manoban. Nananatiling namamayagpag ang kanilang pangalan pagdating sa negosyo.

Ilang buwan na lamang ay makakapagtapos na sila jennie sa kanilang pag-aaral. At bilang mga anak ng pinaka malaking pangalan sa business world ay siguradong sila ang hahalili dito soon. Walang duda naman na magiging succesful ito dahil pareho silang may angking kakayahan sa ganung larangan.

Kung iisipin ay parang na kay jennie na ang lahat. Beauty, Brain, Wealth and Lovelife. Sanaol diba? Ngunit sabi nga nila wala naman daw perpekto. Hindi pwedeng lahat ay na sayo. Meron kang wala ang iba at meron ang iba na wala ka. It's the law of gravity. Dapat lahat ay balance.

JISOO POV.

Andito ako ngayon sa office ko. Medyo busy madami akong kelangang papers na pirmahan. Madami rin kasing kelangang icheck mamaya na kasi ang inventory dito sa store. Kaya halos bihira akong makauwi, dumidirecho nalang ako sa condo unit ko na malapit dito. Pati si rosé hindi kona mapuntahan pa. Abala ako sa pagsign ng biglang may tumawag sa phone ko. Number ito mula sa landline sa bahay.

"Hello po maam jisoo. Si inday po ito. Maam kailangan mo pong umuwi ngayon dito sa mansyon." tinig mula sa kabilang linya.

"Bakit, anong nangyari dyan? Anong problema??" tanong ko na may pag-aalala.

"Maam kasi po ang mommy nyo po kanina habang nasa garden bigla po syang nahilo at natumba. Dalhin nga po sana namin sa hospital pero ayaw nya." dagdag pa nya.

"Oh sige uuwi ako dyan ngayon din. Salamat manang sa pagtawag. Please pakitingin muna si mom habang wala pa ako." agad kong pinutol ang tawag at binilin lahat dito sa secretary ko. Mabilis akong tumungo sa parking para kunin ang kotse ko. Nag-aalala ako wala kasi si dad nasa business trip. Tinawagan kona rin si jennie para malaman nya.

Nang makauwi nako agad kong pinuntahan sa kwarto si mom. Nadatnan ko syang nakahiga at halos nanghihina. Nilapitan ko naman sya at kinamusta.

"Mom, how are you? Kamusta pakiramdam mo? Ano ba kasi ang ginagawa mo bakit ka nagpapagod??" sunod-sunod kong tanong habang hawak ko ang kanyang kamay.

"Don't worry about me jisoo. Napagod lang ako. You should worry for your sister hindi natin sya kasama dito." malungkot nyang sabi habang napapaluha ang mga mata.

"Mom, i know you miss her. Miss mo na si bunso. Don't cry papunta na sya dito okay?" pagpapakalma ko kay mom.

JENNIE POV.

Nang tinawagan ako ni unnie mabilis kaming tumungo sa mansyon. I'm worried for mom kasi ngayon lang naman ito nangyari tapos wala pa kami sa tabi nya. Hawak lang ni lisa ang kamay ko habang abala sya sa pagda drive. Laking pasalamat ko na nandito lagi si lisa para sakin.

Ilang minuto ang nakalipas at nandito na kami. Pinuntahan ko agad sila mom sa kwarto nya. Nadatnan ko sila ni unnie.

"Mom! I'm sorry po wala kami sa tabi mo. Kamusta kana? Ano bang nararamdaman mo? Dalhin kana namin sa hospital." nangangatal ang aking mga tinig habang nakatitig sa kanyang mukha.

"Ayos lang si mommy baby. Nandito kana eh. Kayong dalawa ni unnie mo ang mga prinsesa ko. Mahal na mahal ko kayo." at sabay namin niyakap ni unnie si mom.

-----------

Dahil sa pagtanggi ni mom na dalhin namin sya sa hospital eh pumayag na rin kami. Pero ngayong gabi dito kami matutulog ni lisa para may kasama siya kailangan kasi si unnie sa store kasi magdamag ang inventory.

Matapos naming pakainin at painumin ng gamot si mom ay nagtungo na rin kami ni lisa sa kwarto ko. Nagshower na rin kami at naghahanda na sa pagtulog.

Napapaisip ako tungkol don sa lihim ni dad. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong idea. Madaming katanungan sa isip ko na kailangan ng kasagutan. Sasabihin ko kaya ito kay lisa? Huwag na muna siguro.

Pasado alas dose na pero hindi pa rin ako makatulog. Si lisa ay mahimbing nang natutulog sa tabi ko habang nakayakap sakin. Nakatingin lang ako sa kisame. Ang hirap naman ng ganito hayys.

Dahan-dahan kong inalis ang kamay ni lisa mula sa pagkakayap sakin. Pagbagon ko ay agad akong lumabas ng kuwarto. Dito ako dinala ng mga paa ko sa office ni dad. Nagpasya akong magtingin tingin. Naglocked muna ko ng pinto para walang makakita.

Inumpisahan ko sa mesa pero wala naman akong nakitang kung ano. Ganun din sa cabinet neto. Wala siguro akong malalaman dito. Nakita ko ang coat ni dad kaya nilapitan ko ito. Balak ko kasing dalhin sa room nya para mailigpit ng maayos.

Sa paghila ko napansing kong may nalaglag sa sahig. Isang maliit na purse at sa loob nito ay may kwintas with the letter "A" as pendant.

Napaisip ako...

Wala namang "A" sa family namin. So para kanino ito??

--------------
A/N:
So para nga kanino kaya iyong kwintas?? At anong meron sa likod nun??

Till I Met You AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon