LISA POV.Naiwan ako mag-isa ngayon dito sa kuwarto ni Jennie. Makikipag-usap kasi sya sa dad nya. Importante siguro. Aantayin ko lang sya dito. Kaya nagtingin-tingin muna ako dito sa mga gamit nya. Ang dami nyang mga pictures dito, malamang kasi nga room nya to haha. May mga portrait mula nung bata pa sya at mga family pictures nila.
Something caught my attention, itong picture nyang isa which is medyo nakatalikod sya at litaw na litaw ang gummy smile nya. Gustong gusto kong nakikita ang mga ngiti nya. Ang ganda grabe lalo akong naiinlove! Napahawak ako sa dibdib ko na tila nakikipag karera sa bilis ng tibok.
Tinanggal ko ang picture mula sa frame nito at kinuha ko. Remembrance ba ganun."Sorry na nini, akin nalang tong isang picture mo ha? Hehe. I love you." para akong baliw na kinakausap ang kanyang larawan sabay halik dito. Napabuntong hininga ako at may kinuha sa aking bulsa. Tinitigan ko ito at hindi maiwasang hindi mapangiti.
-FLASHBACK-
Matapos kong maglaro sa gaming zone, sumadya ako dito sa isang jewelry store. Balak ko kasing bumili ng singsing para kay jennie. Oo gusto ko nang ma engage kami. Yayayain ko na syang magpakasal. I know she loves me but maganda pa ring pasiguro. Mahirap na. My girlfriend is damn hot, pretty and gorgeous. Maraming nababaliw sa kanya. Pero ako ang mapalad na nakakuha ng puso nya.
Wala akong alam sa pagpili kaya nagpatulong nalang ako. Mabuti at alam ko ang sukat ng daliri ni jennie.
At heto sa wakas may napili na kami! It's a diamond engagement ring, it really suits her. Agad ko itong itinago sa aking bulsa. Tumawag na kasi si jen para puntahan ko sya sa salon. Hindi nya pa ito pwede pang makita muna.
"I will give you this ring soon hon. I'm gonna make it special for us." kinikilig kong bulong sa aking sarili. Sobrang excited na akong isuot itong singsing sa daliri ng mahal ko.
-END OF FLASHBACK-
JENNIE POV.
Nagulat ako sa lahat ng mga narinig ko. Pero kulang pa eh dahil bandang huli nalang ang nalaman ko. Kailangan kong alamin ang kabuuan. Inayos ko ang sarili ko at huminga ng malalim bago kumatok. Pagpasok ko sa loob naabutan ko silang dalawa nakaupo sa mesa at may hawak na alak. Patay malisya nalang ako. Kailangan hindi ako magpahalata.
"Hi dad. Hi tito. Sorry to interrupt your bonding here." malumanay kong wika. Pilit ang aking mga ngiti pero hindi nila dapat mapansin.
"Oh hi jen. Kanina kapa ba dyan baby?" wika ni dad habang palinga-linga.
"No. Actually kararating ko lang po dad." pagsisinungaling ko. Si tito man ay nagpapalam na at babalik na daw sya dun baka hinahanap sya ng mga bisita. Naiwan kaming dalawa ni dad sa office.
"Dad bakit mo po ako gustong makausap? Tungkol saan po?" tanong ko.
"Jen, anak. I'm sorry if naging sobrang busy ko sa business. Hindi kona kayo naasikaso ng ate mo lalo ka na baby. I miss you so much my little mandu. Nag-aalala ako sayo kung kamusta kana ba. Hindi kana namin kasama dito sa bahay. So tell me baby, how are you and lisa? Are you happy with her? Hindi kaba nahihirapan sa kanya? Tell me all your worries anak. I'm your father." paguusisa ni dad.
BINABASA MO ANG
Till I Met You Again
RomancePROLOGUE: What if you found right love but at the wrong time? Wrong situation? Family issues? Will you fight for it or will you just let fate play against you? Meet Jennie Kim, 20yrs old. Youngest child ng mayamang negosyanteng Chaerin and Jiyong...