CHAPTER 47

1.8K 81 3
                                    


JENNIE POV.

-Fastforward-

Halos dalawang buwan din ang nakalipas. Nandito pa rin ako nakatira kina nanay nena at hindi ko pa rin kinakausap sila unnie. Sa panahon na nilagi ko dito marami akong napagtanto. Nakaupo ako ngayon dito sa terrace ng bahay habang nakatitig sa paglubog ng araw. Marami akong narealized.

Una, Na wala sa dami ng pera o sa rangya ng bahay nababase ang tunay na kasiyahan. Kahit napaka simple lang ng kanilang pamumuhay nakukuha pa din nilang ngumiti at maging masaya.

Pangalawa, na ang pamilya ang iyong unang magiging sandalan. Sila ang iyong unang matatakbuhan. Hindi maiiwasan ang mga hindi pagkakaunawaan ngunit nasa atin naman kung paano tayo makikibagay at lulugar para maging kapaki-pakinabang. Ang pagmamahal na nasa iyong pamilya ang syang maghuhubog sayo sa kung paano ka makikibaka sa mundo.

At panghuli, na ang kaligayahan ay hindi hinahanap. Ito'y kusang nararamdaman at natatagpuan. Ganun din ang pagpapatawad at pagtanggap. Sa una oo napakahirap gawin. Lalo sa akin. Kasi masakit. Sobrang sakit lalo na kapag mahal mo sa buhay ang nakagawa sayo. Pero diba Diyos nga nagpapatawad? Tayo pa kaya. Panahon lang ang nakakapaghilom ng lahat. Ngayon masasabi kong kaya ko nang harapin sila muli.

Araw-araw pa rin ako sa ganitong gawain. Paggising ko kukunin ko ang picture frame ni lisa tititigan ito at kakausapin. Ganun din sa tuwing ako'y kakain, nag babakante ako ng pwesto at plato para sa kanya. Sa gabi bago matulog, kakausapin kong muli ang kanyang larawan para mag goodnight. Pakiramdam ko ay lagi ko pa rin syang kasama.

Tuwing weeksary at monthsary namin lumilipad ako pa coron para doon mag celebrate mag-isa. Kung san ko napatunayan kung gaano ko pala sya kamahal. Kung saan nya ako natagpuan nung ako'y naligaw sa city. At kung saan magkatabi kaming naupo sa ilalim ng puno ng niyog at nakatingin sa alon ng dagat.

------------

Ngayong araw ay ang pang second anniversary namin ni Lisa. At kasalukuyan na akong nasa eroplano pa coron. This time isinama ko sila nanay nena para sila'y makapagbakasyon din.

After two hours nakalapag na kami. Hinatid na kami ng mga staff sa villa. Nagpareserved ako ng malaking room para sa kanila at isang room para sa akin. Hapon na kami nakarating kaya naman maaga kona sila pinagpahinga para bukas ay may lakas sila sa pagliliwaliw.

Di pa ako makatulog kaya naglakad lakad muna ako dito sa dalampasigan. Maliwanag ang paligid dahil sa liwanag ng buwan. Naupo ako dito sa ilalim ng puno ng niyog kung saan kami naupo ni lisa noon. Muli binabalikan ko ang mga kaganapan na kasama ko sya dito.

Kung paanong unang beses nya akong niyakap ng mahigpit nun tinamaan ako ng bola sa mukha. Kung saan lagi ko syang nahuhuling tumititig nun may dinner kaming magkakaibigan. Ang sayang balikan.

Ngunit dito rin sa lugar na ito nangyari ang isa sa malaking sampal para sakin. Nun nalaman ko na sya pala si otor lili. Na buong akala ko niloko nya ako ngunit ang totoo si IU lahat ang may kagagawan.

Huminga ako ng malalim at pinagmasdan ang malalakas na alon. Malamig ang samyo ng hangin na tumatama sa aking mukha. Kung sana'y nandito si Lisa siguradong niyayakap na nya ako para hindi ginawin. Tumingala ako para tignan ang malawak na kalangitan. Ang daming bitiuin. Maganda, nakaka-akit.
Parang ikaw mahal, hindi ko kayang abutin.

"Wherever you are now please be happy. Don't think about me. Forget about everything. Just please be happy. I keep longing for you everyday hon. I miss your smile, i miss your kiss, i miss your hugs, i miss everything. I keep coming back here, to where you uttered your vows for me. See you soon hon.. till i met you again."

Hindi ko napigilan ang pag-agos ng aking mga luha. Hanggang ngayon hindi kopa rin makayang wala si Lisa. Sya lang ang ninanais ko buong buhay ko.

"Happy second anniversary hon. I love you always."

At pumasok na ko para magpahinga.

-Kinabukasan-

Maagang nagising ang lahat. Excited na ang mga bata sa pagligo. Kami naman ni nanay nena ay abala sa paghahanda ng pagkain. Katulong ang mga staff ay inihanda na namin ang mga hapag-kainan. Gusto kong mapasaya sila dahil natitiyak ako na ito rin ang gusto ni lisa.

"Jennie iha, ayos ka lang ba? Pwede namang ako nalang dito tutal nandyan naman sila para tumulong." tanong sakin ni nanay.

"Ayos lang naman ako nay don't worry po. Kayang kaya ko na to." masigla kong tugon sa kanya.

-Sa di kalayuan-

"Sir, nandito na po sila sa coron. Kasama nya ang isang babae at mga bata. Masaya naman silang tignan sir. Mukang ayos naman po sya."

"Good to know. Please don't take your eyes off her. Bantayan mo sya ng maigi pero wag kang magpapakita. I'm counting on you."

"Yes sir, masusunod po."

------------

To be continued....

A/N:
Sino kaya ang nag-utos para bantayan si jennie??
Please vote and comment.

Till I Met You AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon