JENNIE POV.Nakapag-ayos na ako at nakaready na para bumalik sa ospital. Kumukuha lang ako ng ilan pang gamit ni mom ng biglang napatawag si mino.
"Babe where are you now? Please come over here. Isama mo na din sila tito. Hurry up babe. Something happened to tita." natataranta si mino habang sinasabi ito.
Ako ma'y hindi na nakasagot at agad kong pinatay ang tawag. Mabilis kong pinuntahan sila dad at unnie sa kanilang mga kuwarto.
"Dad, unnie! Bilis kailangan tayo ni mom sa ospital. Now na guys please. Hurry!" nanginginig na ako sa nerbyos. Sana mali ang naiisip ko. Huwag naman sana please.
Pagdating na pagdating namin sa ospital ay halos magkarera na kami patungo sa kinaroroonan ni mommy.
Pagpasok namin ay agad bumungad sila mino kasama ang ilang nurse at kasalukuyang may itinuturok na gamot sa dextrose ni mom.
"Mino, anong nangyari sa asawa ko?? How is she huh?!" Humahangos ang tinig ni dad.
"Tito, si tita kasi nag seizure sya kanina. This is not good. Hindi na tinatanggap ng katawan nya ang mga gamot. Ginawa na namin ang lahat tito pero hanggang dito nalang talaga. Pag ipipilit pa natin ang mga treatment ay mabubugbog lang lalo ang kanyang katawan. I'm so sorry tito." paliwanag nya habang nakatunghay kay mom na natutulog.
Napa-upo nalang sa sahig si dad na parang wala sa sarili. Niyakap namin sya ng mahigpit habang lahat kami ay umiiyak. Alam naming darating ang sandaling ito pero hindi namin napaghandaan.
"Tito, kahit sobrang sakit sana ay huwag natin ipakita sa kanya na mahina tayo. Puro masasayang bagay ang gawin natin para sa kanya. Maiwan na po muna namin kayo. Mamaya ay gigising na din si tita." at naiwan kaming apat sa kuwarto na ito. Napakalungkot ng paligid. Isang masakit na pangyayari ito para sa aming pamilya.
~~
Kinagabihan. Bumaba saglit sila dad at unnie para bumili ng makakain namin. Napagpasyahan naming dito muna kaming apat magpalipas ng gabi kasama ni mommy. Nakatulala lang akong nakatingin sa maamo nyang mukha habang natutulog. Para bang naka hinto lang ang oras ngayon.
"Jennie anak.."
Hindi ko namalayang gising na pala si mom at tinatawag ako."Po-po mom??" tumabi ako sa kanya at hinawakan ang kamay. Pinipigilan ko man ang mga luha ko subalit kusa na itong kumawala.
"Baby, bunso ko. Sshhhh stop crying okay? Ayoko ng umiiyak ka. Ang ganda ganda mo tapos iiyak ka lang. Tahan na." mahina nyang sabi habang hinahaplos ang aking mukha. Pilit kong pinapakalma ang aking sarili.
BINABASA MO ANG
Till I Met You Again
RomancePROLOGUE: What if you found right love but at the wrong time? Wrong situation? Family issues? Will you fight for it or will you just let fate play against you? Meet Jennie Kim, 20yrs old. Youngest child ng mayamang negosyanteng Chaerin and Jiyong...