chapter 5: Recent

71 21 24
                                    

Tanghali na akong nagising dahil hindi rin naman ako agad nakatulog kagabi nang dahil kaiisip sa mangyayari ngayong araw. Naligo nalang ako at baka andoon na sila sa baba, baka ako nalang ang hinihintay.

"Gago mo, ano?" narinig ko ang masiglang boses ng lalaki nang makababa ako at mukhang masaya ito. Then I saw him laughing. I think he is fine now.

"Your language Eiyen, may mga bata oh," bawal naman ni Circe rito habang karga ang bunso nila.

"Paano nga itong Ai mo," sumbong naman nito. Still the old Eiyen, isip bata.

"Hey," untag naman sa akin ni Troy galing sa likod ko na bahagyang binunggo ang balikat ko.

"Oh hi," bati ko naman dito.

"What are you doing here?" Tanong nito sa akin na may seryosong mukha. Palagi naman siyang seryoso eh.

"Nothing," sagot ko rito at nagpatiuna na ako sakanya papunta sa kanila.

"Hey guys," masayang bati ko rito. Natigilan naman silang lahat.

"Hey girl I missed you so much," sabi ni Circe na inabot ang anak kay Owen para malapitan ako.

"I missed you too," sagot ko naman dito at niyakap siya.

"Matagal ka ring nawala ah," napalingon naman ako kay Owen.

"Yeah," nakangiti kong sagot dito.

"By the way I missed your eyes while rolling," dagdag pa nito kaya napairap ako rito. Napatingin naman ako sa kuya ko at kay Stella nakatingin lang din sa akin, habang nakangiti.

Mukhang hindi naman sila galit sa akin. Siguro nag-overthink lang ako. Bumaling naman ako kay Eiyen dahil siya nalang ang hindi bumabati sa akin. Pero nakita kong may kausap ito sa phone at medyo lumayo sa amin. Siguro kausap ang girlfriend.

Napalingon naman ako nang pumasok ang mga bata

"Is this the twins?" Tanong ko ng makita ko ang mga yaya neto na karga ang mga baby. Napaka-perfect nila.

"Ito si Aella at Aece," pakilala ni Stella rito hindi ko naman maalis ang ngiti ko sa mukha. They really look like kuya.

"Stella, why Aella is so masungit?" Tanong ko rito dahil kung sino pa ang girl siya pa ang nakasibangot.

"Mana kay Acel sabi ko sakan'ya bawasan niya kasungitan niya habang nagbubuntis ako, ayan tuloy nakuha ni Aella," natatawa nitong sabi at si Aece naman ang lalaki ay nakabungisngis lang. I'm sure maraming mapapaiyak ito paglaki, because of his killer smile like his tito Eiyen. Napangiti naman ako sa naisip kong iyon.

"I'm sure sa'yo nagmana si Aece, Stella," sabi ko rito. Tumango naman ito nang nakangiti.

"Tita Ice." Napalingon naman ako sa tumatakbo na si Teo, isa pa ito napakagwapo rin.

"Hey little buddy," ani ko rito at bahagyang pinisil ang pisngi.

"You know Tita Ice, Tito Ei Ei already have Tita Nea." Napatigil naman ako sa sinabi ni Teo.

"Teo come here." Napaayos naman ako nang tumakbo si Teo papunta sa mommy niya. Nea pala ang pangalan niya. Tumayo na ako at nakita kong nakatingin lang sa akin si Eiyen kaya nag-iwas ako ng tingin dito at nilapitan nalang si Eli na bunso ni Circe.

"This generation has a beautiful gene," ani ko sa mga ito habang nilalaro si Eli. Ang gaganda at ang gag'wapo nilang lahat.

"Because we're the parents," kibit balikat na sabi ni Owen napairap naman ako rito.

"Kaya kayo magsipaggawa na rin kayo para hindi nagkakalayo ang age nila," dagdag pa nito. Nginitian ko nalang ito.

"How? Wala namang boyfriend 'yang si Ice, hindi ba Ice?" Napalingon naman ako kay Eiyen ng magsalita ito. "Atsaka si Troy wala rin," dagdag pa nito

"Y-yeah," sagot ko nalang dito at nginitian siya, nginitian naman niya ako pabalik. Now I know he already moved on.

Bakit kasi inaasahan kong hanggang ngayon may gusto pa siya sa akin? Ang gaga ko lang.

"Pero baka may anak na sa labas si Troy," natatawang sabi nito. Nginitian ko nalang ito pabalik. I guess I just need to move on too, to make things fine.

"Tara kumain na nga tayo," aya ni Stella. Sumang-ayon naman ang lahat, kaya bumaba na kami.

"Ang daming pagkain ah," ani ko rito dahil mukhang parang pinaghandaan talaga ang pagpunta nila rito.

"Nagsama na naman kasi kayo ni Eiyen kaya kailangan ganiyan karami," napanguso naman ako sa sinabi ni Owen. "Parang hindi kasi kayo pinapakain," dagdag pa nito.

"Hindi ba p'wedeng gutom lang?" Tanong ko rito.

"Ano 'yon? Sa tuwing kakain gutom kayo pareho," iiling iling na sabi nito.

"Gago, manahimik kana hindi naman ikaw ang gumastos nito." Napalingon naman ako kay Eiyen ng magsalita ito.

"Tarantado," sabi naman nito at binato si Eiyen. Hindi pa rin talaga sila nagbabago kahit may anak na sila hahaha.

"Sandali nga lang may susunduin lang ako sa labas," paalam ni Eiyen at lumabas ito agad. Napatingin naman ako kay Stella nagtatanong kung ano ang gagawin noon pero nagkibit balikat lang ito at binalik na ang atensyon sa mga anak niya.

"Kumain ka na kaya Aicel," untag sa akin ni Circe.

"You're too obvious," bulong naman sa akin ni Troy, tumaas naman ang kilay ko rito.

"Ano?" Tanong ko nito.

"Nothing, just eat," ani nito sa akin at bumalik na siya sa pagkain niya.

Kumuha nalang ako ng pagkain. Kailangan ko talagang magmukhang normal.

"Hey guys!" Napalingon ako sa pumasok na babae ng masaya nito kaming binati.

"Oh hey Nea," sabi naman ni Circe dito.

Oh? She's Nea, she's really beautiful mukha pang mabait. No doubt, magkakagusto talaga si Eiyen sa kan'ya.

"Hey you must be Acel's twin sister, right?" untag nito sa akin. Napatitig naman ako rito.

"Yes, I'm Aicel." Pilit akong ngumiti rito at inabot ko ang kamay ko.

"And I'm Nichola Evine Ann Montemaior." Inabot naman niya ang kamay ko at nginititan ako nito.

"Bida bida ka Nea," napalingon naman kaming dalawa ng nagsalita si Eiyen.

"Duh, I'm just introducing myself." Irap naman nito sa kan'ya. Pinilit ko namang ngumiti sa kanilang dalawa.

Act normal Aicel girlfriend lang siya ng taong mahal mo. Act that everything is fine.

Nagkamustahan pa sila at nakatingin lang ako sa kanilang dalawa. They look so inlove with each other. Napaayos naman ako, nang naupo na sila para kumain.

Kumuha na ako ng pagkain ko dahil kumukuha na rin sila. Magkakatabi naman ang mag-asawa at ang katabi ko si Troy dahil siya lang naman ang walang girlfriend. Ewan ko ba rito tatandang matanda na ata.

"Move Nea."

Napalingon naman ako sa dalawang nasa gilid ko dahil mukhang nag aasaran ito. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na sana ako nalang 'yong kaasaran niya sana ako nalang 'yong katabi niya. Sana kami pa. Sana sinabi ko sakan'ya ang dahilan.

Pero 'wag na mukhang masaya na siya at ayoko ng hadlangan pa 'yong kasiyahan niya sa girlfriend niya.

Napatingin ako sa mga kasabay kong kumakain at may kan'ya kan'ya itong mga ginagawa. Dahil kan'ya kan'ya sila ng pakain sa mga baby nila. Napangiti nalang ako nang makita ko si kuya, hindi ko lubos maisip na ganito na si kuya ngayon, under kay Stella haha. Pero I am so happy for them they look very happy. Except sa katabi kong walang imik na si Troy.

"Diet ka, Aicel?" Bati naman sa akin ni Circe. Kaya lagat sila ay napatingin sa akin.

"Hindi ah," sabi ko rito at sumubo ako ng pagkain.

"Akala ko eh, ang tamlay mo kasi," sabi pa nito.

"Baka may nami-miss," singit naman ni Eiyen.

"Wala ah," sagot ko naman dito at nagkibit balikat nalang ito.

Gusto kong isigaw na Oo, may namimiss ako at ikaw 'yon Eiyen, ikaw lang.

___________________________________________

Don't be, Ice • Promise#3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon