chapter 32: Checkup

42 10 0
                                    

Ilang linggo na ang nakakaraan simula noong huling pagkikita namin ni Eiyen. Gaya nang pinag-usapan, bawal kami magkita habang hindi niya napapatunayan na hindi niya anak ang dinadala ng babaeng 'yon.

"Aicel, let's go." Napalingon naman ako kay kuya nang tawagin ako nito.

Agad naman akong tumayo para sumunod na sa kanya. Check up ko kasi ngayon, nakiusap nga ako sa kanila kung p'wedeng si Eiyen naman ang sumama sa akin kahit ngayon lang pero wala. Ganyan talaga lalo na at si daddy na ang nagsabi, wala na akong magagawa.

"Okay ka lang?" Nakangiting tanong sa akin ni Stella nang makasakay ako sa sasakyan. Bahagya naman akong tumango rito at nginitian din siya.

Napatingin naman ako sa labas, napangiti nalang ako ng mapait. This is my favorite weather. Yung madilim at may onting pag ulan. I know it look sad pero sa tuwing nakikita ko ito na rerelax ako.

Naalala ko tuloy noong huli kong na experience ang ganitong klima ng panahon. That time magkasama kami ni Eiyen.

Kailan kaya matatapos to?

.....

Ilang minuto ang lumipas ay nakarating na kami sa hospital ni Troy dahil andito ang doctor ko, siempre hindi si Troy yon. Dapat nga ay lalaki ang magiging doctor ko. Pero alam nyo naman si kuya protective pa sa protective. Hindi ko nga alam kung matutuwa ako or hindi eh.

Agad naman na may sumalubong sa akin para payungan ako nang  makababa ako ng sasakyan dahil medyo may ambon. Hindi naman na ako nag-abalang tingnan ito dahil baka security guard ito. Si kuya at Stella naman ay may sarili ring payong.

Sana maranasan ko rin 'yan kasama ng mahal ko. Napahugot nalang ako ng hangin. Siguro dapat ko ng ihinto ang pagiging inggitera sa mga couple na nakikita ko, ako lang din ang nasasaktan.

"Are you okay?" Napahinto naman ako ng marinig ko ang boses na yun.

No, baka nagha-hallucinate lang ako.

"Love, I'm asking you if you're okay," napakunot naman ang noo ko ng marinig ko ulit iyon.

Tinuloy ko nalang ang paglalakad ko at hindi na iyon pinansin hanggang sa makarating kami sa loob. Nagtaka naman ako kung bakit hindi pa rin umaalis sa tabi ko ang lalaking nag payong sa akin kanina. Kaya tiningnan ko ito.

Namilog ang mata ko ng makita ko siya na nakangiti sa akin. Agad naman ako lumingon kila kuya at tinanguan lang ako nito kaya agad kong niyakap si Eiyen.

"I missed you so much," ani ko rito. Hindi ko alam kung anong yakap na ang ginagawa ko basta ang gusto ko lang ay makasama siya.

"Hey be careful," ani nito.

"I am, bakit ngayon ka lang nagpakita sa akin?" Nakanguso kong tanong dito.

"Daddy Enzo is really mad at me kahit sa Subdivision nyo hindi ako pwedeng pumasok, ngayon lang ako nakagawa ng paraan para makalapit sa'yo buti nga pumayag ang kuya mo," paliwanag nito.

"Buti nalang naisip mong samahan ako ngayon." Mas hinigpitan ko pa ang yakap ko rito.

"I'm sorry Love, hindi pa kasi naayos ang tungkol sa babaeng yon," sabi nito habang inalis ang ilang hibla ng buhok sa mukha ko.

"It's okay just promise me that you're always be mine," ani ko rito at pinisil ang ilong niya.

"Ang cute cute mo," panggigigil ko rito.

"Masakit na Love," ani nito at iniwas niya ang mukha niya.

"Let's go, naghihintay na ang doctor mo," napalingon naman ako sa nagsalita sa likuran ko.

Don't be, Ice • Promise#3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon