Nakalabas na ng hospital si Eiyen pero hindi siya sumasama sa akin. Kahit nga puntahan niya ako ay hindi.
Hayss...
Sabi niya hindi raw siya nakikipagrelasyon sa hindi niya mahal. Noong narinig ko 'yon para akong sinusunog. Alam mo 'yon 'yong dating nagsabing hindi na niya hahayaan na magkalayo kayo siya rin pala ang mananakit sa'yo ng ganito. Siguro karma ko rin to dahil sa ginawa ko sa kanya..
Now I know what he felt when I leave him.
Ang sabi ni Troy meron daw si Eiyen na Dissociative amnesia ito raw 'yong may mga bagay or tao na nakakalimutan ng patient dahil may malaking parte or malaking nagawa ito sa buhay niya even if it's bad or not.
Siguro nga kaya niya ako nakalimutan dahil ako lang naman ang taong may malaking nagawa sa buhay niya yun ay saktan siya. Palagi ko nalang siyang sinasaktan.
Napakasama ko.
....
I decided to visit him ang sabi ng mommy niya sa condo na raw ulit siya tumutuloy kaya pupuntahan ko siya. Hindi pa rin ako susuko dahil alam kong babalik din 'yong ala-ala niya. Sa totoo lang ngayon lang ako pupunta sa condo niya dahil sabi ni Troy don't stress him na maalala niya agad ang lahat. Siguro okay naman na 'yong one week na pahinga niya para magkita ulit kami...
Hindi ko na siya tinawagan dahil welcome naman ako doon palagi and I want to surprise him.
Hininto ko na ang sasakyan sa tapat ng condominium ng family nila. Nakaabang naman agad ang Valet sa akin.
"Good morning Ma'am," ngumiti naman ako dito at inabot na ang susi ko.
I'm really excited right now dahil baka pagnakita niya ako after one week ay magbalik na ang ala ala niya. Pinindot ko agad ang elevator sa floor ng condo niya.
Mabilis naman ang pag akyat ng elevator kaya nagbukas agad ito. Sakto naman na pagbukas ng pinto ay may babaeng naghihintay din sa tapat ng elevator. Napakunot ang noo ko dahil tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa. Agad na tumaas ang isang kilay ko rito.
"Move," mataray kong sabi rito at hinintay siyang tumabi sa dadaanan ko kahit na kasya naman ako sa gilid. I'm not gonna let anyone to do that attitude on me. Hindi naman nagtagal ay tumabi na ito.
Naglakad na ako papunta kay Eiyen. Agad ko naman pinindot ang doorbell ng kwarto niya. Naghintay pa ako ng ilang sigundo bago niya ito buksan.
Napaatras ako nang lumabas siyang mukhang pagod, magulo ang buhok at walang damit pang itaas, isinandig pa niya ang kamay niya sa gilid at dahan dahan niyang hinarap sa akin ang mukha niya.
"Yes?" Nakataas ang kilay na tanong nito.
"Eiyen, Can I come?" Tanong ko rito.
"Of course, baby," lumabas ang ngisi sa mukha niya.
Sa pagtawag palang niya sa akin ng baby ay alam kong hindi parin niya ako naaalala. Pinilit ko nalang maging normal, basta makasama ko lang siya.
"Ikaw, 'yong sinasabi nung tatlong gagong girlfriend ko hindi ba and you're Acel's twin?" Ani nito habang nakatalikod sa akin para makapasok na kami sa loob.
"Hmm?" Humarap ito sa akin.
Kitang kita ko nanaman ang magaganda niyang mga mata and his lips. I miss his kiss, his hugs, everything.
Napapitlag naman ako ng narinig kong itong tumikhim kaya agad akong umayos.
"Yes, you still can't remember me, don't you?" ani ko dito. Nakatingin lang ako sa mga mata at ganun din siya sa akin.
BINABASA MO ANG
Don't be, Ice • Promise#3
RomanceEiyen Dashielle S.P Gonzales, back in his school days he is known as the greatest asshole and the most playboy over his three friends. After he graduated he deeply fell inlove on his friend's sister. He planned everything for their future but then e...