chapter 20: Sleeping

46 16 12
                                    

Nakatingin lang ako sa kisami ng condo ni Eiyen. Wala pa akong tulog kakaisip sa nangyari sa amin. Nakikita ko na ang pag angat ng araw pero hindi pa rin siya bumabalik. Kagabi ko pa siya gustong sundan, pero naisip ko na kailangan niya muna ng space dahil sa mga sakit na binibigay ko sakanya.

Napabalikwas ako nang marinig kong nagri-ring ang phone ko at nakita ko ang pangalan ni Troy. Kaya agad ko itong sinagot.

"You need to go to my hospital something happened to your boyfriend."

Para namang namanhid ang buong katawan ko sa narinig ko.

Hospital?

Agad akong tumayo para pumunta sa hospital ni Troy.

Pumara na agad ako ng taxi dahil wala naman akong sasakyan na dala.

"Kuya, RMC hospital po," ani ko agad sa driver at laking pasasalamat ko na malapit lang dito ang hospital ni Troy. Nangangatog ang mga kamay ko, kinakabahan ako. Hindi ko alam kung ano ang dadatnan ko sa pagdating ko doon. Feeling ko ang bagal bagal ng taxi sinasakyan ko ngayon.

Ilang minuto ang lumipas ay natanaw ko na ang hospital at inihinto na rin ng driver ang taxi sa tapat nito. Kinapa ko na agad ang bulsa ko para sa pangbayad.

Shit.

Wala akong dalang pera wala rin akong bag na dala. Naramdaman ko naman ang malamig na bagay sa leeg ko at napatingin ako sa kwintas ko kaya agad ko itong hinubad at inabot sa driver. Wala na akong pake kung gaano pa kamahal 'yo ng kwintas na yun ang mahalaga sa akin ngayon ay si Eiyen.

Agad akong tumakbo papasok sa hospital at dumiretso sa may counter.

"Where I can see Eiyen Gonzales room?" Agad kong tanong dito. Pero tiningnan lang ako ng nurse.

"Answer me Miss," ani ko rito.

"This is a Private hospital Ma'am, hindi namin hinahayaan na kung sino sino lang ang makapunta sa patient namin," napataas naman ang kilay ko sa sinabi ng babaeng to.

"Excuse me Miss. Girlfriend ako ni Eiyen Gonzales and I'm a friend of Troy Roynalds the owner of this hospital," ani ko rito. "Just tell me his room number, I need to see him," pilit kong pinapakalma ang tono ng pananalita ko.

"Good morning Dr. Roynalds," narinig ko naman na may nagsalita sa likuran ko kaya agad ko itong nilingon at nakita ko si Troy doon.

"Troy! Where is he?" Agad kong tanong dito.

"Follow me," ani nito at naglakad na ito kaya sumunod nalang ako dito.

"Fix yourself Aicel," sabi pa nito napatingin naman ako sa wall ng elevator na puro salamin at nakita ko ngang gulo gulo ang buhok at maga din ang mata ang laki pa ng eye bags ko.

"Alam na ba nila kuya ang nangyari sa kan'ya?" Tanong ko rito.

"Yeah, they here all night. Sinabi ni Acel na huwag na munang sabihin sa'yo dahil hindi pa gising si Eiyen pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya gising so I decided to call you," ani nito na hindi man lang tumingin sa akin.

"Ano bang nangyari sa kanya?" Tanong ko dito.

"Car accident," sagot nito at sabay na bumukas ang pinto ng elevator. Kaya agad na itong lumabas.

Huminto naman ito sa isang pinto at binuksan iyon.

Huminga ako ng malalim bago ako makapasok sa loob.

I saw him laying in bed, agad ko itong nilapitan. Puro sugat ang mukha niya. Napatingin ako kay Troy na nakatayo lang sa gilid ko. Then I saw kuya and Owen at the other side.

Don't be, Ice • Promise#3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon