chapter 17: Unreplaceable

53 17 13
                                    

"Love, she's crying now." Napalingon ako kay Eiyen nang magsalita ito.

Hala, umiiyak din itong buhat ko.

Andito kami ngayon sa kwarto nila dahil susubukan sana namin silang patulugin pero walang nangyari nag-iyakan lang sila.

"Swing your body, like this." Sabay ginawa ko ito agad naman niya itong ginaya. Pero wala pa rin.

"I think they are hungry," ani ko rito. Napatingin naman ito sa akin at tinaasan ako ng kilay.

"You don't have any milk, kahit nga boobs wala ka," napairap naman ako sa sinabi nito.

Hindi kasi magseryoso alam na nag-iiyak na itong kambal eh.

"Gago, 'yong tinitimpla," irap ko ulit dito.

"I know, I'm just kidding," ani nito at bumaling ulit kay Aella na iyak nalang ng iyak si Aece din naman ay umiiyak mas malala pa nga kay Aella.

"Eiyen, kaya mo ba silang bantayan dito? Tatawagin ko si Manang Liony." Napakunot ang noo nito sa sinabi ko.

"Sige na! Diyan muna sila sa kama basta 'wag mo lang hayaan na mahulog sila," ani ko rito sabay binaba ko si Aece sa kama at siya naman ay binaba na rin si Aella roon.

Napalunok naman siya nang pagmasdan niya ang dalawa na iyak ng iyak. Sino ba namang hindi mapapalunok eh mukhang walang balak tumigil 'yong dalawa.

"Bilisan mo," sigaw nito nang makalabas ako.

"Manang Liony!" Sigaw ko agad ng makababa ako.

"Manang!"

"Manang Liony!"

"Oh bakit?" Nakahinga naman ako ng maluwag ng may sumagot na.

"'Yong kambal po kasi iyak ng iyak hindi na namin alam ni Eiyen kung anong p'wedeng gawin," ani ko rito.

"Naku sana sinabi n'yo agad, asan ba?" Nagmamadali nitong tanong.

"Nasa kwarto po nila," sagot ko rito nagmadali naman itong umakyat kaya sumunod na ako rito.

Grabe naman kasi hindi man lang nag-iwan ng yaya ng kambal.

"Eiyen, we're here na." Napahinto naman ako ng makita ko kung ano ang ginagawa nila.

Sinasabunotan lang naman ni Aella si Eiyen at si Aece naman ay tawa ng tawa habang nasasaktan si Eiyen. Lumapit na ako rito at kinuha si Aella. Kaya umiyak na naman ito sumunod naman din si Aece.

Grabe na 'to.

"Asan ba ang gamit nila?" Tanong ni Manang Liony. Tinuro ko naman ito agad kaya tumungo na ito roon para ipagtimla ang kambal ng gatas.

"Manang-mana sila sa daddy nila, Ice," ani ni Eiyen habang nakatingin sa kambal.

"Yeah," nakangiti kong sagot rito at tiningnan si Aella na tumahan na dahil ginawang dede ang daliri

Gutom na nga sila.

"Ito na." Inabot naman ni Manang ang dalawang bote na punto ng gatas. Kaya agad naming iginiya sa kama ang kambal. At pagkasubo na pagkasubo sakanila ay tuhimik na sila. "Tawagin n'yo nalang ulit ako kung may kailangan pa kayo," ani ni Manag bago lumabas.

"I told you manang-mana sila sa tatay nila, dede lang ang magpapatahimik sakanila," natatawang saad nito sa gilid ko.

"Parang ikaw hindi ah," saad ko rito at inirapan siya.

"You know," napalingon ako kay Eiyen ng magsalita ito. "Gusto kong maging baby tapos ikaw ang nanay ko," napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

Don't be, Ice • Promise#3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon