chapter 8: Queue

78 19 26
                                    

"Aicel tara na." Katok sa pinto ng lalaking napakaapurado. Nagbibihis pa nga lang kasi eh. Minadali ko nalang ang pagbibihis at kanina pa siya katok ng katok.

"Nagmamadali ka ba?" Agad kong tanong dito ng buksan ko ang pinto. Nakangisi naman ito habang nakatingin sa akin. Tuwang tuwa na naman ito dahil sa itsura ko.

"Yes," tumalikod na ito at bumaba. Sumunod naman ako dito akala mo kaniyang bahay ito.

....

"Sige po Tita I'll be," narinig kong sabi niya kay Mom ng makababa ako.

"Oh Hija, enjoy your day," sabi sa akin ni Mommy ng makita akong bumaba.

"Bye Mom," ani ko rito at niyakap ko. Ang alam ko aalis din siya ngayong araw kasama ng mga kaibigan niya eh.

"So where do you want to go, panget?" Napasimangot naman ako rito.

"Sa mall," tipid kong sagot dito.

"Okay my princess." Niliko naman niya ang sasakyan niya papunta sa malapit na mall.

"Libre mo ha?" Napalingon naman ito sa akin. Kung may pinakakuripot na tao akong kilala si Lav na 'yon. Hahaha

"What the fuck?" Natawa naman ako sa naging reaksyon niya. "May driver kana may taga bayad ka pa? Hindi na normal 'yan Aicel," Nakataas na kilay na sabi nito na parang kinakabahan sa akin dahil hindi ako normal. Ganiyan kagago 'yang si Lav, parang baliw.

"Sino ba nag-aya sa atin?" Tanong ko rito.

"Ako," tipid niyang sagot.

"See," natatawa kong sabi rito dahil nakakatawa naman talaga ang reaksyon niya.

"Ibababa na kita." Hininto naman niya ang sasakyan.

"Gago ka talaga!" Hiyaw ko rito at tumawa naman siya na parang baliw.

"Just kidding." Pinaandar na niya ang sasakyan niya. Hindi ko talaga alam kung nasa katinuan pa ba siya o ano.

Isang linggo na rin ang nakakaraan noong huling kita namin ni Eiyen noong sa bahay pa 'yon. Hindi ko naman matatanggi na namimiss ko na siya. Naisip ko nga din na sabihin na sakanya ang totoong nangyari sa akin para naman hindi na niya sisihin ang sarili niya. Ewan ko ba kung bakit hindi ko masabi sabi sakanila yung bagay na yun.

"Hey," untag sa akin ng katabi ko kaya napatingin ako rito. "We're here," dagdag pa niya.

"Bilis naman," ani ko habang nakatingin sa napakataas na building sa labas.

"No, nakatulala ka lang kasi sa buong biyahe." Bumaba na ito ng sasakyan at umikot sa gawi ko para pagbuksan ako.

"Kain muna tayo," aya ko rito dahil nagugutom na ako

"Sige basta ikaw ang magbabayad," nginisihan naman niya ako.

"Bakit? Ako lang ba ang kakain?" Tanong ko dito dahil umiiral nanaman ang sakit niyang pagkakuripot.

"Ako ba ang nag-aya?" Balik na tanong nito. Napairap naman ako.

"Biro lang." Inakbayan naman ako nito. Kaya maglakad na kami papasok.

"Ice Cream nalang pala," ani ko rito dahil nakakita ako ng Ice cream.

"What flavor?" Tanong agad nito sa akin ng makarating kami dun.

"Chocolate," sagot ko agad dito at hinayaan ko na siyang bumili.

Inikot ko ang tingin ko sa loob ng mall at nakita kong maraming nakatingin sa kasama ko. Hindi naman kasi maitatanggi ang kagwapuhan nitong mabaho na ito.

Don't be, Ice • Promise#3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon