chapter 33: Confess

43 11 0
                                    

Eiyen's POV

"Dashielle kailangan mong maging ama sa anak mo," napalingon ako kay Mommy ng magsalita ito. Pagkatapos na pagkatapos namin ni Ice na mag pacheck up ay pinatawag ako ni Mommy at sumasakit daw ang tiyan ni Lean.

"Gusto kong maging ama sa anak ko pero ayaw nyo akong hayaan na puntahan siya." Natahimik naman sila sa sinabi kong iyon.

"Mom, I told you hindi ko anak 'yon hanggat hindi niya napapatunayan," dagdag ko pa rito.

Sa tuwing magkikita kami ng parents ko ang pinag uusapan namin ay yung babae na yun, sawang sawa na ako.

"Tanggapin mo nalang Dashielle na hindi mo pwedeng puntahan ang mga Dela Cruz dahil na rin sa babaeng 'yon," ani naman ni Daddy.

Paano si Ice kung tatanggapin kong niloloko lang ako ng Lean na yun?

"That's not gonna happened, ang anak ko lang ay ang dinadala ni Ice," ani ko sa kanilang dalawa. "Yun lang ang tatanggapin ko," dagdag ko pa at tinalikuran na sila.

Tangina, kung p'wede ko lang puntahan si Ice gagwin ko. Alam kong nahihirapan siya na wala ako sa tabi niya lalo na at buntis siya. Sa sinabi palang ng OB kanina sa hospital ay mahihirapan talaga mag isa si Ice.

Sinubukan kong kausapin si Daddy Enzo at Mommy Einah pero ang paulit ulit lang nilang sinasabi ay kailangan kong mapatunayan na hindi ako ang tatay ng dinadala ni Lean.

Hindi ko talaga inaasahan na mabubuntis si Ice, but I am thankful dahil siya ang magiging ina ng anak ko.

"Eiyen," napahinto naman ako sa paglalakad ng may humarang sa akin.

"Move," ani ko rito at hindi ko na tingnan ito.

"Eiyen mag-usap tayo," habol nito sa akin.

Humarap naman ako rito.

"Kakausapin lang kita kung aaminin mo na hindi ko anak yan," ani ko rito.

"Eiyen bakit ba ayaw mong maniwala?" Tanong nito sa akin.

"Kasi hindi ka kapanipaniwala." Sagot ko rito at tinalikuran na ito. "Huwag mo akong hayaan na saktan ka pa para umamin ka."

Tangina wala akong oras makipag usap sa mga sinungaling.

"Bakit ba ayaw mong maniwala?!" Sigaw nito sa akin. Napahinto naman ako dahil sa ginawa nito.

"We're having an investigation about your life, and you know kung ano ang nalaman namin?" Ani ko rito na mukhang kinabahan naman ito.

"You're sleeping with different guys, ginagawa mo 'yon para kumita ng pera. Tapos gusto mo akong maniwala sa mga sinasabi mo? Alam mo dahil sa ginagawa mo na 'yan parang binenta mo na rin ang sarili mong anak," ani ko rito.

"Umamin kana, hanggat hindi mo pa nasisira ng husto ang buhay ng anak mo at ng magiging anak ko sa taong mahal ko," dagdag ko pa.

"Eiyen."

Aalis na sana ako nang marinig ko ang pagtawag niya sa akin.

"I'm sorry," ani nito. "I'm really sorry."

"Hindi ko lang talaga alam kung paano bubuhayin ang bata." Nakayukong sambit nito sa akin.

"Tangina pala, alam mo ba kung gaano nasaktan yung babaeng dapat kasama ko ngayon, at inaalagaan ko dahil 'yon ang kailangan niya, tapos tangina, ikaw ang andito at ginagago ang pamilya ko," sumbat ko rito.

"You better get out," pinipigil ko ang sarili kong saktan ang babaeng ito dahil sa dinadala niya.

"Ako na ang kakausap sa mommy at daddy mo, sorry talaga," ani pa nito.

Don't be, Ice • Promise#3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon