chapter 15: Almost

54 18 14
                                    

Maaga akong nagising dahil andito sila kuya at ang pamilya niya. Sakto nga eh pupunta si Eiyen ngayon and I'm sure makakapag-usap usap na kami tungkol sa amin ni Eiyen. Sana nga hindi magalit si kuya.

Napatingin naman ako kay Stella na nasa balcony habang buhat ang anak niya, hindi ko lang sure kung sino kila Aella and Aece.

Kung kausapin ko kaya si Stella, sabihin ko sakanya ang tungkol sa bagay na 'yon. Hindi naman siguro niya ako pangungunahan na sabihin kay kuya.

Humugot muna ako ng hininga bago lumapit sakanya.

"Stella," ani ko rito at agad naman ako nitong nilingon.

"Where's Aella?" Tanong ko rito dahil si Aece ang nakita kong buhat niya.

"Natutulog na, ito lang namang si Aece ang mahirap patulugin si Aella basta 'pag ihiniga matutulog na 'yon," ani nito habang nakangiti sa anak niyang mukhang inaantok na rin.

"How's being a mother?" Tanong ko rito.

Dahil kung titingnan siya mukhang masaya na siya ngayon sila ni kuya kasama ng kambal.

"Ayos lang, pero bilang nanay nila, palagi kong iniisip kung tama o mali ba ang ginawa ko. Alam mo 'yon? parang gusto mo nalang palaging tama lang at walang mali ang gagawin mo para sa kanila, alam kong mahirap gawin 'yon pero ganoon naman talaga 'pagnagkaanak ka na gusto mo lahat nang gawin mo para sa kanila ay perfect dahil ayaw mong magaya nila 'yong mga pagkakamali mong nagawa," ani nito at bahagyang tumingin sa akin at binalik ulit sa anak niya.

Tama naman siya. 'Yong kahit alam mong walang perfect sa mundo gusto mo parin maging perfect para sa mahal mo.

"Buti nga andiyan si Acel, na binibigay ang lahat para sa amin ng kambal at nagpapasalamat ako dahil hindi siya nagsasawa sa pag-intindi," dagdag pa nito.

Kuya become a better person when he met Stella. Ibang iba talaga sa dati. 'Yong palaging nakasimangot natuto nang ngumiti ngayon. And that's because of Stella's love.

"Stella,"  tawag ko rito.

"Can I tell you something?" Tiningnan naman ako nito na nagtatanong kung ano 'yon.

"Ahmm?"

"Eiyen is my boyfriend now at pupunta siya rito ngayon para kausapin sila mommy at daddy also kuya," ani ko rito nangunot naman ang noo niya sa sinabi ko.

"Si Eiyen?" Tumango naman ako rito.

"Ang alam ko ikakasal na siya kay Nea?"

Huh? Ikakasal na 'yong gagong 'yon?.

"Sabi lang ni Acel kanina sinabi raw sa kanya ni Mr. Montemaior," napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

Bakit hindi man lang sinabi sa akin ni Eiyen.

"Aicel, 'wag ka ngang umiyak, hindi naman si Eiyen ang nagsabi, 'yong tatay lang ni Nea baka 'yon lang ang gusto ng Montemaior, alam mo naman ang pamilya na 'yon," ani nito at nagpaalam na ibaba muna ang anak niya.

Hindi ko naman namalayan na tumutulo na pala ang luha ko kaya agad ko itong pinunasan. Akala ko pa naman pagkagising ko ngayon okay na ang lahat. Pag uusapan na namin mamaya ang mangyayari sa aming dalawa. Magiging masaya na kami. Pero akala ko lang pala yun.

Napalingon naman ako kay Stella ng tumabi na ulit ito sa akin. "Ano balak mo ngayon?"

"Hindi ko alam," ani ko rito.

Ano malay ko sa ganito?

"Paano ba naging kayo?" Tanong niya sa akin.

"Nagpapanggap lang kasi si Nea at Eiyen, tapos 'yon umiral ang kalandian ni Eiyen nilandi ako nagpalandi naman ako, kahit alam kong mali," tiningnan ko ito at nakatingin lang din sa akin.

Don't be, Ice • Promise#3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon