chapter 19: Confess

54 15 13
                                    

May usapan kami ngayon ni Eiyen, dahil nagdedemand na mag date daw kami. Because it's our first week in relationship. Ewan ko ba doon lumalakas nanaman ang trip eh. Pero okay lang din naman sa akin, sweet nga eh.

"Love!" Napangiti naman ako ng may tumawag sa akin. Agad akong tumayo dahil alam ko naman na si Eiyen na ito.

"Are you excited?" Tanong nito agad ng buksan ko ang pinto ng kwarto ko.

"Yes!" sagot ko rito. Tumungo naman agad kami sa baba.

Hindi ko alam kung ano ang balak niyang gawin ngayon. Hindi ko rin alam kung saan niya ako dadalhin pero kahit saan man kami pumunta, I am willing to go somewhere, basta siya ang kasama ko. Dahil kahit anong gawin ko basta kasama siya walang hindi masaya.

Nakatingin lang ako sakanya habang nagmamaneho siya. I never regret that I'm in love with this man. I know I've hurt him and I'm not gonna let that happened again he don't deserve to be hurt like that kaya sasabihin ko na sakanya kung bakit ko siya iniwan. Dahil nasabi niya sa akin na kaya ko raw siya iniwan dahil gago siya. I feel bad about it because he blamed himself pero ang pinapakita lang naman niya sa akin ay puro pagmamahal.

Ayaw rin kasi niyang naglilihim sakanya. I'm not sure kung ano ang magiging reaksyon niya pagsinabi ko iyon. It's either magalit siya or hindi. But I am ready of whatever he reacts. I think his love for me is enough to understand kung bakit ko ginawa iyon.

Hayss

Sana.

Iniwas ko na ang tingin ko sakanya at tumingin nalang ako sa langit ng palagi naming ginagawa. Madilim na at mukhang uulan pa.

I might ruin our night.

Hayss.

"We're here, Love," napalingon naman ako kay Eiyen. Pinilit kong ngumiti rito.

"What's wrong?" Nakakunot ang noong tanong nito sa akin at hinaplos pa ang buhok ko.

"Nothing, let's go," nakangiti kong sabi rito at hindi ko na siya hinintay na pagbuksan ako ng pinto.

Napatingin naman ako sa paligid. Bakit andito kami? Andito lang naman kami sa napakataas na condominium ng pamilya nila at dito rin siya nagistay.

"Ano bang iniisip mo Ice?" Naramdaman ko naman ang pagtabi niya sa akin.

"You," ani ko rito napangiti naman ito.

"That's good though," binigyan ako nito ng halik sa tuktok ng ulo at iginiya na ako papasok.

Wala talaga akong idea sa gagawin niya ngayon.

Pinindot naman niya ang elevator sa pinakataas na floor. I'm really excited right now at the same time I'm nervous.

"Are you ready?" Nakangiting tanong nito sa akin bago magbukas ang pinto ng elevator.

Namilog naman ang mata ng makita ko ang ayos ng rooftop ng condominium nila.

Shit!

Kahit napaka simple lang ng ayos ay kitang kita naman dito ang kabuoan ng langit na punong puno ng bitwin.

Napakaganda.

Lumingon lingon pa ako at nahinto ang tingin ko.

May bed?

Napalingon ako kay Eiyen at nakangiti lang ito sa akin.

"We will sleep there," ani nito at iginiya na ako sa lamesang naroroon.

"You may go now," utos nito sa babaeng nasagilid niya.

"Sige po," napataas naman ang kilay ko ng bahagya pang hawakan nung babae ang malaking braso ni Eiyen.

Don't be, Ice • Promise#3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon