chapter 14: You

58 17 13
                                    

"What's happening here?" Tanong agad nito sa akin sabay lapit sa akin.

Hindi naman ako nakasagot dito dahil nakita ko ang babaeng nagsusukat na lumabas sa room para siguro tawagin ako. Kaya kusa na akong pumasok doon.

Shit.

Parang ayaw ko na tuloy lumabas dito. Ano nalang sasabihin ko kay Lav? Nakakastress naman 'to.

Stress layuan mo ako.

"Ms. Aicel may napili po ba kayong iba pang design na gusto nyo?" Napadilat naman ako nang magsalita si Ate girl.

"Yeah, I want something super sexy," ani ko rito.

Hindi ko alam kung bakit naisip ko 'yon. Kung ano ano na pumapasok sa utak ko ngayon.

Sinabi ko na sakan'ya ang gusto kong mangyari sa gown ko kaya sumunod naman siya. Saglit lang din akong sinukatan.

Huminga muna ako bago lumabas ng kwarto. Paglabas na paglabas ko ay andoon na silang tatlo at magkatabi si Lav at Nea si Eiyen naman ay nakangiti lang sa akin.

Anong nangyayari sa kanila?

"What happened?" Tanong ko rito.

"It just happened," sagot naman ni Lav na inakbayan si Nea at agad naman itong inalis ni Nea. "Bakit kasi bigla kang umalis kanina?" Dagdag pa nito.

"Wala," ani ko rito at binalingan ko ng tingin si Eiyen na nakatayo na at nakapamulsa.

"What?" Tanong ko rito dahil hindi ko maintindihan ang mga nakikita ko ngayon.

"We'll talk to Nea's parents later with Lav because Lav is courting Nea," sagot ni Eiyen at lumapit sa akin. Napalingon naman ako kay Lav.

"Yeah he is right, sana sinabi mo kasi agad sa akin ang tungkol dito para natulungan ko kayo," ani nito at tumayo na rin. "We will go now, diyan ka nalang sa boyfriend mo sumabay panget," dagdag pa nito at inalalayan si Nea na tumayo pero iniwas nito ang kamay niya.

Bakit kaya?

"Sige bye na Aicel, ingat ka diyan sa kasama mo remember he is the greatest asshole," bineso naman ako nito.

"Sige bye ikaw rin ingat ka diyan sa kasama mo he is the greatest gago," bulong ko rito kaya natawa nalang kaming dalawa.

"I heard that Ice," sigaw naman ni Lav ng palabas na sila ng shop. Kaya napangiti nalang ako.

Ganun lang 'yon?

Parang nag-swap lang?

"Tara na rin," ani ni Eiyen sa gilid ko

"That was fast," sabi ko rito.

"Because that's my plan," napakunot naman ako sa sinagot niya.

Planado niya 'yon?

Baliw talaga siya.

Paano kung nagalit si Lav.

"Aray," hawak niya sa ulo niya ng batukan ko siya. Sabay lingon sa akin. "Why? Hindi kaba masaya?" ani nito habang hinimas parin ang ulo.

"Paano kung iba ang naging reaksyon ni Lav, paano kung nagalit 'yon. Ano gagawin mo ha?"

"I don't care, I just want you to be mine," ani nito at dumiretso na sa pinto. Hinintay naman niya ako doon na parang guard na nakaalalay lang sa pinto para hindi ito sumara.

"Hmp," asik ko rito nang makalabas ako at nilagpasan siya.

Wala nga pala akong dalang sasakyan. Si Lav kasi eh kalandi, 'yan tuloy.

Don't be, Ice • Promise#3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon