chapter 10: Precipitation

73 19 20
                                    

"Oh Eiyen andiyan kana pala," bungad sa amin ng isang madre nang makarating kami sa pupuntahan ni Eiyen at agad namang nagmano dito si Eiyen kaya nagmano rin ako bilang galang.

"Okay lang po ba siya?" Tanong niya agad dito. Nagtaka naman ako kung sino iyon.

"Oo okay na siya hinahanap ka nga," ani nito kay Eiyen.

"Wait here, okay?" Tumango naman ako sa kanya kaya agad agad siyang pumasok sa loob.

"Maupo ka muna hija," sabi sa akin ni sister kaya sumunod naman ako rito.

"Salamat po," ani ko ng may inabot silang maiinom sa akin.

Kinalat ko naman ang tingin ko, malaki ang lugar at mukhang naaalagaan talaga, marami ding bata, hindi kaya ito 'yong sinasabi niya sa akin na orphanage na pagmamay-ari ng family niya.

"Nobya kaba ni Eiyen, Hija?" Napatingin naman ako kay sister ng magsalita ako.

"Hindi po," nakangiti kong sabi rito. Parang sa buong araw na ito lahat ng makakita sa amin inaakalang kami.

Napalingon naman ako sa pinasukang pinto ni Eiyen, sino kaya 'yong pinuntahan niya? Siguro napaka importante noon.

"May sakit kasi si Flor, eh hinahanap si Eiyen kaya ayan tinawagan ko na alam ko naman kasing si Eiyen lang ang magpapaganda ng pakiramdam niya," nakangiting sabi sa akin ni sister.

Flor?

Ang swerte naman niya pinuntahan pa talaga siya ni Eiyen.

"Ano nga palang pangalan mo?" Tanong nito sa akin.

"Ako po si Aicel," nakangiti kong sabi rito. Nginitian din naman niya ako.

"Sister, inaway po ako ni Lily." May lumapit naman sa amin na bata na parang kaiiyak lang. Nakita ko naman na parang pinagsabihin na kaya tumahan na ito sa pag iyak.

"Ito pala ang Ate Aicel mo kaibigan ng Kuya Eiyen n'yo," pakilala sa akin ni sister sa bata nakita ko namang napangiti ito at lumapit sa akin.

"Hi po ako nga po pala si Seth," nakangiting sabi nito sa akin.

"Sige hija tingnan ko muna ang mga bata," ani naman ni sister kaya tumango ako dito.

Napatingin naman ako sa labas dahil tuluyan nang bumuhos ang ulan.

"Ate Aicel, labas po tayo," aya sa akin ni Seth na nakaupo sa tabi ko.

"Umuulan Seth baka magkasakit ka," sabi ko rito.

"Sanay po akong naglalaro sa ulanan." Napangiti naman ako sa sinabi niya dahil punong puno ng saya ang kaniyang mukha.

"Sure ka? baka pagalitan tayo," ani ko rito. Tumingin ulit ako sa labas, sa tagal kong nabubuhay hindi pa ako nakakaligo sa ulanan dahil ayaw nila Mom at Dad.

Try ko kaya?

"Hindi po 'yan Ate ako po ang bahala sa inyo." Tumayo naman na siya na parang ready na siya maglaro.

"Let's go." Tumayo na rin ako.

This will be fun.

Agad siyang nagtatakbo sa labas at mukhang ang saya saya niya kaya lumabas na rin ako at ramdam na ramdam ko ang patak ng ulan na tumatama sa katawan ko.

Ang saya nga.

"Ate!" Tawag sa akin ni Seth na basang basa na.

"This is really fun," ani ko rito habang nakangiti.

Tumingala naman ako at diniretso ko ang aking bisig para masalubong ko ang pagpatak ng ulan. Kung alam ko lang na ganito kasaya 'to siguro noong bata ako eh palagi ko itong ginagawa.

Don't be, Ice • Promise#3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon