chapter 21: Shaved

50 16 14
                                    

It's been a weeks since the accident happened. Hindi pa rin siya gumigising. Kahit nga movement ng mga finger or kahit ano wala.

But I'm still waiting, like I promise to him.

Inaayos ko na ang mga pinamili ko kanina na dadalhin ko sa hospital because I'm gonna shave him. Tumutubo na kasi ang balbas niya. Alam ko kasi ayaw niyang humahaba y
'yon dahil pumapanget daw siya. As if naman, kahit ano ata ang gawin sa kaniya, hindi siya pumapanget. Pero gagawin ko pa rin ang gusto niya baka kasi bigla siyang magising tapos sabihin niya pinapabayaan ko siya.

Ang sabi pa nga ni Troy ay maganda ang ginagawa kong pag-aalaga sakaniya minsan daw kasi ang mga nasa coma ay naririnig nila ang nasa paligid nila. Malay nga natin baka naririnig niya 'yong mga sinasabi ko sakanya para naman gumising na siya.

Tumayo na ako para makaalis na ako, nami-miss ko na rin siya. Kahit na para akong baliw na nakikipag usap sa tulog sa tuwing andoon ako okay lang sa akin 'yon mahal ko naman siya eh.

Hayss.

Ang hirap din pala, akala ko magiging madali. Mas mahirap pa to kaysa noong iniwan ko siya. Dati kasi alam kong ligtas siya kahit hindi ko siya kasama nakikita ko yung mga pictures niya na buhay na buhay. Ngayon kasama ko nga siya hindi naman siya gising tapos alam ko pang ako ang may kasalanan kung bakit nasa piligro ang buhay niya.

Ang gaga ko kasi eh.

Buti nga hindi nagalit sa akin ang parents niya.

Malapit lang naman ang hospital ni Troy sa bahay namin kaya ilang minuto lang ay nakarating din ako.

Binuhat ko na ang box na dala ko dahil may dala rin akong foods. Para sa mga bisita at kung ano ano pang gamit sa kwarto niya. Pinuno ko nga ng halaman ang room niya para buhay na buhay ito. And I put a glow in the dark star sa ceiling ng kwarto niya. You all know naman na adik na adik si Eiyen sa Star. Naisip ko 'yon para pagnagising siya ng gabi ay stars agad ang makikita niya dahil wala naman ako doon, hindi na kasi ako pinayagan nila kuya na doon matulog baka raw masarap si Eiyen na palagi akong kasama eh lalong hindi gumising.

Hindi ba, baliw sila.

"Good morning Ma'am Aicel," bati sa akin ng nurse dito. Kilala na nila ako rito, araw araw ko ba namang pinupuntahan si Eiyen hindi pa nila makilala 'yong kagandahan ko.

Hahaha.

"Ms. Aicel, tulungan ko na po kayo," napaangat naman ang tingin ko kay Jaico na nurse din dito at siya din ang naaasikaso kay Eiyen sa tuwing umaalis ako.

"Thank you Jaico,"  ani ko rito at inabot sakanya ang box na dala ko.

"Ang dami n'yo naman po atang dala," sabi nito habang nakatingin sa mga dala ko.

"Wala na kasing supply sa room ni Eiyen eh," sagot ko rito at ako na ang nagbukas ng elevator para makataas na kami.

"Salamat po Ms. Aicel," tinanguan ko nalang ito. He really nice and handsome haha pero mas g'wapo pa rin si Eiyen.

"Invite your co-nurses tomorrow, it's Eiyen's birthday," napalingon naman ito sa akin.

"Wag na po, nakakahiya naman," nakangiting pagtanggi nito.

"No, kakain lang kayo eh kung may time kayo ha?" ani ko rito. Tumango naman ito at nauna ng lumabas ng elevator.

"May pinapasabi po pala si Dr. Roynalds," napalingon naman ako rito.

"Hindi raw po siya makaka visit kay Sir Eiyen dahil pinatawag po siya sa New York for surgery," tumango tango naman ako rito.

"Eiyen!" Masigla kong tawag sa lalaking payapang nakahiga sa kama.

Don't be, Ice • Promise#3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon