chapter 36: Till death

91 10 0
                                    

I'm looking at her, she's still beautiful even she's sleeping. Siya pa rin 'yong snowflake ko, siya pa rin 'yong babaeng makulit at mataray.

Siya lang 'yong babaeng hinahayaan kong saktan at pasayahin ako. Siya lang 'yong babaeng kumokompleto ng buhay ko. Kahit kailan hindi ko naisip na mamuhay ng wala siya sa tabi ko. Hindi ko kaya 'yon.

Hindi ko alam na mangyayari ito, akala ko magiging masaya na kami, akala ko wala ng makakasira sa amin. Gusto kong sumunod sakaniya, gusto ko nalang tumabi sakaniya habang buhay at hanggang sa kamatayan.

"Hindi ba sabi mo hindi mo na ako iiwan love?" Bulong ko rito. "Akala ko ba aayusin pa natin 'yong kwarto ng anak natin, akala ko ba ikakasal pa tayo, akala ko wala ng iwanan."

"Walang ng mang-iiwan hindi ba?"

"Ice, bakit?"

"Bakit?"

Naramdaman ko na ang pagpatak ng luha ko. Bakit ba kailangan mangyari sa amin ito?

Tangina, ayoko ng maging mag-isa. Ayokong ng maranasan 'yong sakit na ganito.

"Bakit iniwan mo ako agad?"

"Sana sinama mo nalang ako," tuloyan na akong napasubsob sa kabaong niya.

Bakit ba ganito ang nangyayari sa akin? Hindi ko kayang wala ka Ice, lalo na at andito ang kambal natin.

Hindi ko alam kung kakayanin kong mapalaki ng maayos ang kambal. Kailangan nila si Ice at kailangan ko rin. Hindi ko kaya, hindi ko kayang wala siya sa tabi ko.

"Pare," naramdaman ko ang pag akbay sa akin ni Owen.

"Nakita ko ang kambal kanina. Mabuti ang kalagayan nila, sabi ng doctor kailangan pa nilang mag stay roon hanggang sa umabot na sila sa tamang buwan."

Tumango lang ako rito.

"Gago ka pa rin naman hindi ba?" Napaharap ako sa tanong nito.

"Huwag mo naman sanang pabayaan iyong kambal. Tandaan mong sinugal ni Aicel ang buhay niya para sa anak niyo. Kaya sana huwag mong sayangin ang buhay na binigay ni Aicel sa kambal."

"Hindi ko alam kung paano ko papalakihin ang kambal. Hindi ko alam kung paano maging ama lalo na at wala si Ice."

"We're here Eiyen. Hindi kami aalis sa tabi mo. Lahat tayo nahihirapan ngayon, pero sana huwag mong ibaon ang puso mo kasama ni Aicel. Mahal ka niya kayo ng kambal kaya niya ginawa ito."

"Kung mahal niya ako bakit niya ako iniwan?"

"Alalahin mo 'yong araw na iniwan ka ni Aicel." Naramdaman ko naman ang pagtabi ni Troy sa akin.

"Hindi ba sinabi niyang kaya siya umalis ay dahil alam niyang yun ang mas makakabuti sa iyo."

"Kahit kailan hindi naging mabuti ang ginawa niyang ito. She just leave me again without asking my permission. Hindi niyo ako naiintindihan dahil hindi sainyo nangyari ito."

"We understand you, kaya nga andito kami. Mahal namin si Aicel para na siya ang little sister namin. Hindi lang ikaw ang nasasaktan sa mga nangyayaring ito. Pero alam naming iba ang sakit na nararamdam mo."

"You need more time to think. Your sons really look liked you. You'll be happy if you see them." Tinapik ako ni Owen bago ako umalis.

"If you need something just tell us." Sambit ni Troy bago umalis.

I look at my wife na payapa na nakahiga at nakapikit. Napakakomportable niyang tingnan sa pwesto niyang iyan at napakapaya pa. Gusto ko nalang sumama sa kaniya, gusto kong tumabi sakaniya pero alam kong meron siyang iniwan sa akin na kailangan kong mahalin kagaya ng pagmamahal niya sa akin.

"Eiyen."

Napabaling ang tingin ko nang marinig ko ang boses ng kaibigan ni Ice. Nakita ko naman si Lav at si Nea na umiiyak sa gilid.

"Eiyen, I'm always here for you," sambit ni Nea at bigla akong niyakap na parang kanina pa nagpipigil.

"Yeah, I know," ani ko rito at binigyan pa muli ako ng mahigpit na yakap bago ito bumitaw.

"Eiyen, I really don't know what to say, she just called me yesterday, sinabi niya sa aking susupresahin ka niya napakasaya niya noon habang kinekwento niya kung paano niya inihanda ang cake na ibibigay niya sa'yo." Namumula ang matang sambit ni Lav. Minabuti ko nalang na hindi ito sagutin.

Hindi ko alam kung ano pa ang mangyayari sa akin sa mga susunod na araw. Pakiramdam ko hindi na ako dapat nabubuhay sa mundo.

Tumunog ang phone ko kaya agad ko itong binuksan, nakita kong may sinend na picture sa akin si Acel, kaya agad ko itong binuksan.

Napangiti ako nang makita ko ang dalawang lalaking sanggol at may pangalang:

Rigel Perseus D.C Gonzales
Pollux Sagittarius D.C Gonzales

My two stars. I'll make them bright as their mother. Gagawin ko ang lahat para sa mga anak ko.

Napatingin muli ako kay Ice.

"Kaya ko ba Ice?"

Don't be, Ice • Promise#3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon