"No, you can't marry her," sabay naman kaming napalingon kay Daddy ng magsalita ito.
"Why?" Agad na tanong ko rito.
"She's pregnant, hintayin niyo munang lumabas ang apo ko bago kayo magpakasal para na rin sa safety ng anak at magiging apo ko," ani nito kay Eiyen. Si Eiyen naman ay nakatingin lang dito.
"Yes Sir, no problem." Sagot nito. "But Sir pwede ko na po bang isama si Ice sa bahay namin?" Napakunot naman ako sa tinanong nito.
"Kung papayag ang anak ko." Bumaling naman sa akin si Daddy.
Sasama ba ako sa mabahong ito?
"S-sige," nauutal kong sagot. Hindi ko alam bigla akong kinabahan dahil sa pagpayag kong yun.
"Then, you can go now. Basta bukas mo na iuwi ang anak ko dahil delikado na sa daan." Agad naman ako lumapit kay Daddy at niyakap ito.
"Thank you daddy," ani ko rito. "Mommy thank you rin," baling ko kay Mommy.
"You can go now baka masyado pa kayong gabihin sa daan," sabi ng Mommy sa amin kaya nag paalam na kami sa kanila.
...
"Sabi mo hindi pa okay ang lahat?" Tanong ko kay Eiyen habang nagda-drive ito.
"Hindi ko rin inaasahan na aamin siya," sagot nito.
"Sana naman hindi mo siya sinaktan, nagdadalang tao siya Eiyen." Napahinto naman ito sa sinabi ko kaya napataas ang kilay ko rito.
Shit?
Sinaktan niya yung babae?
"Eiyen how is she?" Agad kong tanong dito dahil baka may nangyaring masama sa baby, kahit naman kasi nagsinungaling ang babaeng yun wala namang kasalanan ang baby na dinadala niya.
"Love don't mind that woman, niloko na nga niya tayo ganyan kapa mag-alala sa kanya." Sandaling tumingin ito sa akin at ibinalik na muli sa daan. Napasibangot naman ako rito. Nag aalala lang naman ako sa anak nung babae eh.
Ang sungit sungit nagtanong lang naman. Ano ba yan? Bakit ba naiiyak ako, kasi itong lalaking ito eh. Bumaling naman ako sa labas dahil ayokong makita niya akong umiiyak.
Masama na pala mag care ngayon. Nakakasama ng loob itong lalaking ito.
Naramdaman ko naman huminto ang sasakyan. "Love?" Tawag sa akin nung lalaki sa gilid ko. Hindi ko nalang ito pinansin ang sama sama talaga ng loob ko sa lalaking ito.
"Hey," tawag muli nito sabay marahan akong hinarap sa kanya. Nakita ko naman ang taranta sa kanyang mukha ng makita niya ang luhang pumapatak sa mga mata ko. "Bakit ka umiiyak, may masakit ba sa'yo?" Tarantang tanong nito.
"Wala," sagot ko rito.
"Then why are you crying?" Tanong nito muli.
"Ang sungit mo kasi," ani ko rito habang pinupunasan ang luha sa aking mata. Nakita ko naman ang pagngiti nito, sabay yukod papunta sa tiyan ko.
"Hey buddy don't make your mommy be bipolar, mahihirapan si Daddy," ani nito at marahang hinahaplos ang tiyan ko.
"I've searched about pregnancy. You know, I'm a daddy now and a future husband of my snowflake," napangiti naman ako sa sinabi niya. Hindi ko alam na gagawin niya iyon para lang maintindihan niya ang mga nararamdaman ng nagbubuntis.
"Eiyen," napatingin muli ito sa akin. "Miss na miss kita," ani ko rito at agad ko siyang niyakap.
"I missed you too, promise hindi na ulit tayo magkakahiwalay," ani nito.
BINABASA MO ANG
Don't be, Ice • Promise#3
RomanceEiyen Dashielle S.P Gonzales, back in his school days he is known as the greatest asshole and the most playboy over his three friends. After he graduated he deeply fell inlove on his friend's sister. He planned everything for their future but then e...