chapter 27: Thunderstorm

34 14 3
                                    

Nagising akong nakaunan nalang ako sa braso ni Eiyen at siya naman ay mahimbing na mahimbing pa rin na natutulog. Last night will be the most memorable night for me. I just gave him my virginity at wala akong pagsisisi doon dahil sa una palang naka-reserve na sa kanya ito.

I'm still shock nang naaalala na niya ako. Hindi ko inaasahan na tatawagan niya ako kagabi ang akala ko uuwi na naman akong malungkot.

Minabuti kong tumayo na pero naramdaman ko ang sakit sa gitnang parte ng katawan ko.

"Shit," bulong ko. Hindi ko alam na sasakit ito ng ganito.

Naupo pa ako ng mga ilang minuto para mawala ang sakit nito dahil gusto kong siyang paglutuan ng breakfast niya ngayon.

Siguro ngayon palang nag uumpisa ang happy ending namin. I'm really happy right now. Iyong parang walang salitang makakapagdescribe sa saya ko.

Dahan dahan akong tumayo at napatingin ako sa pinanggalingan ko nakita kong may dugo ito. Napailing nalang ako. I really lost it but it's okay sa mahal ko naman napunto ang pinakaiingatan ko like what I said earlier it's already reserved for Eiyen Dashielle Gonzales the love of my life.

Kinuha ko na ang pants ko at kumuha rin ako ng shirt sa drawer niya. Kailangan ko ng magluto for our breakfast. I want to surprise him kahit kailan kasi hindi ko pa siya nalulutuan.

Napahawak naman ako sa kwintas na suot na galing din sa kanya at andito rin ang singsing na dapat ay ibibigay niya sa akin noong iniwan ko siya.

Yeah bumalik ako noon dahil gusto ko mapag isa at sa hindi ko inaasahan nakita kong andoon pa siya at may tinapon siya kaya hinanap ko iyon nang makaalis siya. Then I saw this ring na may diamond at may nakaukit na Ice.

Simula kasi noong nakalimutan niya ako naisip ko na ilagay ko nalang iyon sa kwintas ko dahil yun nalang ang natitira sa akin na galing sakanya. Yon nalang ang natitirang bagay na nagpapaalala sa akin na minsan akong minahal ni Eiyen.

Hmmm

Kumuha na ako ng mga gagamitin ko at inayos na ito.

I cooked eggs, hotdog and bacon breakfast lang kasi.

Inayos ko rin ang table para pagnagising siya ay okay na ang lahat..

"What are you doing here?" Napalingon ako sa nagsalita. Magulo pa ang buhok nito.

"Love, nagluto na ako ng breakfast natin," nakangiting sabi ko dyito. Siya naman ay kumonot ang noo.

"Why?" Tanong ko rito dahil sa ekspresyon ng mukha niya ay parang naguguluhan siya sa mga nangyayari.

"I told you to forget me right?"  nalaglag ang balikat ko sa sinabi niya.

What is he talking about? Naguguluhan ako sakanya.

"Bakit bumalik ka pa rin?" dagdag pa nito. Nararamdaman ko naman na nag iinit na ang sulok ng aking mata.

Parang wala ng gustong lumabas na mga salita sa bibig ko dahil sa mga naririnig ko mula sakanya.

Ano bang ibig niyang sabihin?

"Eiyen, last night-- " maluha luhang kong sabi dito na parang pilit kong pinapaalala sakanya ang mga nangyayari.

"You and I we--

"Fuck this headache." Napahinto ako ng sabihin niya ito at agad akong lumapit sakanya dahil muntik na siyang mawalan ng balanse.

"Love, are you okay?" Tanong ko rito habang inaalalayan siya.

"Don't." Pigil niya sa ako ng hahawakan ko ang ulo niya. "I can handle myself, I don't need you."

Napalayo ako sakanya.

Why?

Pinikit pikit ko ang mata ko dahil punong puno na ito ng luha.

Tumayo na ako, dumiretso sa kwarto niya at kinuha ko na ang gamit ko. I can't even imagine na ganito ang mangyayari ngayon. Pagkatapos kong ibigay sakanya ang lahat, ganito lang pala.

Bakit ba ang tanga tanga ko?

Pinunasan ko na ang luha ko, ayoko ng umiyak.

I don't deserve this anymore.

No one deserve this pain.

Lumabas na ako sa kwarto at marahas kong isinara ang pinto nato. Napahinto naman ako ng makita ko siyang nakatingin sa akin na hindi ko maintindihan ang gustong iparating ng mga mata niya, napahawak ako sa kwintas ko. Mabilis ko itong hinubad kasama ng singsing at ibinaba sa lamesang naroroon.

Nagdirediretso na ako sa paglabas at hindi na ako nagsayang ng segundo para lingunin pa siya.

Naririnig ko pa ang pagtawag niya sa akin. Pero hindi ko na ito pinansin at dumiretso na ako sa elevator.

Nang makapasok naman ako sa elevator ay saktong magkatapat kami kitang kita ko nanaman ang mga mata niya. Pero nag-iwas na ako ng tingin at pinindot na ang ground floor.

"Ice," napalingon muli ako dito ng tawagin niya ako. He called me Ice but he's not drunk, I think he already remember me. Pero hindi 'yon sapat para mawala ang sakit na nararamdaman ko ngayon. I gave him all I have tapos sasaktan niya lang ako ng ganito.

"Goodbye Eiyen."

Ang huling nakita ko nalang ay ang pag akma niyang pagpasok pero tuluyan ng nagsara ang pinto ng elevator.

Till our love meets again, Eiyen Dashielle.

I thought after the rain there's a rainbow, but now the rain was gone but the thunderstorm just begun.

Don't be, Ice • Promise#3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon