chapter 30: Surprised

34 12 0
                                    

Aicel's POV

Napabuntong hininga ako nang makaapak ulit ako rito. It's been two months simula noong umalis ako. Walang nakakaalam na babalik ako gusto ko silang lahat i-surprise at meron pa akong isang surprise sa kanila na talagang magugustuhan nila lalo na siya.

Napangiti naman ako. Sa wakas magkikita na rin kami. I'm sure miss na rin niya ako. I am fully recovered dahil naisip ko na may kasalanan din ako parehas kaming may kasalanan. Pero ewan ko sobrang nasaktan talaga ako sa sinabi niya sa akin na hindi niya ako kailangan.

Pero dahil sa surprise ko sakanila kaya nawala ang lahat ng sakit at kaya mas pinili kong bumalik dito.

"Hi Manong," Masayang bati ko sa driver namin dahil nagpasundo ako. Sila Mommy at Daddy lang kasi ang nakakaalam na uuwi na ako.

"Welcome back Ma'am Aicel," nakangiting bati nito sabay pinagbuksan ako ng pinto.

"Thank you po," ani ko rito sabay pumasok na ako sa loob.

Kinuha ko naman ang phone ko at nakita kong may message si Troy. Napakunot naman ako rito, sa natatandaan ko ngayon lang to nagmessage sa akin.

Troy:
Kailan ka ba babalik?

Mas pinili ko nalang hindi magreply dito.

"Manong sa Gonzales's Haus po," ani ko rito dahil gusto kong siya muna ang maalam para magkasama kaming mag announce ng surprise.

I can't wait.

"Sige po Ma'am," sabi nito sabay liko. Ang alam ko ay malapit lang dito ang Condominium nila Eiyen. Siguro ay andun siya. Atsaka I'm sure wala na yun sa office dahil past 4 pm na rin.

...

Bumaba agad ako ng sasakyan para makapunta sa lobby.

"Miss, andiyan ba si Eiyen?" Tanong ko agad dito. Kilala na ako dito dahil nga kay Eiyen.

"Kalalabas lang po niya Ma'am Aicel," ani nito. Tumango naman ako rito.

Saan naman kaya nagpunta 'yon?

Baka nasa bahay nila.

Lumabas na ako para makapagpahatid na sa bahay nila. Pagwala pa siya roon, lagot talaga 'yon sa akin.

...

Agad naman kami pinagbuksan ng gate ng guard sa bahay nila Eiyen. I'm excited for his reaction.

"Kuya andiyan si Eiyen?" Tanong ko rito ng huminto sa tapat niya ang sasakyan.

"Yes po Ma'am," nakangiting sabi neto kaya diniretso nani manong ang pagda-drive.

Bumaba agad ako ng makapag-park ang sasakyan namin. Agad kong nakita si Eiyen sa may garden nila, halata naman na hindi niya napansin ang sasakyan namin.

Dahan dahan akong lumapit dito. Mukhang napakalalim ng iniisip nito dahil hindi niya talaga ako napapansin. I'm wondering kung ano ang iniisip niya.

"Love," mahinang tawag ko rito napangiti naman ako nang napatuwid siya ng upo.

"Love," tawag kong muli rito dahilan ng paglingon niya sa direksyon ko. Agad naman akong tumakbo palapit dito at agad siyang niyakap. Naramdaman ko rin ang pagyakap niya sa akin kaya naman hinigpitan ko pa ito.

"I missed you Eiyen," sambit ko rito at tinaas ko pa ang tingin ko para magtagpo ang mga mata namin.

"What are you doing here?" Takang tanong nito at hinalikan pa ako sa aking noo.

"Ayaw mo ba ako rito?" Napanguso ako rito.

"Of course I want you here, miss na miss na nga kita," ani nito at binigyan ako ng halik kaya napapikit ako. I missed his kiss.

Don't be, Ice • Promise#3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon