chapter 31: Still

31 10 0
                                    

Agad akong napabangon nang marinig ko ang katok sa pinto.

"Shit," asik ko nang maramdaman ko ang sakit ng ulo at mata ko.

"Ma'am Aicel, andito po ang kuya niyo kasama ang kaibigan niya," natigilan naman ako sa narinig kong 'yon.

Shit?!

Agad akong tumayo at humarap sa salamin. Bakit kasi ako umiyak kagabi? Kitang kita sa mga mata ko ang pamamaga nito. Paano ako lalabas niyan kung ganito ang itsura ko?

Agad naman akong dumiretso sa CR ng kwarto ko dahil nasusuka ako.

"Baby, 'wag mo namang masyadong pahirapan si Mommy ha?" Sambit ko rito at bahagyang hinaplos ang tiyan ko.

"Lalo na at wala ang daddy," napabuntong hininga nalang ako. Hindi ko alam kung kakayanin ko mag isa palakihin itong anak namin. Akala ko kasi pagbalik ko rito masasamhan na niya ako araw araw.

Akala ko lang pala 'yon.

Naramdaman ko naman ang pagtulo ng luha ko kaya agad ko itong pinunasan.

Paano na ang gagawin ko? Siguro kaya ko namang maging single parent. Kayamin ko dapat.

"Aicel open this door!" Napatayo agad ako nang marinig ko ang boses ni kuya. Agad akong tumungo sa sink at naghilamos.

I'm not sure kung mapapansin ba niyang umiyak ako pag naman nagsalamin ako mas halata.

"Fuck!" Narinig kong asik nito.

"Wait kuya!" Sigaw ko rito at agad na inayos ang sarili ko.

Huminga muna ako nang malalim bago buksan ang pinto.

"What the hell are you doing, kanina pa ako kumakatok?!" Galit na galit na tanong nito. Agad naman akong napayuko rito.

"I'm in the comfort room," sagot ko rito habang nakayuko ayokong magtama ang mga mata namin.

"I'm sorry, nainis lang ako dahil akala ko kung ano na nangyari sa'yo," ani nito sabay yakap sa akin.

Napangiti naman ako ng mapait bago ko siya yakapin pabalik.

"I missed you princess," ani nito at naramdaman ko pa ang paghalik sa tuktok ng ulo ko.

"Namiss din kita kuya," sagot ko rito.

Bahagya kong iniangat ang tingin ko rito para makita ang reaksyon niya pero nagtaka ako nang makita kong may pinagmamasdan siya sa kama ko.

Napakunot ang noo ko rito kaya lumingon din ako sa kama ko para malaman kung ano ba ang tinitingnan niya.

Namilog ang mata ko nang makita ko ang ultrasound pictures ng baby ko. Agad akong tumungo rito para makuha ito.

"Buntis ka?" Parang nagdilim ang mga mata nito sa sobrang galit nang makita iyon.

"Answer me Aicel Briella!" asik nito sa akin habang nakatingin sa akin.

"Kuya," tawag ko rito at hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. "I'm sorry Kuya, kaya ko naman palakihin mag-isa ang baby ko," umiiyak kong saad dito.

"Who's the father?" Madilim ang tono ng boses nito.

Hindi ko alam kung sasagutin ko ba iyon, hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko na alam kung paanong iyak pa ang gagawin ko dahil sa nararamdaman ko ngayon. Pinagdikit ko naman ang aking kamay at sinalo ko ang aking mukha at doon humagulgol.

"Fuck!" Narinig ko ang paglalakad nito palabas ng kwarto ko.

Ako ay patuloy lang sa pag iyak. Kailan ba mauubos itong luha ko?

Don't be, Ice • Promise#3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon