Tatlong araw na ang nakakaraan nang huli kaming magkasama, hindi ko alam kung bakit hindi man lang nagpaparamdam kahit text o tawag, I know it's not his thing dahil dati tuwing gusto niya akong makita or makausap ay agad na lang siyang susulpot kahit na nasaan ako. Pero ngayon siguro busy lang talaga siya.
Busy kay Nea.
"Aysshhh, trust Eiyen. Ice," ani ko sa sarili ko. "Sabi mo sakanya ilihim muna ang tungkol sa inyo tapos kung ano ano ang iisipin mo diyan, 'wag ka ngang baliw Ice." Gumulong gulong na ako sa kama ko para lang mawala ang mga tumatakbo sa isip ko. Kasi naman eh kasalanan ko rin 'to.
Tumayo nalang ako dahil baka mabaliw lang ako sa kakaisip. Ngayon kasi kami magpapasukat para sa gowns and suits namin para sa birthday party. Dapat nga ako ang magiging coordinator ng party namin pero sabi ni mommy party raw namim 'yon hindi naman pwedeng ma-stress ako sa araw na 'yon. Tama naman siya kaya pumayag na ako.
Hindi ko pa nga rin nasasabi kay Eiyen na si Lav ang magiging partner ko. Kahit mas gusto kong si Eiyen ang maging partner ko wala namang magagawa, alangang sabihin ko sakanila na si Eiyen Gonzales nalang ang partner ko, siguradong magtataka 'yon kung bakit.
Kapag naman sinabi ko kay Eiyen magpupumilit 'yon eh ano nalang tatanungin ng family niya at ni Nea, I'm sure Montemaior and Gonzales family are invited because of business partnership.
Minsan parang mas maganda nalang pagnaging simpleng tao eh 'yong basta makakain ka lang ng tatlong beses sa isang araw sapat lang yung kinikita n'yo para sa inyo. Hindi 'yong ganito nakukuha nga namin lahat ng gusto namin limitado naman ang mga galaw namin dahil maraming malalaking tao ang nakapaligid sa amin.
Napalingon naman ako sa pinto ng may kumatok dito kaya kinuha ko nalang ang Clutch ko dahil siguradong si Lav na 'yan at sinusundo ako.
"Ang aga mo naman," bungad ko rito pero agad akong napahinto nang si Eiyen ang nakita ko sa labas ng pinto. Nakatingin lang ito sa akin kaya agad ko itong nilapitan.
Bigla naman siyang tumingin sa kanyang gilid kaya napahinto ako sa harapan niya at tumingin din doon. Bahagya naman akong napaatras nang makita ko si Nea na nakatayo roon at nakangiti sa akin.
"Hi Aicel," masayang bati nito sa akin. Napalingon naman ako kay Eiyen na nakatingin lang sa akin hanggang ngayon.
"Bakit andito kayo?" Pinilit kong ngumiti sa kanya.
"Lav called me kung p'wede raw bang daanan ka nalang namin, baka daw malate siya eh, magkamukha lang pala tayo ng shop na pupuntahan kaya pumayag na kami," sabi nito sa akin.
"Magda-drive nalang ako," ani ko sa kanila. Ayoko namang maging third wheel.
Duh...
"Andito na kami Ice sumabay kana susunod din naman si Lav." Napalingon naman ako kay Eiyen na seryoso ang mukha.
"Eiyen is right let's go na." Hindi naman na ako nakatanggi dahil kinalawit na ni Nea ang kamay niya sa braso ko at iginiya na ako palabas.
"Wait, can I use your CR?" hinto naman ni Nea kaya pinasamahan ko nalang siya sa maid na nandodoon.
Pinili ko nalang na maupo muna habang hinihintay siya.
Nakaka-stress 'to.
Minsan ko na nga lang makita si Eiyen magiging third wheel pa ako.
"Ice, I can hear your thoughts," napalingon naman ako kay Eiyen ng magsalita ito.
"Good for you," ani ko rito at tinalikuran siya ulit. Sana nga totoo 'yong sinabi niya nang makaramdam naman siya na ayokong sumabay sa kanila at mas lalong ayokong maging third wheel.
BINABASA MO ANG
Don't be, Ice • Promise#3
RomanceEiyen Dashielle S.P Gonzales, back in his school days he is known as the greatest asshole and the most playboy over his three friends. After he graduated he deeply fell inlove on his friend's sister. He planned everything for their future but then e...