Flashback: Waves

50 13 0
                                    

Pinaandar ko na ang sasakyan ko dahil kailangan ko nang pumunta sa bahay nila Ice. She texted me last night at ang sabi niya miss na miss na niya ako. Alam kong mainit pa rin si Acel sa akin kaya nagpalipas ako ng ilang araw bago siya kausapin at ngayon ang araw na iyon. Kakausapin ko muna ang parents ni Ice bago sa kuya niya.

Inabot ko ang phone ko then I dialed Owen's number.

Oh bakit gago?

Ayos na ba lahat diyan?

Oo naman ikaw lang naman ang hindi ayos.

Sige sige gago.

Binaba ko na ang phone ko.

Kinakabahan ako tangina, kahit na simula pagkabata ko eh kilala ko na ang parents ni Ice. Mommy Einah at Daddy Enzo na nga ang tawag ko sa kanila dahil nasanay na ako sa ganoon at sinabi rin nilang 'yon ang itawag sa kanila dahil parang anak na rin daw nila ako.

That's why I'm nervous baka 'pagsinabi ko sa kanila ang tungkol sa amin ng anak nila ay magalit sila dahil nga parang kapatid ko na daw ang kambal nila.

Kasalanan ko bang mahalin ang babaeng 'yon kahit na napakakulit at napakaarte no'n ay nahulog pa rin ako, I'm willing to give up everything for her kahit yung pagkakaibigan namin ni Acel. Mahal ko talaga eh, kaya hindi ko hahayaan na magkahiwalay kami nang dahil lang sa mga taong ayaw maging kami, tulad ni Acel.

Epal kasi, hindi nalang kami hayaan ni Ice.

Hininto ko na ang sasakyan ko sa tapat ng bahay nila at agad na akong bumaba para makapasok na ako.

Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa loob.

"Oh Eiyen, wala rito si Acel," salubong sa akin ni Manang Liony.

"Hindi po siya ang pinunta ko, sila Mommy Einah po," nakangiti sabi ko rito.

"Sige tatawagin ko lang," ani nito na may pagtataka ang mukha.

Sino ba namang hindi magtataka. Naka Suit pa ako, sa tingin ko kasi kailangan kong maging pormal ngayon. Seryoso talaga ako sa bagay na ito.

"Bakit hijo?'' napalingon naman ako nang marining ko ang boses ni Mommy Einah nakita kong kasama neto si Daddy Enzo.

Humugot muna ako ng hangin at bahagyang inayos ang suot kong suit.

Tangina, ito na 'yon.

"Mr. and Mrs. Dela Cruz, I just want to make things right." Nangunot ang noo ng dalawang matanda dahil sa sinabi ko.

"Gusto ko lang pong sabihin sa inyo na mahal na mahal ko po si Ice. Isang buwan na po naming nililihim ang tungkol sa amin. I'm really sorry for not telling you about this. Gusto ko po sanang magpaalam kung p'wede ko siya ulit ligawan para po maging maayos ang lahat. I am willing to court your daughter again," ani ko rito sila naman ay nakatingin lang sa akin na parang hindi na sila nagulat sa sinabi ko.

"We knew about that we're just waiting for you to tell us," sagot naman ni Daddy Enzo.

"Pero hindi pa rin tama ang ginawa nyong dalawa, alam din namin ang nangyari  between you and Acel. Hindi lang dapat kami ang sasabihan mo niyan pati si Acel," sabi naman ni Mommy Einah.

"I will Mr. and Mrs. Dela Cruz," nakangiti sagot ko sa dalawa.

"You don't need to call us like that hijo. She's in her room puntahan mo na. Alam namin na ikaw lang ang magpapagaan ng loob ng anak namin," nakangiti sabi nito sa akin. "Promise us that you'll not gonna hurt our princess," dagdag pa nito.

"I'll make her my queen," sagot ko rito, sila naman ay tumango na kaya umakyat na ako at dumiretso sa kwarto ni Ice.

Nakailang katok na ako pero wala paring nagbubukas kaya medyo nilakasan ko pa.

Don't be, Ice • Promise#3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon