Napagdesisyonan nila na rito nalang matulog sa bahay dahil wala raw akong kasama. Pero sanay naman na ako lalo na noong nagkapamilya si kuya.
Bumaba nalang ako para maghanap ng pagkain dahil nagugutom ako at hindi rin ako makatulog.
"Ano kaya p'wede?" Tanong ko sa sarili ko nang mabuksan ko ang fridge. Gusto ko sana ng sweets ngayon.
"Can't sleep?" Napatalon naman ako nang may magsalita sa gilid ko. Kaya agad akong tumingin dito at nakita ko si Eiyen na nakaupo.
"Wag ka namang nanggugulat," ani ko rito.
"I'm not, Ice," sabi lang nito sa akin.
"Yes you are Eiyen." Sabay irap ko rito. Kumuha nalang ako ng pagkain at sinara na ang ref.
"Let's walk outside?" napalingon naman ako sa sinabi niya
"Ikaw nalang." Tumalikod na ako rito.
"Oh come on, we have our own lives now, don't make an issue about our past." Napahinto naman ako at hinarap siya. It hurts yes, gusto na talaga niya kalimutan ang nangyari sa amin dati. Sino ba gustong tandaan pa 'yong mga panahon na nasaktan siya, hindi ba?
"Sige," sagot ko rito kaya tumayo na siya. Ayokong magpahalatang naapektuhan ako, pero hindi ko alam na magiging ganito kahirap.
Nang makalabas kami ay napakaganda ng langit at maliwanag ang paligid galing sa buwan at ang dami ring bituin.
"They are perfect, right?" Nakatingin din siya sa langit habang nakangiti.
I love seeing him like this.
"Yeah," sabi ko habang nakatingin sa napakag'wapo niyang mukha. Napaiwas naman ako agad ng inalis na niya ang tingin niya roon.
"Kumusta ka?" Tanong nito sa akin habang naglalakad kami.
"Okay lang naman," sagot ko nalang dito.
"That's good though," ani nito habang nakangiti at nakatingin sa dinadaanan namin
"Ikaw? You look very inlove with her." napatingin naman siya sa akin.
"I think so." kibit balikat na sabi nito. "Akala ko wala kang boyfriend?" dagdag pa nito.
"Wala naman eh," sagot ko agad dito. Nagkibit balikat naman ito.
Buti nalang at hindi na niya ino-open up ang nangyari sa amin dati.
"Gaano na kayo katagal ni Nea?" Tanong ko rito.
"I forgot," sabi lang nito.
"Baliw ka, baka magalit sayo 'yon pag nalaman niyang nakalimutan mo," ani ko rito. Tumingin naman siya sa akin na napakaseryoso ang mukha. Minsan lang niya ginagawa ang ganitong tingin sa tuwing ayaw niya ng pinag uusapan or kung may ayaw siya.
"Why?" Tanong ko rito.
"Wag na natin pag usapan 'yong wala rito," sabi lang nito sabay tumingin ulit sa langit.
Galit na ba siya non?
Bakit naman ayaw niya pag usapan yung girlfriend niya? Mahal niya yun dapat nga pinagmamalaki pa niya 'yon eh.
Hindi kaya may gusto pa siya sa akin?
Shit Aicel 'wag kang assuming, sinaktan mo siya ng todo at walang taong gugustohin pa ang mga taong nanakit sa kanila.
Kaya Aicel don't be assuming.
"Ice," untag sa akin ni Eiyen, kaya napatingin ako rito. "Ang tahimik mo na ano?" sabi pa nito.
BINABASA MO ANG
Don't be, Ice • Promise#3
Любовные романыEiyen Dashielle S.P Gonzales, back in his school days he is known as the greatest asshole and the most playboy over his three friends. After he graduated he deeply fell inlove on his friend's sister. He planned everything for their future but then e...