Flashback: Snowflakes

41 14 3
                                    

"Eiyen," tawag ko rito.

"Yes Love?" Lumingon naman ito habang nakataas ang isang kilay.

"Nothing,"  ani ko rito. Kaya bumalik na ito sa ginagawa niya. Hindi man lang kasi ako pinapansin kanina pa siya doon sa ginagawa niyang 'yon. Wala rin akong idea kung ano 'yon.

Minabuti ko nalang na pumunta sa kitchen ng condo ni Eiyen hahanap nalang akong makakain at mukhang wala talaga siyang balak na pansinin ako.

"Hmm what should I eat?"  sabi ko sa sarili ko habang naghahanap ng makakain. Nakakita naman ako ng fruits kaya kinuha ko na iyon at ito nalang ang kakausapin ko ngayon. Naupo nalang ako roon at busy pa naman si Eiyen.

Isang buwan na kami ni Eiyen at parang wala siyang balak na sabihin kay kuya or sa family ko ang relasyon namin. Alam mo iyon, kung sa iba legal ang relasyon nila saamin ni Eiyen eh illegal. Siya lang naman kasi ang hinihintay kong magsabi kay kuya ayaw ko naman kasing ako ang magsabi dahil lalong magagalit iyon at baka sabihing hindi seryoso si Eiyen dahil hindi siya ang mismong nakipag usap kay kuya.

Alam ko namang unang una palang tutol na si kuya kay Eiyen dahil alam niya lahat ng kalokohan ni Eiyen dahil simula pagkabata eh magkakilala na sila kaya kilalang kilala talaga nila ang isa't isa. Ewan lang kung ano magiging reaksyon niya pagnalaman niya ito....

"Love, look at this." Napataas naman ang tingin ko sa nagsalita dahil nilagay niya ang dalawang kamay niya sa magkabilang gilid ko at pinatong ito sa lamesa.

"What?" Nakataas ang kilay na tanong ko dito dahil wala naman siyang dala na dapat kong tingnan.

"My face," napangiwi naman ako sa sinabi neto.

Gago.

"G'wapo ko ano?" napairap ako rito. Pero g'wapo naman talaga siya. Hahaha

"I'm just kidding," ani nito at binaba niya ang ulo niya para mahalikan niya ang noo ko.

"This," ani nito at may dinukot sa kanyang bulsa na necklace.

"For me?" Tanong ko rito na ikinatawa naman niya.

"Of course ikaw lang naman ang mahal ko." Feeling ko eh pulang pula na ang pisngi ko dahil sa sinasabi niya kaya yumuko nalang ako.

Naramdaman ko naman ang malamig na bagay sa gawing dibdib ko kaya napatingin ako rito at sinusuot niya na pala ang necklace sa akin.

Bakit ba ganito itong lalaking to?

"Thank you Love." Tumayo na ako at niyakap siya.

"Kiss mo naman ako." Natawa nalang ako rito pero binigyan ko rin siya ng mabilis na halik.

"Ako na nga," ani nito at agad na pinagtapat ang mukha namin then he kissed me ibang iba sa halik ko sakanya kanina...

"Bakit hindi mo man lang ako pinapansin kanina?" Tanong ko dito siya naman ay tumabi sa akin pero nakaharap siya sa akin na para bang pinapanood ako habang kumakain.

"Nawala kasi 'yong pendant ng necklace, ayoko namang magpatulong sayo maghanap de hindi kana na surprise." Paliwanag nito habang nakatingin parin sa akin. Natawa nalang ako rito akala ko naman kung ano na ang ginagawa eh.

"Bakit kasi natanggal?" Tanong ko rito. Hinawakan ko naman ang necklace at pinagmasdan ang pendant nito. Napangiti nalang ako dito dahil napakaganda ng snowflake na pendant nito.

"Dapat kasi ibibigay ko na sayo tapos ayon nahulog ko pa." Kibit balikat na sagot nito.

"Nagustuhan mo ba?" Dagdag pa nito.

"Basta galing sayo magugustuhan ko, kasi mahal kita," napangiti ako ng makita kong nag iwas siya ng tingin. "Yung love ko kinikilig." natatawang kong asar dito.

Don't be, Ice • Promise#3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon