chapter 26: After rain

31 13 4
                                    

Warning!
___________________________________________

"Thank you for welcoming me Alton," paalam ko sakaniya.

"You're always welcome here, Ice," nakangiti nitong sabi, si Zacha naman ay natutulog na at napagod ata. Pinaandar ko na ang sasakyan. Napatingin naman ako sa oras at 8 pm. na pala akala ko ay mga 6 pm palang. Hapon na kasi akong nakarating sa kanila kaya saglit lang din ako at nakipagkwentuhan pa ako kay Alton. Ibang iba na talaga siya sa dating bastos na teenager noong college kami. Hahaha

Ayaw raw kasi niya mangyari sa anak niya ang mga ginawa niya sa mga babae niya dati. I think everyone deserves a second chance na magbago. Pero pag third, wala na siguro.

Naisip ko namang pumunta ng Heaven's ngayon. Ang alam ko si Circe na ang nagmamanage non dahil noong namatay daw ang tito niya na nagmamay-ari noon ay walang asawa at anak.

Hala. Magiging katulad kaya ako ng tito ni Circe namatay ng walang pamilya.

Ilang minuto ang lumipas ay nakarating na ako sa labas. Sa totoo lang ngayon lang ako iinom ng mag-isa at hindi kasama sila kuya. Dati kasi tuwing may small celebration dito namin sinecelebrate.

Bumaba na ako at dumiretso na ako sa entrance.

"Ma'am Aicel, susunduin n'yo na po ba si Sir Eiyen?" Tanong sa akin ng Bouncer. Kilala ako dati dahil siempre kaibigan namin ang may-ari.

"Why?" Napakunot ang noo ko rito.

"Kanina pa po kasi siya rito. Mukhang lasing na lasing na ho." ani nito. Agad naman ako netong pinadaan at pinasamahan pa sa kasama niya para ituro ang direksyon ni Eiyen.

Nakita ko naman siyang nakaupo sa sofa at nakadiretso ang kamay sa sandalan neto. Mukhang lasing na lasing nga.

"Eiyen?" Tawag ko rito.

Dahan dahan naman nitong tinaas ang ulo na kitang kita sa mata niya na lasing na lasing na ito.

"What are you doing here?" Paos nitong sabi.

"You, what happened to you?" Tanong ko sakanya. Medyo lumapit ako dito para sana maalalayan na siyang tumayo.

"You need to go home," ani ko rito at marahan lang ako netong tiningnan. "I'll take you home." Kinuha ko na ang braso neto at inakbay sa akin.

"You don't need to do that," ani nito habang nakapikit.

"Eiyen, let's go. You're too drunk, iuuwi na kita." ani ko rito habang hinihila siya pataas. Laking pasasalamat ko naman na kusa na siyang tumayo pero inaalalayan ko pa rin dahil baka matumba siya.

"Ma'am kailangan n'yo po ba ng tulong?" Tanong sa akin ng bouncer ng malapit na kami sa exit.

"No I can handle him." sagot ko rito tumango naman ito kaya dumiretso na kami sa labas.

"Akala ko ba ayaw mong nagpapakalasing Eiyen?" Tanong ko dito ng isinandal ko siya sa kotse ko para mabuksan ito.

"I feel so Worthless, baby," ani nito. Napabuntong hininga nalang ako rito. He still can't remember me.

Hays.

"Okay, you need to go inside I'll drive." inalalayan ko na itong makapasok at ako umikot sa driver sit.

I look at him he look miserable. Iyong buhok niya ang haba na rin.

Ano bang ginagawa mo Eiyen sa sarili mo?

Napailing nalang ako at pinaandar na ang sasakyan.

...

"Eiyen we're here," ani ko rito at marahan siyang inalog.

Don't be, Ice • Promise#3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon