It's been a couples of weeks nang huli kaming nagkita ni Eiyen. Masyado kasi siyang busy sa mga trabaho niya. Gusto niya akong puntahan pero alam ko namang pagod siya dahil meron pa sila ngayong bagong company na ALPHA kasama ang pinsan ni Troy.
Kaya naisip kong i surprise ko siya. Kinausap ko na ang secretary niya at sa Alpha raw siya madalas ngayon kaya doon ko siya pupuntahan.
"Hello?" Sagot ko sa phone ko nang tumawag sa akin si Eiyen.
"I miss you." Napangiti ako sa bungad nito sa akin.
"I miss you more."
"Pinagpaalam na kita kay Daddy Enzo, sa bahay ka matutulog mamaya. Susunduin nalang kita."
"Talaga? Hmm thank you and I love you so so so so much." Narinig ko pa ang mahinang pagtawa nito sa kabilang linya. Kinikilig nanaman siya. Hahaha.
"Gusto mo sunduin na kita?"
"Mamaya na medyo pagod kasi ako ngayon." Sagot ko rito, siempre kunyari hindi ako makakaalis ngayon dahil nga i susurprise ko siya.
"Sige, diyan nalang ako ngayong araw sasamahan kita?"
" Hindi na kailangan, mamaya nalang."
" Okay love, I love you, I have to go the meeting started."
"Sige galingan mo I love you more." Narinig ko pa ang tunog ng paghalik niya sa phone niya bago niya ito binaba.
Baliw talaga iyon. May meeting pala tapos gustong magpunta rito. Paano kaya kung pumayag ako? Sigurado akong iiwan noon ang mga kameeting niya.
"Hey buddy, pupuntahan natin si daddy ha?" Bahagya kong hinaplos ang med'yo malaki ng umbok ng tiyan ko. Marami ngang nagsasabi na baka raw kambal ito dahil five months palang ay ang lakilaki na.
Kinuha ko na ang cake na bi-nake ko para kay Eiyen. Wala lang trip ko lang, naisipan ki kasing magbake kahapon tapos nasarapan ako kaya na isip ko na i-surprise nalang si Eiyen.
Lumabas na ako sa bahay at dumiretso ako sa sasakyan ko. I'm so excited, miss na miss ko na rin yung lalaking 'yon. Hindi kasi kami pinayagan ni daddy na doon tumura sa kanila dahil hindi pa naman daw kami kasal. Hindi naman na ako tumanggi para wala ng away na mangyari.
Pinaandar ko na ang sasakyan at tumungo na ako sa Alpha. Napatingin naman ako sa cake ng bahagyang umalog ang sasakyan. Nakahinga ako ng maluwag ng hindi na sira ito. Kailangan kong magdahan dahan.
Agad kong inapakan ang preno ng makita ko ang pusa na patawid. Napahinga ako ng maluwag ng hindi ko ito nasagasaan. Hindi kaya ng konsensya ko ang makapatay ng pusa.
Hahaha
Napalingon ako sa kanan ko ng may malaking truck ang busina ng busina sa akin. Pinaandar ko agad ang sasakayan ko hanggang sa bigla nalang akong nakarinig ng malakas na tunog kasabay noon ang sakit na nararamdaman ko. Napayakap ako sa tiyan ko.
"We'll gonna be okay, baby."
Hanggang sa onti onti na akong mawalan ng malay.
...
"The father need to choose."
Napadilat ako nang marinig ko ang mga salitang iyon. Nakita kong may nakatapat na sa aking ilaw at may mga nakapalibot sa aking mga nurse at doctor.
"Doc," hindi ko alam kung may tunong pang lumabas sa bibig ko. Alam kong konti nalang ay mawawala na ako dahil sa sakit na nararamdaman ko. Hindi ko kayang hindi man lang makita ng anak ko ang mundo.
"S-save my ba-b-by." Napahawak ako sa necklace ko na binigay ni Eiyen. Ramdam ko ang sakit sa katawan ko hanggang sa loob, Pakiramdam ko hindi na ako tatagal sa kalagayan kong ito,
I'm sorry love. I think this is how our happy ending will end.
Eiyen's POV
"She'll gonna be okay, matapang si Aicel. Kakayanin niya 'yon." Napaharap ako kay Circe nang magsalita ito. Matapang nga si Ice, pero paano kung hindi kayanin ng anak namin.
Hindi ko alam kung panlalakasan ako ng loob noong nakita ko ang kalagayan ni Ice, puro siya dugo, and fuck I can't describe it. Kahit kailan hindi ko naisip na mangyayari ang ganoong bagay sa isang tao, tapos ngayon iyon pa ang sitwasyon ng babaeng mahal ko.
Lahat kami ay andito pati ang parents ko at ang parents ni Ice. Lahat kami naghihintay sa kaniya.
Iniisip ko nga na sana ako nalang ang nasa kalagayan niya ngayon, ayokong nahihirapan siya.
"Anak," napaharap ako kay mommy nang tumabi ito sa akin.
"She'll be fine," ani ko agad dito.
"Yes, at kailangan mong magpakatatag sa ano mang mangyayari. Huwag kang panghihinaan ng loob." Niyakap naman ako nito kaya yon din ang ginawa ko sakaniya.
"Where's the father?" Agad akong napatayo ng magsalita ang doctor, at lahat rin sila ay nagsunuran sa akin.
"The twins are okay, they're safe, " nakahinga ako ng maluwag ng marinig ko iyon.
"How about Ice?"
"Can I see her?"
"I am sorry, your wife choose the twins. Hindi kinaya ng katawan ng pasyente, ginawa namin ang lahat para maisalba ang buhay nila pero maraming komplikasyong nangyari sa loob ng katawan ng asawa mo." Marami pang sinabi ang doctor pero parang nabingi ako sa mga naririnig ko.
Napatingin ako sa paligid nakita ko ang magulang namin na nag-iiyakan na. Parang namanhid ang katawan ko sa sinabi nito. Ilang beses akong humugot ng hangin bago ko ito harapin muli.
Kumuyom ang kamay ko rito.
"Tangina, bakit hindi niyo ako kinausap?!" Kinuha ko ang kuwelyo ng doctor sa harap ko.
"Alam niyo ba ang ginawa niyo?! Pinatay niyo 'yong babaeng bumubuhay sa akin! Pinatay niyo 'yong dahilan ko para mabuhay, siya nalang ang nag-iisang taong nagmamahal sa akin ng buong buo. Pinatay niyo pa!"
"P*tangina!"
"Bitawan niyo ako t*ngina niyo!" Nagpipiglas ako sa hawak ng tatlo kong kaibigan.
"P*tanginang buhay ito, bakit niyo siya hinayaan na magdesisyon?!"
"Calm yourself Eiyen!" ani ni Troy. Lahat sila ay pinapakalma ako.
"Hindi niyo alam ang nararamdaman ko!"
"Wala kayong alam sa nararamdaman ko ngayon!"
"Eiyen kumalma ka, walang may gusto ng nangyari. Andiyan pa ang mga anak mo," narinig kong sambit ni Circe.
Naramdaman ko na ang pagpatak ng luha ko. Nanghina na ang buong katawan ko dahil sa sakit na nararamdaman ko.
"T*ngina, bakit si Ice pa, bakit hindi nalang ako? Bakit hindi nalang kaming dalawa?" Bumagsak na ako sakanila. Parang nawalan ako ng lakas.
"You killed her."
"You killed my snowflake."
BINABASA MO ANG
Don't be, Ice • Promise#3
RomanceEiyen Dashielle S.P Gonzales, back in his school days he is known as the greatest asshole and the most playboy over his three friends. After he graduated he deeply fell inlove on his friend's sister. He planned everything for their future but then e...