chapter 18: Names

50 17 13
                                    

Andito na kami ngayon sa venue ng birthday party namin ni kuya, in fairness maganda ito at malaki. Ilang minuto nalang ay mag-uumpisa na. Sumilip ako sa kurtinang tumatakip sa amin ni kuya. Ang dami na ring tao at mga naka maskara nga ito.

Of course it's a masquerade ball.

Bulong ko sa sarili ko.

"Aicel bakit nagdamit ka pa?" Napalingon ako kay kuya.

"Baka 'pag hindi ako nagdamit, magalit ka diyan kuya," ani ko rito.

"Brat," tinalikuran na ako nito at inayos ang suot niyang suit.

Duh?

Hindi ko naman kasi alam na ganito kasexy ang ginawang gown sa akin. Pero maganda naman siya I love it nga eh. I'm sure Eiyen will get mad when he see this. It's a Citro gown, backless, with high slit.

Hindi lang laste ang nalalagot pati ako.

"Kuya, asan sila Stella?" Agad naman itong humarap sa akin.

"Breast feeding," tipid na sagot nito.

"Bakit ba ang sungit mo sa akin? Birthday na birthday natin eh," ani ko rito at tiningnan lang ako nito na parang sinasabing bakit ko pa tinatanong 'yong bagay na 'yon.

"Nevermind," naupo nalang ako.

Kasungit sungit siguro nagtalo sila ng asawa niya. Kinuha ko nalang ang phone ko at nakita kong may nagmessage dito kaya agad ko itong binasa.

Eiyentot
Happy birthday, love, hope you like my surprise.

Napakunot naman ang noo ko. Wala naman siyang surprise eh. Lumingon lingon ako at baka may surprise na eh hindi ko pa napapansin.

Wala naman!

"Kuya!" Sigaw ko kay kuya ng biglang namatay ang mga ilaw.

"Kuya!"

"Kuya sumagot ka naman!" ani ko rito dahil hindi man lang magparamdam nakakainis.

Napapitlang naman ako nang may biglang may humawak sa kamay ko kasabay noon ang pagbukas ng ilaw sa tapat namin....

"Who told you that you're allowed to wear this kind of clothes?" Bulong nito sa akin mula sa likuran. Napangiti naman ng marinig ko si Eiyen at pinaikot niya ako kaya nagharap kami. Ramdam na ramdam ko naman ang paghinga niya dahil nakalagay ang aking kamay sa dibdib niya.

"Wag kang masyadong kikiligin ha?" ani nito at sabay namang nagbukas ang mga ilaw.

Hindi ko mapigilang magulat sa ginawa niya. Punong puno lang naman ng mga bulaklak ang backstage na ito at may balloons din na may nakasabit na pictures namin. As in punong puno talaga. Napakaganda nito.

"Eiyen," humarap ako rito at agad ko siyang niyakap.

"Do you love my surprise?" Tanong nito.

"Very, I love you," inabot ko ang mukha neto at binigyan ko siya ng halik. Agad naman niya itong sinagot.

Sometimes being inlove with the playboy is not a mistake. It's like a surprise in every second that you were together. I will never regret that my man is a former Playboy.

Napahinto naman kami ng may narinig akong tumikhim. Kaya agad ko itong nilingon I saw kuya looking at us. Hindi ko tuloy alam kung mahihiya ako dahil nakita niya akong nakikipaghalikan sa lalaking mahal ko. Kuya ko pa rin naman siya ayokong nakikita niya 'yong mga ganoong bagay.

"The party will start," ani nito.

"Okay Kuya," napangiwi naman ako nang si Eiyen ang sumagot. Feel na feel talaga niya ang pagtawag niya ng kuya sa kambal ko.

Don't be, Ice • Promise#3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon