chapter 9: Photoshoot

91 21 23
                                    

Andito kami ngayon sa isang company dahil ngayon ang photoshoot para sa gagawing magazine para sa amin. Hindi ko nga alam kung bakit napapayag nito ang apat na magkakaibigan at hindi ko rin alam kung bakit pati ako kasama, siguro ay dahil kambal ko ang isa sa kanila.

Sinabi rin kasi sa amin na para raw ito sa Young billionaire of the Year noong una nga ay natawa ako dahil nakita ko ang reaksyon ni Kuya nang malaman niya ito pero hindi ko alam kung anong deal ang nangyari at pumayag sila.

Napatingin naman ako sa kanila.

Nakita ko si Eiyen at Troy na nag-uusap. Hindi na ako pinansin ni Eiyen simula nong nangyari sa amin sa mall. Dahil sinabi ko sakan'ya na hindi tama ang mga sinabi niya na baka naguguluhan lang siya kaya niya sinabi iyon dahil tama ang sinabi niya na may sari sarili na kaming buhay. Kahit gusto ko na maging kami, alam kong hindi siya p'wede. At hindi pa nga namin natapos ang pagkain namin dahil may tumawag kay Lav na importante kaya iniwan na namin sila doon.

"Tita!" naputol naman ang iniisip ko ng tawagin ako ni Teo. Napangiti naman ako rito.

"Can you tell me what girls needs the most?" Napataas naman ang kilay ko sa tanong niya, "Ayaw kasi ni Mommy sabihin eh," dagdag pa nito at sinubo ang lollipop na hawak.

Ito talaga kabata bata pa eh.

"Girls needs a man that can make them feel loved everyday," sagot ko rito napangiti naman ito. Minsan talaga gusto kong tanungin si Owen kung ano ang mga tinuturo niya sa anak niya eh.

Sabay naman kaming napalingon ng bumukas ang pinto at lumabas doon sila kuya. Tumayo naman ako para lapitan ang babies nila. Ang cute cute kasi talaga nila.

"They really amazing," sabi ko kay Stella habang nakatingin sa kambal nila.

"Oo nga eh," sagot naman nito at kinuha si Aella sa yaya nito.

"Hey Aella why you looked like your daddy, you look so masungit talaga," nakanguso kong sabi dito. Si Stella naman ay natawa at napatingin sa asawa niya na nakikipag usap sa mga kaibigan neto.

"Kaya nga palagi ko siyang kinakausap," sabi naman ni Stella sa akin. Nginitian ko naman ito.

"And you little buddy," baling ko naman kay Aece na nakangisi agad.

"Always talk to your sister huh," sabi ko pa rito at gumawa naman siya ng ingay na parang naintindihan niya ang sinabi ko.

"Uuwi na kami Aicel," paalam ni Kuya sa akin tumango naman ako rito at nagpaalam na ako kila Aece at Aella.

"Sige Aicel," paalam din sa akin ni Stella.

"Tara na rin Ai," narinig kong sabi ni Circe mas nauna kasi sila kila kuya at baka hinintay lang din nila ito para makauwi.

Napasimangot naman ako dahil maiiwan akong mag isa.

"Ipapasundo nalang kita," sabi pa ni kuya sa akin.

"No need kuya, I have my own car, remember?" nakangiti kong sabi dito. Tumango naman ito at umalis na sila.

"Dr. Troy Roynalds you're next." Pormal naman na tumayo si Troy ng siya ang susunod.

Kinuha ko nalang ang phone ko dahil alam ko namang hindi ako papansinin ni Eiyen at kung papansinin niya ako sure akong mahihirapan lang din ako kaya mas okay nang 'wag magpansinan.

"Are mad at me?" Laking gulat ko nang marinig ko ang boses niya kaya naman napaangat agad ang tingin ko rito.

"No, why?" Tanong ko rito.

"Because of what happened last week, hindi na ulit kita nakita I thought you're mad at me," sabi nito at lumapit sa akin.

"Wala naman kasing dahilan para magkita tayo," sagot ko rito at siya ay nakatingin lang sa akin. Malamlam na malamlam ang mga mata.

Don't be, Ice • Promise#3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon