Nagising akong may nakayakap sa akin kaya agad akong napabalikwas ng tayo, at nakita ko si Eiyen na lapit na lapit saakin.
"Eiyen," gising ko rito.
"Hmmm?" iyon lang ang isinagot niya sa akin at pilit akong inaabot para yakapin.
"Eiyen," ani ko ulit dito at bahagya kong hinampas ang kamay niya.
"Let me sleep," ani nito at umayos ng higa.
Ano ba nangyari kahapon?
.
.
.
.
.Shit!
Naalala ko na.
Bakit ko ginawa 'yon? Nakakahiya, dapat hindi na ako naglaro sa ulanan. Napatingin naman ako sa suot kong damit,
Iba na ito.
Parang nabunutan ako ng tinik nang maalala kong sila sister ang nagpalit sa akin.
Napatingin naman ako sa mukha ni Eiyen na mahimbing na mahimbing na natutulog. He really has a kissable lips that every woman wants to taste.
Napailing naman ako para mawala ang mga iniisip kong 'yon.
Shit. Kasalanan na ba itong ginawa ko? Paano pagnalaman ito ng girlfriend niya na natulog siya sa tabi ng isang babae.
Mistress na ba ako nito?
Hala hindi ko pinangarap maging ganoon.
Pero hindi, baka tinabihan lang ako ni Eiyen dahil may sakit ako at walang malisya sakanya 'yon. Over Acting lang ako. Iisip ko nalang na aksidente lang pumalupot ang braso niya sa akin.
Aksidente lang ang nangyari na ito. May sakit lang ako kaya nangyari ito.
Lumabas nalang ako ng k'warto para makapag isip ng maayos.
Nakita ko naman na ang pinasukan ni Eiyen na k'warto kahapon ay bukas at nakikita ko na may bata rito kaya agad ko itong nilapitan dahil mukhang may inaabot siya na hindi niya maabot.
"Hey." Sumilip muna ako sa pinto niya at siya naman ay medyo nagulat pa sa akin. "I'm your kuya Eiyen's friend," pakilala ko rito at nung sinabi ko iyon ay nginitian niya na rin ako.
"Hi po, hindi ko po kasi maabot," ani niya sa akin at pilit na inabot ang baso ng tubig na naroroon. Agad naman akong lumapit para iabot ito sakanya.
"Ano po ang pangalan n'yo?" Tanong nito sa akin ng matapos siyang uminom.
"I'm Aicel," sagot ko rito inikot ko naman ang paningin ko at nakita ko na may wheelchair doon. Siguro ay sakanya iyon.
"Ako po si Flor," nakangiti pakilala niya sa sarili niya.
"How's your feeling?" Tanong ko rito dahil ang alam ko ay nagkasakit siya kaya pinapunta si Eiyen dito.
"Okay na po ako," nakangiti nitong sabi.
"Kayo po ba 'yong sinasabi ni kuya Eiyen na Ice." Napalingon naman ako sa kanya ng sabihin niya iyon.
"Crush po kasi kayo ni kuya Eiyen," natatawa nitong sabi kaya napangiti na rin ako dahil doon. "Wag niyo po sasabihin na sinabi ko," dagdag pa nito.
"Lagot ka doon," pagbibiro ko rito.
"Ma'am Aicel kukuhanin ko na po si Flor," sabay naman kami napalingon nang may nagsalita sa pinto.
"Oh sige bye na Flor," ani ko kay Flor kaya lumabas na rin ako.
Napunta ako sa may hardin at pinagmasdan ko nalang ang mga buhay na buhay na halaman dito.
BINABASA MO ANG
Don't be, Ice • Promise#3
RomanceEiyen Dashielle S.P Gonzales, back in his school days he is known as the greatest asshole and the most playboy over his three friends. After he graduated he deeply fell inlove on his friend's sister. He planned everything for their future but then e...