chapter 16: Diapers

60 17 13
                                    

"I need to fix something first, but I promise after this you'll be mine, forever.

"What?!" Nakataas ang kilay kong tanong dito.

"I need to talk to Mommy Einah and Daddy Enzo also to our kuya," natawa naman ito nang sabihin niyang Our Kuya.

Baliw.

"I think, I need to court you again. Mukhang mahihirapan na naman ako sa KUYA NATIN," napairap naman ako sa sinabi niya akala ko may babae nanaman siya eh.

"Tara na," ani nito.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko rito.

"Sainyo."

"Kakausapin ko na sila, para matapos na ang shitty na ito. I want to be with you, 'yong hindi nagtatago, you don't deserve to be hidden. You should know that," Inakbayan na ako nito at iginiya sa sasakyan niya.

"May dala akong sasakyan Eiyen." Huminto naman siya at tiningnan ang sasakyan ko.

"Ipapakuha ko nalang," ani nito at isinara na ang pinto at agad na umikot sa driver sit.

"Do you want to eat first?" Tanong agad nito sa akin.

"Busog pa ako," tiningnan naman ako nito na parang hindi makapaniwala. Kaya inirapan ko nalang ito.

Ano akala niya saakin walang kabusugan?

"Madali lang palang kausap 'yong parents ni Nea, bakit hinayaan mo pang magpanggap kayo?" Tanong ko rito, nilingon naman ako nito saglit at binalik na ulit sa daan.

"Hindi sila naniniwala sa akin pati nga kay Lav ayaw nila maniwala dahil Saavedra raw ito," napakunot naman ako sa sinabi niya.

Ano naman kung Saavedra si Lav?

"Saavedra is one of the biggest drug lord before pero wala naman na 'yon dahil hininto ng lolo ni Lav," ani nito. "Sama ka ng sama kung kanikanino hindi mo naman pala alam ang background nila," iiling iling na sabi nito.

Hindi naman kasi mukhang drug lord ang pamilya nila.

"Eh bakit sayo, hindi rin naniwala?"

"Like Nea's said I'm the greatest Asshole, kaya lang naman nakinig sa'yo 'yong tatay ni Nea dahil may past sila ni Mommy Einah. He really likes your mom, before." Napataas naman ang kilay ko dito. Bakit ba alam niya yung mga bagay na 'to?

"Bakit ang dami mong alam?"

"Because Stalking is my hobby. Especially kapag nakakasama mo," ani nito.

Eh bakit hindi niya nalaman 'yong sakit ko? Pero hayaan nalang, wala naman na akong balak sabihin sakanya gaya nga ng sinabi niya we should make our new memories and we need to start over again.

Napaisip tuloy ako sa sinabi niya kanina. Si Mommy at 'yong Daddy ni Nea may past? Paano kaya kung sila ang nagkatuluyan. Grabe pala magkakakilala na rin sila kahit dati pa.

.....

"We're here," bumaba na ito at pinagbuksan ako ng pinto.

"Huy kinakabahan ako," ani ko rito, hinawakan naman niya ang kamay ko.

"Don't be, Ice," sabi nito at iginiya na ako papasok na parang walang kakaba kaba.

Hayss.

"Oh hijo kanina pa andito ang parents mo," napatingin naman ako kay mommy ng magsalita ito.

Huh?

"Sige po Mommy Einah," ani nito sa mommy.

Kung nagtataka kayo kung bakit Mommy Einah ang tawag niya kay Mom, bata palang kasi si Eiyen ay kakilala na namin siya kaya nasanay na rin siya sa mommy Einah at sabi din ni mom ay yun ang itawag sakanya.

Don't be, Ice • Promise#3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon