Flashback: Lake

40 15 8
                                    

Ilang taon na rin matapos kaming makagraduate at ako ito ang boring ng buhay ko dahil ayaw akong pagtrabahuhin ni kuya. Pero wala naman siyang magagawa. Marami ngang kumukuha sa akin bilang Coordinator nila sa party or sa mga kung ano ano pa. I love my job, gusto ko na ngang magtayo ng isang company na sarili ko. Sinabi ko na nga kay kuya, kaya lang masyado pa raw maaga para sa ganoon. I need to learn more pa raw. Kaya hindi na ako tumanggi siya naman ang nakakaalam about sa mga ganoon bagay.

Napatingin naman ako sa kasama ko na feeling pogi habang umaahon sa lake na madalas naming puntahan. Ewan ko ba sakanya bakit palagi niya akong sinasama rito. Lalo tuloy kaming naging close kahit na konti nalang ay magpatayan na kami noong college.

"Ito oh, dini-display mo na naman 'yang taba mo," hinagis ko rito ang towel na nasa gilid ko.

"You're free to touch it," tumataas baba ang kilay na sagot nito at dumiretso ito sa legs ko ay nahiga doon. Pumikit ito na para bang puyat na puyat.

Sa tagal na naming nagkikita na hindi alam ni kuya dahil alam kong pagbabawalan ako non 'pagnalaman niyang sumasama ako kay Eiyen. Pero ewan ko ba gustong gusto ko siya kasama kahit na puro asaran lang ang ginagawa namin.

Alam mo 'yon, 'yong sobrang komportable ko na sakanya. Kahit nga pag-utot niya shine-share niya sa akin eh. Pero parang wala lang saamin iyon. Hindi ko alam kung hanggang ganito nalang kami, hindi ko alam kung may balak siyang i level up itong pagkakaibigan namin. Ayoko namang magfirst move duh. I'm Aicel Briella Dela Cruz I never beg for someone's attention p'wera nalang kung si kuya na iyon hahaha.

"What are you thinking?" Napaiwas naman ako ng tingin sa mukha niya ng magsalita ito.

"Nothing," ani ko rito at pinagmasdan nalang ang lake na nasa harapan namin. Napaka peaceful talaga ng lugar na ito.

"Don't lie, Ice. I know you so well," tumayo ito at tumabi sa akin. Isinandig ko naman ang ulo ko sa balikat niya.

"Wala nga," asik ko rito at pumikit nalang ako.

Kasi eh kahit na labas kami ng labas na dalawa meron pa rin siyang ka date na iba. Ano ako reserba pag wala siyang mahanap na babae. Minsan nga gusto ko nalang hablutin yung buhok ng mga babaeng nakikita kong kasama niya sa picture. Eiyen is really famous dahil model siya. Nakakalat ang pictures niya sa billboard at kung saan saang magazine. Kaya nga sa tuwing may makaka-date siyang babae nakapost or nagagawan ng article. Hindi ko nga alam kung bakit ako lang ang hindi nailalabas na naging chix niya. Minsan nga iniisip ko sana ako rin mailabas sa isang news na kasama ang isang Eiyen Gonzales.

Shit.

Ano ba itong iniisip ko?

Hindi naman siguro ako nagseselos.

Selos?

Nag-echo naman sa tenga ko ang salitang iyon.

Oh my god!?

Nagseselos ako?

"Problema mo?" Napaayos naman ako nang magsalita si Eiyen.

"Wala," ani ko rito at tumayo na ako. Agad kong hinubad ang dress na suot ko dahil naka ready ako palagi tuwing pupunta kami rito. Dumampi naman sa balat ko ang lamig ng hangin kaya agad na akong tumungo sa tubig.

Kailangan kong mag-relax.

Nilubog ko ang buong katawan ko sa tubig para naman mawala ang mga iniisip ko.

Nangmalapit na akong kapusin ng hininga ay dahan dahan akong umangat.

"Shit!"

Montik pa akong mapatalon nang makita ko si Eiyen na nasa harapan ko at dikit na dikit sa akin. Kaya naman lumayo ako dahil one inch lang ang layo ng mukha namin.

Don't be, Ice • Promise#3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon