Chapter 1: Heaven

35 2 0
                                    

   Banayad na simoy ng hangin, Mga nag tataasang mga puno na pinapalibutan ng namumulang mga prutas na tinatawag na Magnu(Mansanas ang itsura), Asul na dagat nakumikinang dahil sa mga ibat ibang uri ng isda na nagbibigay liwanag at ilaw sa mga palikpik ng isda, Ang Dagat na pumapalibot sa isang kaharian na Pinaghalong puti at gintong pilak ang kulay ng kaharian. Mula sa mga taong naka suot ng purong puti habang may ginto sa kanilang mga noo samantala sa babae naman ay Parang hairpin na gintong pagaspas naka kulay puti din itong tela na nag sisilbi nilang damit.
Mga huni ng ibon na nagsisilbing musika sa buong kaharian nasinasabahan ng mga mahihinhin na tawanan at kwentohan ng mga tao na naninirahan sa dito.
Mula sa mga kanilang ginagawa ay tumunog ang isang kampana na nag sasabi na paparating ang matataas na nilalang.

Mula sa magulong tungo ng mga tao ay nag bigaydaan at humanay sila ng dalawa bilang pag bibigay puri sa paparating.  Sa bawat hakbang ng pitong taong naglalakad ay sumisigaw ng kapangyarihan, Ngunit merong itong mala angel na mukha at ngiti na nagbibigay galak sa mga taong nakahanay at mas nagbibigay puri sa papamagitan ng pagtungo ng mga ito na kilala bilang ArcAngels.

   Mula sa pitong matataas na dumating ay humanay din sila bilang pag bibigay galang sa tatlong nasa mid40's na mga kalalakihan at may mga balbas na itong puti sa baba nito, napupuno ng mga ginto ang ulo st damit nito sapat na para mas bigay ito ng kapangyarihan tinatawag na Head Guardian.
Pagkatapos ng pag bibigay puri ay tumungo na ang mga ito sa  pag sasalo. Para magkasiyahan at mag kasamasama sa tuwing darating ang mga nakakataas mula sa mga misyong pinagagawa sa kanila. Naging masaya ang kanilang pag sasalo ng biglang isang balita ang nag pagulo ng kanilang masyaang salo salo.

Humahangos na dumating ang Isang guardya sa mga headguardian nag iba ang istura nito.
Nag bigay puri ito bago bumulong dito.
" Nakatakas po ang mga peccatum"
sa narinig ay agad itong tumayo kasunod ang dalawa pang mga tao na sinundan nin ng pitong arcangels.Dahil ang balita ay hindi kaaya aya at isa pa isang kabastusan sa kanilang Ama ang ginawa ng makasalanang Angel na mga iyon.

   Mula sa puting Silid naandoon ang limang peccatum Angels, Nakapalibot sila sa isat isa na magkakahawak na kamay, Mayroon silang binabanggit na kakaibang dasal at makaraan pa ang ilang minuto ay nagliwanag ang kanilang paligid at dinag tagal ay binalot sila ng puro itim na usok.

Parang sinusunog ang kanilang katawan habang bumubulusok sila pa ibaba parang may isang portal na humuhugot at patuloy silang nahuhulog sa kawalan na hindi nila alam Parang binabalot ng ibang enerhiya ang kanilang katawan at the next thing ay nilamon ang Limang peccatum ay nilamon ng kakaibang liwanag. 


*****************
 
                        AFTER 20 YEARS

Nag kakagulo ang paligid habang naka abang lahat ng tao habang may hawak na ibat ibang klase ng mga camera na handang mag capture ng ano mang moments habang naka abang sa isang building. Hindi nagtagal ay Mayroong napakagarang sasakyan, ng bumukas ang pintuan ay lalong mas nagkagulo ang mga tao ng unti unting Bumaba ang taong nasa loob ng sasakyan. Doon niluwa ang isang babaeng may magandang hubog ng katawan, Mala angel na mukha na sa kaunting ngiti lang nito  ay siguradong mahuhumaling ang kahit sino, Dahan dahan syang naglakad habang inaalon ang kanyang buhok, Nagpakawala sya ng sweet na ngiti at daham dahang Tinangal ang shade na suot nito. Mas lalong nagkagulo ang tao ng mag simula itong mag lakad papasok sa loob ng building nito.
Mahigit ilang minuto din ang tagal bago makawala ang magandang dilag sa mga taong nag pupumilit na makalapit ang makakuha ng litrato sa kanya. 

Nang makapasok na sya sa elevator kasama ang kanyang manager, ang mga ngiti sa kanyang mukha ay unti unting nawala at pasalampak nyang inayos ang nagulo nyang buhok.

"Tissue please"
Saad ng dalaga sa manager nya, na agad namang binigyan ito. Hindi na sya nag abalang mag pasalamat at pinunasan ang iilang ilang pawis na namoo sa kanya at ang mukha nito.
Bakas sa mukha ng dalaga ang pag ka inis at pagkairita nito.

Angelus AmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon