Hindi natulog si Elisha dahil hinihintay niyang puntahan siya ulit ni Oxomon, at hindi nga ito na bigo dahil ng sumapit ang 1 ng madaling araw ay naramdaman niya ang presensya ni Oxomon sa kaniyang kwarto.
Ramdam nito ang mga titig ng lalake para sa kaniya, hanggang sa maramdaman nito ang pag alon ng kama na parang may upo dito.
Hindi na siya nag aksaya ng oras at agad niyang tinapon ang kaniyang sarili sa katawan ni Oxomon.Tila naman natuod si Oxomon sa biglang pag yakap ni Elisha sa kaniya, pero di kalaunan ay gumanti rin ito ng yakap dahil narin sa pagkamiss nito dito.
Mas isiniksik ni Elisha ang kaniyang sarili habang walang bukas ito kung yumakap kay Oxomon, tila ito na ang pinaka huli sa kanilang lahat.
Nag tagal pa sila ng ilang minuto bago nag hiwalay ang kanilang mga sarili.
Nakakunot ang noo ni Oxomon habang tinitingnan ang mukha ng babae.
"Elisha anong nangyari?"
Umiling naman ang dalaga at nag pakawala ito ng malaking ngiti.Binigyan niya ng isang mabilis na halik sa labi ang lalake, hindi naman nakalampas ang pagkagulat nito at ang pamumula ng kaniyang tenga.
"Nothing, I just miss you so much"
Puno ng pag susumamo ang boses ni Elisha habang tinitingnan ang mukha ng lalake na para bang sinasaulo nito ang perpektong mukha ng lalake.Tila hindi mapigilang mag taka ng lalake dahil bigla bigla nalang lumambing ang babae na para bang kailan lang kung paano siya nito ipagtulakang palayo.
"Ano bang nan-"
Hindi na ituloy ng lalake ang kaniyang sasabihin ng pigilan ito ng mga daliri ni Elisha." Can you do me a Favor?"
Tumango ang lalake.
"Lets date."
Naka ngiting sabi ng babae habang hinawakan ang kamay ng lalake at pinaglaruan ito."Mag dadate tayo, kaya kalimutan mona natin ang problema natin, kung sino tayo, kung ano tayo. Gusto ko mag date tayo na ang iniisip lang kung paano natin ipaparamdam sa isat isa kung gaano natin kamahal ang isat isa. Yung isang normal na lovers lang, Game kaba?"
Nanunubig ang mata ni Elisha habang sinasabi niya iyon kay Oxomon, habang ang lalake naman ay nalulungkot pero at the same time gusto rin niya ang sinasabi ng babae kahit mayroon siyang masamang kutob kung bakit bigla nalang nag yaya ang babae.
Nagbigay ng isang malawak na tingin ang lalake bago ito tumango, labis ang tuwa ni Elisha kaya muli niyang niyakap ang lalake.
Hinalikan naman sa noo ni Oxomon ito.
********
Mag kahawak kamay silang nag lalakad sa park habang nag ngingitian, litaw na litaw ang kasiyahan sa kanilang mata lalo na ang kanilang suot na ternong terno.Parehas silang naka pink na t-shirt na may tatak na "lovers"parehas rin sila ng sapatos na si Elisha rin ang nag sabi.
Kumakain sila ng Icecream habang nag babaybay sa parke, nagawang ilalit ni Elisha ang Ice Cream sa ilong nito at mabilis na sinundan ng labi ni Elisha kaya halos matuod ang katawan ni Oxomon.
Halos mawalan naman ng ulirat kakatawa si Elisha dahil sa priceless na mukha ni Oxomon.Napangisi si Oxomon
"Pinaglalaruan mo ba ako? Humanda ka sakin!"
Tawa parin ng tawa si Elisha, ng nag umpisang tumakbo si Oxomon ay tumakbo na rin siya.
Tawa lang sila ng tawa habang nag hahabulan sa mapunong parte ng parke.

BINABASA MO ANG
Angelus Amare
FanfictionANGELOS AMARE ANGELOS AMARE IS A FORBIDEN LOVE BETWEEN HEAVEN AND HELL. FOR LOVE WE CAN KILL AND BROKE APART. WE CAN FIGHT EVEN THE LOVE IS FORBIDEN AND THE WORLD AGAINST FOR IT