Chapter 50: Postscript

4 1 0
                                    


    Dahan dahang lumapit si Reilo sa wala ng buhay na si Oxomon, pikit mata niya itong binuhat atpinag laho ang kanilang mga sarili.

********
    Sa napakadilim na bahagi ng silid, ay may roong babaeng naka baluktot, umuusok ang bakal na kulungan ng babae dahil sa matinding init ng kanyang kinaroroonan samahan pa ng ang ilalim ng kulungan ng babae ay kitang kita ang kumukulong tubig at iilang apoy na lumalaki at lumiliit.

   Tinakpan ng dalaga ang kaniyang tenga dahil sa walang tigil na pag sigaw ang naririnig niya. Walang katapusang sigawan na parang hirap na hirap, nag landas ang mga luha ni Averia habang inaalala ang nangyari sa kaniya.

  Anong nangyark kay Oxomin? Kamusta na siya? Ano kayang ginagawa niya.

   Alam ng dalaga na ikululong siya ni Diverio at tanggap nya iyon. Tanggap na niya ang kapalarang iyon, handa na siyang mamatay araw araw, marinig ang mga pag hihinagpis ng ibat ibang boses.
Ang pagkasunog ng buo niyang katawan, handa na siya handang handa na siya.

  

     Sa nanlalambot na katawan ng dalaga ay nagawa parin nitong makatunghay kitang kita ang mga paso nito sa balat dahil sa mga nag tatalabsikang tubig sa ilalim ng kaniyang kulungan.

   "Anong nangyari kay Oxomon?" Panimula ni Elisha ng maramdaman niya ang presensya ni Diverio.
Nag pakawala ng tawa ang naglalagablab na apoy.

"Ano?!"
Ulit ng dalaga.

Napasigaw sa sakit si Elisha ng  nag sitalabsikan ang mainit na tubig mula sa ilalim ng kaniyang kulungan.

  "Huwag mo akong sigawan!"

Hindi naka imik ang dalaga sa halip ay inulit nito ang tanong sa apoy.

  "Haha ano pa nga ba ang aasahan mo, Wala na siya. Patay na siya at alam mo kung bakit? Dahil sayo! Hahaha"

    Parang naubusan ng lakas si Elisha dahil sa narinig nito, naglandas ang luha sa kaniya habang inaalala ang mga huling sandali.

"Hindi maari" mahinang usal nito.
"Oxomon!"

Nag pakawala ng napakalakas na tawa si Diverio ng marinig ang paghikbi ng dalaga tila isang musika sa kaniya ang marinig ang pag hihinagpis ni nino man, paborito niya ang mag laro at mag pahirap dahil doon siya sumasaya at ang pag lalaro niya kay Elisha ay isa sa mga paborito niyang alaala dahil kakaiba ito at totoong nagustuhan niya ang palabas.

    Mga inutil lang ang naniniwala sa pag ibig, ang pag ibig ang papatay sa inyong lahat.

   Nag pakawala ulit ng napakalakas na tawa ni Diverio na rinig na rinig sa kulungan ni Elisha.
Naiyukom ng dalaga ang kaniyang kamao at dahan dahang pinakalma ang sarili.

    Hindi nag tagal ay ngumisi si Elisha, kakaibang ngisi ang kaniyang pinakawlaan.

"Babalik ako, humanda ka sakin "

      Unti unting nagkaroon ng itim na tinta ang kanang braso ni Elisha, tila ugat ito na kumakalat sa buo niyang braso. Saglit na naipikit ng dalaga ang kaniyang mata dahil sa senhasyon na naramdaman niya.
   Sa muling pag mulat ng dalaga ay bumungad ang purong itim na mata nito walang naligaw na puti.

    Ngumisi ito.

         THE END.

******************

   
                Thank you sa mga naka abot ng ending, sa totoo lang marami akong sinimulang story at ito ang first ever na natapos ko na hindi ako tinamad hahahaha:)

  Kaya sana nagustuhan niyo ang story ko, kahit baguhan palang ako at maraming lame na words na place na convo and etc. Please support my story and I hope guys na enjoy nyo.

   Sa mga nag tatanong ng ending ei hindi talaga sila nag katuluyan walang happy ending dahil gusto ko! Charrrr! Haha kase guys hindi naman lahat ng mala fiarytale story ay na uuwi sa happy ending minsan tragic. Saka fiction lang to malay natin may part 2 diba?

    Sa yon talaga sana nagustuhan nyo, Pleasee Support my story.

  V Follow my wattpad account and Vote my stories.

   Thank you so much sa mga naka abot ng ending part:)

Iloveyou:)

Thank you and Godbless ppl:)

*********

Icarusstories
 

Angelus AmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon