Muli akong nakaharap sa napakalaking naglalagabgab na apoy.
Hindi kona alam ang gagawin ko at wala na kong ibang na iisip na paraan kung hindi ito.
Hindi kona nagawang mag paalam kay Oxomon kase baka hindi ko magawa, baka mag bago ang isip ko kapag na kita ko sya.Patuloy lang sa paglandas ang aking luha habang pinag mamasdan ang naglalagablab na apoy.
"Isusuko mo na ba ang iyong sarili?"
Tumango ako dito.
Agad itong tumawa ng nakakakilabot atnakaka tindig balahibo."Kunin mona ako"
Saad ko dito, hindi ko alam kong narinig nya dahil sa sobrang hina ng pagbigkas ko."Hahaha nakakatuwa kang pag masdan"
Hindi ko pinansin ang sinabi nya, sa halip ay nakatitig lang ako sa apoy.
"Kunin mona ako"
Pag uulit ko dito."Hahaha, Hindi pa ako masyadong na tutuwa sa aking nakikita"
Napayukom ang aking kamao, anong tingin nya nakikipaglaro ako? Ano ba sa tingin nya ako? Isang laruan?
"Ano bang gusto mong mangyari?! Hindi bat ito nako at isusuko kona ang sarili ko sayo?!"
Sa halip ay isang nakakahindik na tawa ulit ang pinakawalan nito.
"Hindi pa ako kontento, ngayong hawak ko ang buhay mo gusto kong maghirap ka, gusto kong mamatay ka sa sakit, gusto kong makita kung ano ang gagawin mo sa oras na papiliin ka"
Tumayo ako sa pag kakaluhod, sa sobra kong galit ay lumapit ako sa apoy pero agad din akong tumalsik at napahiga sa lupa.
Nakapalakas na tawa lang ang aking narinig.
"Hindi pa ba sapat ang nakikita mo? Nahihirapan na ako! Ano pa ba ang gusto mong manyari?!"
"Hahaha anong pag hihirap? Wala pa sa kalingkingan ng pag hihirap mo ang mararanasan mo sa mga susunod na araw, siguradong luluha ka ng dugo, hahaha hindi ako makapag hintay na makita sa ganong karamdaman"
Napakunot ang noo ko.
"Anong ibig mong sabihin? Ano?
Anong binabalak mo?!"Tumawa ito na para bang napakalapit sa akin, kung una ay nag titindigan ang balahibo ko sa tuwing naririnig ang tawa nya.
Ngayon mas na nunuot sakin ang galit dahil pinag lalaroan ako ng demonyong ito."Binabalak? Wala akong binabalak hahaha gusto ko lang makita ang naging resulta ng katangan ng isang angel kagaya mo hahahaha"
"Damn it! Tumigil ka kakatawa! Kuhanin mo na sabi ako ei! Ano ba!"
"Wag kang mag alala darating din tayo diyan, pero ngayon ang gusto ko ay damhin mo ang resulta ng iyong desisyon hahahaha"
"Argh! Ahhhhhhhh!"
Para akong kinokoryente ng may biglang pumalibot na apoy sa aking paligid, hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman para akong nasusuka, naliliyo na hindi ko maintindihan. Parang may pumapasok ng kakaibang kuryente sa buo kong katawan, hanggang sa maramdaman ko ang malamig na lupa at ang unti unting pag pikit ng aking mga mata."Ngayon mag uumpisa ang palabas hahaha"
Rinig kong saad nito bago ako tuluyang dumilim ang paligid at naramdaman ko ang pamilyar na senhasyon, ang pakiramdam na nahuhulog ako sa walang katapusang balon at puro kadiliman.
**********
"Anong nangyayari Reilo?"
Pero hindi nya ako sinagot, sa halip ay Ipinikit nito ang kaniyang mata tila pinapakiramdaman nya ang paligid.

BINABASA MO ANG
Angelus Amare
FanfictionANGELOS AMARE ANGELOS AMARE IS A FORBIDEN LOVE BETWEEN HEAVEN AND HELL. FOR LOVE WE CAN KILL AND BROKE APART. WE CAN FIGHT EVEN THE LOVE IS FORBIDEN AND THE WORLD AGAINST FOR IT