Chapter8: Offer

6 1 0
                                    


          ELISHA DE LEON

   BWISIT talaga na buhay to oh. Hindi nanaman nya ako pinapatulog. Tiningnan ko ang Oras at pasado 3 am na ng umaga pero ito ako luwang luwa padin ang mata ko. Na eestress nako, Padabog kong binato ang unan sa lapag at tumungo sa dressing room.

Nag palit ako ng damit pang jogging, Mukang hindi naman nako makaktulog mabuti pang mag pakapagod nalang baka sakaling makatulog ako pagkatapos nito. Nag suot ako ng blackleggins at big long sleeve. Hinablot ko ang Black cap st black mask ko, Sinuot ko din ang white shoes ko at head set. Pagkatapos kong eset up ang sarili ko ay nag simula nakong mag jog.
Ang ruta ko ay patungo sa park dito na lagi kong pinag jojoggingan.
Ang malamig na hangin ay dumadampi sa aking mukha kahit naka mask ako. Ang sarap sa pakiramdam ng ganito tahimik ko lang pinapakinggan ang tugtog ng headset ko habang patuloy na tinatahak ang patungong park.

Napasapo ako sa mga tuhod ko at umupo sa isang tabi 5:10 am na bago ako makarating sa park na ito. Tagaktakan nadin ang pawis ko lalo nat may mask pakong suot. Tiningnan  ko ang paligid, Wala namang tao sa parteng ito kaya agad kong tinanggal ang mask at cap ko.
Shit ang sarap sa pakiramdam ng hangin na dumadampi sa aking mukha st balat.  Nandito ako sa malayong parte ng parke kung saan may isang punong sobrang lake at sa baba nito ay ang isang upuan habang tanaw dito di kalayuan ang manila bay at mga nag tataasang bahayan.
Lumagok ako ng tubig at dahan dahang tinungo ang upuan para makapag pahinga.    

Napatigalgal ako ng makitang may taong nakahiga doon at natatakluban ang mukha ng dyaryo. Tiningnan ko ang damit nito, its really familiar huh.
Kawawa naman tong lalakeng to, mukang nalaseng at dito nag palipas ng gabi, Mukang mayaman ito base nadin sa suot nito. Napa iling iling nalang ako at tatalikod na sana ng dahan dahan tumayo ang taong nakahiga at nalislis ang dyaryong nakatabing sa kanyang mukha.

Tila naging mabagal ang paligid, Tila natuyo ang aking lalamunan, Habang dahan dahang itoy nalaglag. Tila nag slow motion ang paligid ng dahan dahan itong tumingin sa akin. Napalunok ako ng makita ang kanyang muka, Mula sa magulo nyang bubok patungo sa pinagsingkit pa nyang mata, ang ilong nyang mstangos ang mapupulang labi na kanya pang kinakagat kagat. Shit! Ano kayang pakiramdam ng kagat n-- What the hell!!
Agad akong umatras, Ngunit umabante ulit. Ngunit muling umatras abante, atras ab--

"Anong ginagawa mo?"
Tila natigil ako sa ginagawa ko ng makitang nakatayo na sya at tinitingnan ako na parang ang wierid weird kong tao. Nang mapagtantong sya nga ang taong ito ay mabilis pa sa alaskwatrong nilapitan ko sya.

"A-aray! Para saan iyon?"
Tanong nya pero malumanay padin ito habang hinahawakan amg pisnge nyang suntok ko. What the hell hindi manlang sya gumalaw sa pwesto nya. Amg lakas kaya ng suntok ko tapos hindi manlang sya gumalaw!

"Nakikilala mo pa ako?"
Napatawa ako, Natatanga ba sya? Bat ko naman sya makakalimutan ei sapul na mag tagpo ang landas naming dalawa ay hindi na nya ako pinatahimik !
Agad ko syang kenewelyuhan at taimtim na tiningnan.
" Are you stupid?! Bakit naman hindi kita maaalala ha! E sapul na mag tagpo ang landas natin ay ginulo mona ang pag iisip ko ! bwisit ka! Ilang beses akong nasigawan ng director ng dahil sayo! Ilang beses akong napagod sa trabaho ng dahil sayo! Muntik ng masira ang career ko ng dahil sayo! Muntik ng masira ang utak ko dahil sayo! At hindi ako makatulog ng maayos ng dahil sayo! Alam mo ba yon ha! Sige nga paano kita makakalimutang Bwisit ka! You son of the devil!"

Hingal na hingal kong saad sa kanya.
Dahan dhaan naman nyang tinangal kamay kong nakahawak sa kanyang kwelyo.  Gulat na gulat ito. Napa atras ako ng marealize ko ang mga pinag sasabi ko sa kanya.

"Hindi ako anak ng demonyo, Anak ako ng Ating Ama"
Mahinahon nyang saad sakin pero mayroong diin. what did he say? Ating Ama? 

"Ating Ama? What?! Are you crazy!"
Binato ko ang bottled water sa kanya pero agad naman nya itong nasalo at walang pakandungang ininom ito sa harap ko. Hindi sinasadyang napatingin ang mata ko sa adams apple nyang nag tataas baba, Ay kusa akong napalunok at nakaramdam ng kakaibang init.
Shit! ano bang nangyayari sakin! Kinulam ba nya ako. Bwisit sya!

Angelus AmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon