Chapter 38: let go

3 0 0
                                    


    Nilibot ko ang paligid at hindi ako nag kakamali na nasa isang park ako, dahil nakikita ko ang mga nag tatakbuhang bata na may mga dalang lobo, Sa isang gilid ay mga nag titinda ng mga pagkain at cotton candy, Sa gitnang bahagi ng field ay may mga ilang tao na nag latag ng matress nila at doon nag uusap.

Nasaan ako? Napatingin ako sa unahan ko ng may lumalapit saking lalake, hindi ko maaninag ang itsura niya dahil sa malayo pa sya at nag lalakad na para bang sakin pupunta.
Sa bawat pag lapit sakin ng lalake ay ang pag labo ng paligid.

Ramdam ko ang bilis ng tibok ng aking puso habang palapit ito ng palapit sa akin.
Hanggang sa tumigil ito sa aking harapan but still blured parin ang kaniyang mukha at ang paligid.

Sinubukan kong mag salita pero walang lumalabas na boses sakin. The hell! Anong nangyayari sakin?

Hinawakan nya ang pisnge ko at halos mag tindigan ang balahibo ko ng maramdaman ang mainit niyang palad sa akin.
Bago ito muling tumalikod sa akin at mag umpisang mag lakad palayo.
Pilit kong binubuka ang aking bibig para maka pag salita pero walang boses.

Ang kaniyang pag layo ay nag hahatid sakin ng kakaibang sakit at sama ng loob, ng tuluyan na itong nag laho sa aking paningin ay biglang dumilim ang buong paligid, at naramdaman ko nalang ang pamilyar na senhasyon na para akong nahuhulog sa walang katapusang gusali.

"Elisha ayos kalang ba?!"
Agad akong napadilat napatingin sa pinanggalingan ng boses.
Sumalubong sakin ang nag aalalang mukha ni Oxomon, napabuga ako ng hangin.
Isang panaginip, kakaiba ito kumpara sa paulit ulit kong napapanaginipan noon. Sino ang lalakeng iyon? Bakit kakaiba ang nararamdaman ko sa kanya?

Pina upo ako ni Oxomon sa kama at inabutan ako ng tubig, kaya kinuha ko ito at ininom para narin pakalmahin ang puso kong nag wawala.

"Isang masamang panaginip?"

Nilapag ko ang baso bago tumango dito. Kita ko ang pag aalala sa kaniya kaya hinawakan niya ang aking kamay.

"Hmmm, salamat Im okay"
Hinawakan ko rin ang kamay nya, para pakalmahin siya and I give him a warm smile.

"By the way, kamusta si Terrie ?is she okay?"

"Oo, dinala ko sya sa Pagamutan, wag kang mag alala nasa maayos na siya"
Napabuga ako ng hangin para akong binunutan ng tinik, alam kong mali ang ginawa ko at hindi ko kakayanin kung may masamang nangyari sa kaniya, bukod sa hindi ako patatahimikin ng konsensya ko masisira pa ang pangalan ko and worst magalit pa sakin si Oxomon at hinding hindi ko hahayaang mangyari yon.

"Buti naman, Im really sorry Oxomon nadala lang ako ng galit ko, wala akong balak saktan sya"

Agad niya akong niyakap at pinakalma gamit ang pag haplos sa aking likodan.

"Hindi mo kailangang humingi ng tawad sa akin, Maayos na siya"

Hindi nako umimik at diniin nalang ang sarili sa kaniya.

"Are you mad at me?"
"Hindi ako galit sayo, pero galit ako sa ginawa mo"

Napabuntong hininga ako at mas siniksik pa ang sarili sa kaniya. Isa nga siyang angel napaka understanding nya, akala ko galit sya kanina dahil hindi niya ako iniimikan pero napakalaking luwag sakin ang mayakap syang muli ng ganito.









"Kasalukuyang nasa 2000 na ng mga tao ang namamatay na hanggang ngayon sa hindi malamang sakit, gumagawa na ng paraan ang gobyerno para masulosyonan ito pero hanggang ngayon ay wala parin silang mabigay na sagot kung bakit sunod sunod ang nagiging kaso.
Ang mabuting maipapayo nalang ng ating mga doktor ay manatili sa ating lugar at gawing healty ang ating pangangatawan, hanggang sa muli."

Angelus AmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon