Chapter6: Follow

6 1 0
                                    


       ELISHA
    Pag bukas ng mga pulis ay wala na doon ang bwisit na lalakeng iyon, San nag punta yon. May kasama na kaming mga pulis ngayon at body guard kasama ko din si Manager na tila na guguluhan. Ng Tumakbo  ako palabas kanina ay nakasalubong ko sila at sigurado ako, imposibleng maka alis ang lalakeng iyon ng ganoong kabilis at hindi ko manlang nakita ang pag labas nya sa pinto.

"Nasaan na Elisha? Akala ko nandito?"
Tanong ni Manager, Pumasok ako sa loob at pilit hinahanap ang lalake. Paanong nawala ang lalake na iyon! mAy sa demonyo ba sya? Wlaang ibang lagusan dito, may bintana pero imposibleng tumalon sya dahil ang taas nito.

Naramdaman ko nalang ang kamay na humawak sa balikat ko. si manager.
"Alam mo Elisha, Baka pagod kalang halika na hatid na kita sa condo mo"
Malumanay na saad nito. At hinila na ako palabas pero bago iyon ay hinarap kong muli si manager.

"Manager, Tingnan mo ang Cctv sa parking lot, May nais akong makita"
Tila na guluhan naman ito.
"Why? Ano bang nangyayari sayo? About nanaman ba sa lalakeng iyon? Ginugulo kaba talaga nya?"
Sunod sunod na tanong ni manager, pero may halong pag aalalaa.
Kung alam mo lang manager ang nakita ko baka sabihin mo pang nasisiraan ako ng  ulo.

Pero Kailangan ko ng tulong nya kaya marahan kong hinila si managerpaalis ng kwarto at hinila ito na medyo malayo sa mga pulis.

"Yung lalake na iyon, may sinaktan syang babae sa parking lot. Kitang kita ko ang nangyari"
Nabakas naman sa mukha nya ang pag kalito at pag aalala.
"At nakita ka nya?"
tumango ako.
"Anong ginawa nya sa babae? Asan ang babae?"
Umiling iling ako.
"Nawala ang babae ng saakin nabaling ang tingin ng lalakeng iyon."

Napa iling naman si manager at tila naguguluhan "What? nawala nalang bigla?" Muli akong tumango.

Nag pakalawa sya ng buntong hininga bago ako tinitigan ng taimtim.
" Look, Ipapahatid na kita sa driver mo, Titingnan ko nadin ang mga cctv, I will call you later"
Wala naman akong nagawa at tumango nalang sa kanya.

.

.

.

.

.

Pag kapasok ko sa condo ko ay pasalampak kong inihiga ang sarili ko sa malambot na upuan, Napahawak ako sa sintido ko st ipinikit ang mata. Agad pumasok sa aking isipan ang mga pangyayari kanina.
Napabangon ako ng maalala ang puting liwanag na nanggaling sa kamay nya noong hinawak nya sa paahan ko.
Ginulo ko ang buhok ko at tumayo. Biwsit na lalakeng iyon, may sa demonyo ba sya? Pero dipa pag demenyo itim hindi puti.  Hindi kaya mang kukulam? Wahhh.
Meron pa bang ganon sa panahon ngayon? Napaka imposible! Baka may trick lang syang ginawa kaya nag karoon ng liwanag don. Argh! Nakakasira sya ng bait.

Kumuha ako ng tubig sa ref. at Sinalin sa baso at sinimulang inumin ito.
Halos maibuga ko ang tubig ng makita ang isang nilalang na nakatayo sa may sala, Kitang kita ko ang pag lilibot ng kanyang mata sa paligid.
Fvk! Paano to naka pasok sa condo ko?! Dahan dahan akong Lumakad, At nag tago sa may pader ang kusina ko ay tanaw ang living room kung saan andon sya at nililibot ang mata sa paligid.
Holy moly shit! I need to call the pulis.  Shit. nasa upuaan sng bag ko st naandoon ang cellphone ko. Bwisit na to ah!
Mabilis kong kinuha ang kutsilyo at lumabas sa pinag tataguan ko, Agad naman syang napalingon sakin kaya itinutok ko ang kutsilyo sa na ngangatal kong kamay.
Nanlaki ang mata nya ng makita ako,

"H-how did you enter?!"
Ngunit binigyan lang nya ako ng kunot na noo at nakatuon ang tingin nito sa hawak kong kutsilyo. Dahan dahan akong lumalapit sa kanya, sya naman ay umaatras
"Anong binabalak mo sa bagay na iyan? Lubhang nakakasakit iyan!"

Angelus AmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon