OXOMONNapakaaliwalas ng kanyang mukha pag natutulog, ibang iba pag gising sya akala mo lagi ay mangangain ng tao. Natawa ako sa naisip ko.
Kinumutan ko si Elisha habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. Alam kong wala syang kasalanan alam ko kung sino nag sasabi ng totoo at hindi. Gusto ko syang tulungan, Dahil wala naman siyang kasalanan lalo na sa walang puso nyang ama. Dahil sa hindi ko mabasa ang kanyang isip ay hindi ko malaman kung anong buhay meron sya. At ang nangyari kanina ay malinaw na sa akin, Meron syang masamang pamilya na kinalakihan.
Nais ko syang tulungan, madali lang mapalabas ang may sala kung gagamitin ko ang aking kakayahan ngunit, Naalala ko ang napag usapan namin ni Reilo."Hindi ko gusto ang tumatakbo sa isip mo Oxomon."
Umupo ako sa kama ko, nandito kami sa kwarto iniwan ko muna si Elisha at manager nya sa sala, dahil tinawag ako ni Reilo."Wala siyang kasalanan Reilo, hindi naman siguro mas-"
"Wala kang karapatang pakealaman ang buhay nya Oxomon! Alam mo ang pinunta mo dito, Hindi ang pagsilbihan ang babaeng iyon!"
Natahimik ako, Hindi ko alam pero hindi ako mapanatag lalo nat nakita ko ang ginawang pananakit ng kanyang ama sa kanya. Hindi masama ang tumulong nais ko syang tulungan dahil hindi dapat sya nasasaktan.
"Oxomon, may mga bagay na hindi na natin dapat pinapakealaman, Ang nangyayari kay Elisha ay nakasulat na at nakatakda itong mangyari sa kanya, wala kang karapatang pakealaman ang takbo ng buhay nya! Pag pinag pumilit mo ang iyong gusto ay mag kakaproblema ka."
Hindi muli ako umimik at pinapakinggan lang ang sinasabi ni Reilo, Tama sya pero hindi ko kayang makitang nahihirapan sya ng ganito.
"Gumising ka Oxomon! Dalawang buwan na ang nakakalipas at dadalawa palang ang nababalik mo, At ng dahil sa babaeng iyan ay nakakalimutan mona ang tunay na pakay mo sa mundong ito! "
Tama sya, Isang linggo na ang nakakalipas pero wala pa kong alam sa mga susunod na angel, Hindi ko alam pero lagi lang akong nasa tabi nya.
Nahihiya ako nahihiya ako sa kanya."At sa oras na malaman ito ng nakakataas baka palitan ka Oxomon, Hindi ka lang ikaw ang mag kaka problema, pati ang babaeng tinulungan mo ay mag kakaproblema."
Mas natameme ako sa sinabi nya, napaka laking kakahiyan sa akin iyon. At nakaka lungkot kung isa ako sa magiging dahilan lalo ng pag hihirap ni Elisha.
Wala akong maisagot sa kanya dahil lahat ng sinasabi nya ay tama, masyado akong nag padalos dalos, nais nya lang akong tulungan kaya dapat ay sundin ko ang aking kaibigan.
Bago sa akin ang ganitong pakiramdam, ginugulo ng babaeng ito ang aking isipan. Nitong nag daang mga araw ay nagiging abnormal ant tibok ng puso ko kapag kasama ko sya. Lalo na at pinapansin at kinukulit nya ako. Ano bang ginawa mo sakin Tao?Maya maya lang ay naramdmaan ko ang kamay ni Reilo sa ulohan ko.
Ang lamig nito pero nakakagaan ng pakiramdam."Oxomon, Pigilan mo kung ano mang namumuo diyan sa puso mo, Hindi kayo pwede. Tandaan mo yan."
Nabalik ako sa reyalidad ng lumitaw si Reilo sa harapan ko. Nakatingin sya kay Elisha. Hanggang ngayon palaisipan padin sakin ang huling sinabi nya. Anong klaseng bagay ba ang namumuo sa aking puso?
Hindi ko maintindihan."Tara na Oxomon Alam ko na kung naasan ang isang fallen angel. "
Tumango lang ako dito bago pinaglaho ang aming mga sarili.
*****************
ELISHA
Nagising ako dahil sa tunog ng cellphone ko pikit mata ko itong binuksan at sinagot ang tawag.

BINABASA MO ANG
Angelus Amare
Fiksi PenggemarANGELOS AMARE ANGELOS AMARE IS A FORBIDEN LOVE BETWEEN HEAVEN AND HELL. FOR LOVE WE CAN KILL AND BROKE APART. WE CAN FIGHT EVEN THE LOVE IS FORBIDEN AND THE WORLD AGAINST FOR IT