"Nagustuhan mo ba ang aking palabas?"Saad ng apoy, nakatulala lang si Oxomon ng humiwalay ang apoy sa katawan nya, basang basa ang mga mata nito na tila nagpakawala ng napakaraming luha.
Agad nagtagpo ang kanilang mga mata.
"N-agawa mo iyon?"
Hindi naka imik si Elisha, wala siyang nagawa kung hindi takpan ang kaniyang bibig upang mapigilan ang pag hikbi.
"Wala kang balak sabihin sakin ang lahat Elisha?"
"I-m sorry, Im sorry Oxomon"
"Hindi ko ma intindihan, bakit mo ginawa yon? Alam mo ba ang maari mong kahinatnan?" Dumadami na ang mga perlas sa sahig dala na rin sa pag hihinagpis ni Oxomon.
Umiling iling si Elisha habang nakatingin parin kay Oxomon.
"Alam ko Oxomon, kaya ko lang naman hindi nasabi sayo dahil alam kong masasaktan ka! "
"Nasira lahat ng plano ko, ang plano kong manatili sa tabi mo"
Lamtay na saad ni Oxomon habang sagana parin na tumutulo ang kaniyang mga luha.Kaya pala, kaya pala hindi ko naramdaman noon na katulad kita, kaya pala hindi ko mapasok ang isip at puso mo dahil nakipag kasundo ka sa demonyo, kaya pala hindi ko mahanap si Averia dahil ikaw pala sya Elisha.
Hindi ko kaya na makitang nahihirapan ka Elisha at paniguradong papahirapan ka ni Divrio sa oras na makuha ka niya."Naiintindihan ko Elisha, pero ang mahirap tanggapin ay ang mapunta ka sa impyerno Elisha, hindi na kita makikita, ayokong mawalay sayo"
Puno ng pag hihinagpis ang pag mumukha ng dalawa, Kapwa sila nasasaktan sa naging kapalaran nila.
"Hindi ko hahayaang mawalay ka sakin Elisha" mahinang saad ni Oxomon.
Umiling iling si Elisha, na tila sinasabi na wala na tayong magagawa.
"Tama na Oxomon, Tanggap kona ang kapalaran ko at sana ikaw Rin" kahit nahihirapan ng mag salita si Elisha dahil sa hikbi nito ay nagawa parin niyang kausapin ang nag susumamong si Oxomon.
"Pero hindi ko kaya. Lumaban ka naman para sakin oh" pumiyok na si Oxomon.
Hirap na hirap si Elisha dahil naawa siya sa kalagayan ni Oxomon. Hindi niya akalain na hanggang dito ay ipaglalaban parin siya ni Oxomon, pero siya itong pilit lumalayo at sinukuan siya.
"Pagod na akong mag tago Oxomon, G-ustuhin ko mang tumakas pero alam kong wala rin itong patutunguhan, ito ang kapalaran ako, sarili ko ang may gawa kung bakit humantong sa ganito kaya dapat lang na pagbayarin ko ito Oxomon"
Umiling iling si Oxomon na tila ba hindi nya maintindihan ang sinasabi ni Elisha, hindi nya matanggap na ganon nalang niya isusuko ang sa kanilang dalawa.
"Hindi Elisha, may paraan pa, gagawa ako ng paraan kumapit ka lang sakin gagawa ako ng paraan. Hindi ako makakapayag Elisha!"
Naipikit ni Elisha ang mata niya ng lumapit at yumakap sa kaniya si Oxomon. Hindi kayang ipaliwanag sa salita ang sakit na nararamdaman ni Elisha habang nararamdaman niya ang pag hihinagpis ng taong minahal nya, minamahal nya ng sobra.
Ilang saglit lang ay humiwalay sa pag kakaakap si Oxomon, nagawa nitong hawakan ang mag kabilang pisnge ng dalaga.
"Makinig ka saamin ka sasama ni Reilo, Hindi kita papabayaan ha?"
Kagat labi si Elisha habang hindi mag kamayaw kong ano ang dapat isagot sa lalake.
Gustong gusto niyang lumaban at sabayan si Oxomon pero natatakot siyang mag kamali ulit siya at muli lang mawala sa lahat ang pinag hirapan nilang dalawa.

BINABASA MO ANG
Angelus Amare
FanfictionANGELOS AMARE ANGELOS AMARE IS A FORBIDEN LOVE BETWEEN HEAVEN AND HELL. FOR LOVE WE CAN KILL AND BROKE APART. WE CAN FIGHT EVEN THE LOVE IS FORBIDEN AND THE WORLD AGAINST FOR IT