Chapter 26: Goodbyekiss

2 1 0
                                    


   Panigurado mugto ang mata ko ngayon kaya kahit nasa loob ako ng bahay ay naka shades ako lalo na at darating si Manager. Halos hindi ako pinatulog ng sinabi ni Oxomon hanggang ngayon sariwa padin ang napag usapan namin.

Hindi narin ako nagulat kung mag isa ako sa condo dahil panigurado wala naman na si Oxomon e, Hindi nako nag eexpect. Damn him! Nanahimik ako sa buhay ko tapos bigla syang darating para iwan ako? Hustisya para sakin.

"Oh anong meron? Bakit naka shades ka? Ang taas ba ng araw dito sa condo mo?"

Inismidan ko si manager na kararating at agad hinablot ang dala nyang mga pagkain.

"Oh, Thank you ha!"
Rinig ko ang pag ka sarcastic nya.
"Wellcome"
Bored na sagot ko at tinungo ang kusina para kainin ang dala nyang foods. Sumunod naman ito, Ramdam ko ang mga titig nya kaya hindi ko maiwasang mailang.

"What ? "

"What what ka diyan! Bakit naka shades ka? Ano bang meron ha? "

"Its fassion!"

"Fassion your ass"

Hindi ko na sya inintindi at kinain ang dala nito, Hindi ko na sya inalok im sure naman tatanggi to, Dahil bawal sa kanya ang kinakain ko ngayon :)

Hindi kalaunan ay lumipat kami sa Sala para manood habang kumakain ng snacks, Buti nalang talaga at nandito si manager dahil sa kanya na susurvive ko ang araw araw ma buhay dito. Bwisit kaseng Oxomon yon! But I badly Miss him   So much.

"Oh bat parang nalugi ka? Hindi masarap?"

Nakatingin na sakin si Manager habang naka taas ang paa sa  lamesa ng sofa.

Umiling nalang ako dito bilang sagot.

Ang pinapanood naming Palabas sa Tv ng nagkaroon ng commercial kaya ininom ko ang tubig na nasa baso.

    "Kararating lang po ng balita kaninang umaga, Natagpuan ang limang mga kabataan sa mag kakaibang brgy.  dito sa manila na wala ng buhay mukang tuyot na tuyot ang kanilang balat at mga nakabukas ang kanilang mata at nakanganga ang kanilang mga bibig. Hanggang ngayon ay walang maisagot ang Mga sumuri dahil walang lumalabas sa resulta na naging dahilan ng kanilang kamatayan, Maaring na overdose sa droga ngunit walang nakuhang resulta, Ngayon po ay inaasikaso na ito ng nakakataas. Ako po si Riaka Nag babalita sa 12Round mag babalik"

Natuon ang atensyon namin ni manager doon, Hindi pinakita ang itsura ng mga bangkay pero malinaw ang pagkaka describe ng babae. Bukas ang mga mata? Hindi kaya nabangungot sila? Ang creepy ha! Ano bang nangyayari sa earth?

"Its weird"
Reaction ni Manager.

Yeah its really weird, Bakit kaya sila nagkaganon?

"Ang you ? Your the weirder one, Naka shade kahit ang dilim dilim na dito sa condo mo! "

Napairap ako kay manager at mabilis syang hinampas ng unan, kanina seryoso tapos ngayon ng aasar na?! Aba !

"Shut up! "

"Ouch!"

"Hey! Hahaha "

*****************

      OXOMON

"Nahanap mo na ba ang huling peccatum?"

Naka upo kami sa aming laging tinatambayan sa itaas ng puno kung saan tanaw ang lahat ng bahagi ng syudad.

"Hindi, Nakakapag taka na hindi ko sya mahanap. Maaring patay na ito o kaya nasa kamay na ni Diverio"

Napaka lamig ng simoy ng hangin, Napaka sarap talagang panoodin ang kakaibang mga ilaw sa syudad nakaka aliw.

Angelus AmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon